Ronnie Alonte admits, "Sa totoong buhay, hindi talaga ako marunong manligaw."

IMAGE Noel Orsal

Ronnie Alonte, Iza Calzado, and Bea Alonzo reminisce about their most memorable scenes while doing A Love To Last. 



Inihayag nina Bea Alonzo at Iza Calzado ang kanilang reaksyon tungkol sa umano’y sapawan nila sa acting sa ABS-CBN primetime teleserye na A Love To Last.

Ginagampanan ni Iza ang role ni Grace, na unang asawa ni Anton na ginagampanan naman ni Ian Veneracion. Si Bea naman si Andeng, ang second wife ni Anton.

Ayon sa dalawang aktres, characters lang daw nila sa show ang nag-aaway at nagtatarayan, pero sa totoong buhay ay wala raw sapawan at tensyon sa pagitan nila. Sa katunayan, sila daw ay magkaibigan.

Unang sumulpot ang usaping ito nang tanungin ni Mario Dumaual (para sa TV Patrol) si Iza tungkol dito.

Muling inusisa ito ng PEP.ph (Philippine Entertainmet Portal) kina Iza at Bea sa thanksgiving at finale presscon ng A Love To Last na ginanap sa 9501 restaurant sa loob ng ABS-CBN compound.

Ayon kay Iza, “I think it’s a normal question when there are two women being pitted against each other in a show. “Normal na question lang iyon.

“Buti na lang wala naman talagang ganun, kasi I respect Bea not just as an actress but as a person.

“She has never made me feel slighted or in any way parang…

“Basta laging magaan yung samahan at relationship sa set.”

Reaksyon naman ni Bea, “I can say the same with Iza, and plus she’s a professional actress, she’s a brilliant actress. Wala talagang ganun.

“Actually, kabaliktaran nga, e.

“Every time I see her, excited kami na nagkukuwentuhan, parang hindi nauubusan.

“Pag nagkikita kami, nagse-share kami ng mga pagkain.”

Dagdag pa ni Iza, “At saka sa mga lines, hindi ba pag nagre-revise, nag-uusap kami.

“‘Hindi ba mas maganda yung ganito? Baka ito na lang.’

“I think what works is that we collaborate, we always believe in that.

“Kasi when you come to the set, I mean, when you come to work and you go there with an objective of sapawan yung co-actor mo, you know it’s a very selfish objective which leads you nowhere.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I am a very collaborative actress, I would like to think so.

“So, I feed off her energy, and I would like [her] to feed off mine.”

Kahit nga ang leading man nilang si Ian ay sinabing maganda ang samahan ng dalawang aktres on- and off-cam.

“I can attest to that na never ko napansin na nagkaroon ng tensyon sa kanila, na mayroong competition sa kanila,” ani Ian.


MEMORABLE MOMENTS ON THE SHOW. Sa press con ay tinanong ang mga stars kung ano ang mga memorable moments nila sa teleserye.

Para kay Iza, "Maraming highlights dito. [Nung sinabi ko sa eksena], 'I want an annulment.'

"Siguro it's truly the most memorable in terms of audience impact.

"It was so powerful na hindi alam ng mga tao kung bakit bigla na lang siya humingi ng annulment.

"Of course, working with Ian is always a breeze because we've been working together for so many years now.

Pinuri rin niya si Bea, ang kanyang co-star na kaagaw sa teleserye.

Ani Iza, "Every time I have a scene with Bea, it is also memorable because I like the dynamics. I respect her a lot as an actress and gusto ko na generous rin siya at matalino na artista.

"Personally, I have one scene na I like for myself. It was when nadisgrasya si JK. It was at the hospital. The scene was so heartfelt for me na tumulo pa yung laway ko," sabi niya, na ikinatawa ng mga members of the press. 

Pag-amin ni Iza, "Isa 'yan sa bucket list ko. Yung tumulo ang laway ko." 

Ang tinutukoy niya ay si JK Labajo na gumaganap bilang anak ng karakter ni Iza at ni Ian Veneracion.

Para naman kay Ian, inamin niya, "Memorable sa 'kin yung first part of the show when she wanted an annulment. Ang sakit-sakit yung eksena na yun. I think it translated [onscreen].

"Isang highlight na I enjoyed immensely was the first time I kissed Andeng [Bea]," sabi ng heartthrob, sabay tawa.

Para kay Ronnie Alonte, mahalaga ang show na ito dahil ayon sa kanya, dito lang niya nasubukan manligaw ng babae.

"Ako yung naging kami na ni Chloe [Julia Barretto] at yung nanliligaw ako sa kanya kasi sa totoong buhay, hindi talaga ako marunong manligaw.

"Naranasan ko talaga manligaw sa eksena at ramdam na ramdam ko," pag-amin ng Hashtags member.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN