Denise Laurel is the campus crush in "Rakista"


Denise Laurel is currently in the cast of Rakista, which airs on TV5 every Thursday at 7 pm.



Nag-turn 21 years old nitong nakaraang September 30 ang young actress/singer na si Denise Laurel at wish nga niya ay makaipon na siya para sa kanyang plano na mag-aral sa New York City.

Balak mag-aral ni Denise either sa Julliard School of Dance and Music or sa New York University. Gusto niyang kumuha ng music course dahil ang hilig naman daw talaga niya ay ang kumanta at magsulat ng sarili niyang music. May album ngang tinatapos si Denise na sana ay matapos bago pa magtapos ang 2008.

"I'm not getting any younger. I want to finish a college course para naman may fall back ako kapag hindi na ako active sa showbiz," ngiti ni Denise.

"Naiinggit nga ako sa mga naging classmates ko noong high school. Ga-graduate na sila from college samantalang ako ay hindi pa ako nakakapagsimula.

"Kaya nga I'm working very hard now para makaipon so I can pay my tuition fees. It's a good thing that I have a weekly show sa TV5, which is Rakista. And I'm a VJ [video jock] for Studio 23."

Wala raw kontrata si Denise sa ABS-CBN pero binibigyan naman siya ng mga projects every now and then. Tulad sa Star Cinema, she was last seen as one of KC Concepcion's friends sa pelikulang For The First Time.

"I owe ABS-CBN a lot, lalo na kay Mr. M [Johnny Manahan]. Because he was the one who wanted me to be part of Ang TV before. I was like ten or 11 years old when he saw me sa isang stage play sa Repertory Philippines. Then he said na he wanted me to be part of the second batch of Ang TV.

"Kaya whatever work naman na ibigay nila sa akin, okey lang. Hindi naman ako napili, eh. Basta mag-enjoy lang ako and that's enough for me."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging talent din si Denise sa GMA-7 at mas nakilala nga siya bilang isang mean girl sa teen drama series na Click.

"Many people still remember me sa Click. GMA-7 gave me good projects naman and I loved working with them. Puwede pa naman nila akong kunin, eh. My manager now kasi is Arnold Vegafria. I miss nga doing yung mga telenovelas. I can still do kontrabida roles naman."

CAMPUS CRUSH. Sa TV5 show na Rakista, Denise plays the campus crush C.C. who is torn between her classmate and band member played by Carlo Aquino at ang campus jock-turned-student council president na si Marco Morales.

"I like doing Rakista because parang naglalaro lang kami sa taping. Wala kaming pressure kasi we are all having fun. Si Carlo naman kasi, I know him noong mga bata pa kami sa ABS-CBN. He's such a gentleman pero minsan para siyang bata sa set. Makulit pero he's very loveable. Kaya maraming girls ang nali-link diyan.

"Si Marco naman, he's the macho man in the show. Doon ko lang naman siya na-meet pero he's very nice. Tahimik lang kung minsan and he's very serious with work. But we get along naman kapag nagte-taping na kami."


Mapapanood ang Rakista sa TV5 tuwing Huwebes sa ganap na 7 ng gabi.

Surprisingly ay wala nga raw na nanliligaw kay Denise ngayon. Matagal na raw siyang walang boyfriend at ang last na nakarelasyon ay si AJ Eigenmann noong nasa Click pa raw sila.

"May mga nagpaparamdam pero parang nai-intimidate sila sa akin, eh. I don't know why? Mabait naman ako!" sabay tawa niya. "Siguro akala nila na mataray ako. They have to know me muna, ‘di ba?

"Pero it's okey din naman na wala muna akong boyfriend kasi nga mas concentrated ako sa work. Tsaka if ever my plans pushes through, baka next year, matuloy ko na ang studies ko sa U.S. Ayoko naman ng long distance love affair."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasali rin si Denise sa cast ng Metro Manila Film Festival entry na Shake, Rattle & Roll X ng Regal Entertainment.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN