Shaina Magdayao reveals how The Better Half affected her views on marriage

Shaina Magdayao says how grateful she is to the cast and crew of The Better Half. "Wala po talagang naging problema sa set namin. Yun siguro ang trade-off ni Lord, kasi alam niyang sobrang hirap ang mga eksenang ipapagawa niya sa amin."



Dahil masalimuot ang kuwento ng ABS-CBN afternoon series na The Better Half, lalo na pagdating sa kuwento ng buhay may asawa, puwedeng mag-iwan ito ng positibo o negatibong epekto sa mga artistang nagsiganap, lalo na sa mga bida ng naturang palabas na pawang mga single pa.

Isa na rito ang Kapamilya actress na si Shaina Magdayao. 

Posible bang mas naging “bitter” ang pananaw niya sa pag-aasawa o naging “better” ba ito matapos niyang gawin ang teleserye?

“Hindi ako naging bitter,” sagot ni Shaina sa ginanap na press conference ng The Better Half sa 9501 Restaurant sa ABS-CBN compound.

“Mas naging open pa po at parang nag-widen ang perspective ko sa salitang ‘pagmamahal,’” patuloy ng aktres.

“This show tackles not just romantic love.

“Love rin ng pamilya.

“For sure, lahat kayo makaka-relate na kapag nabibigyan ka ng problema or kapag dumarating ka sa punto ng buhay mo na sobrang babang-baba ka na or mawawalan ka ng mahal sa buhay.

"Wala kang ibang kakapitan kung hindi ang pamilya mo.”

Ayon pa kay Shaina, “Yun po ang isa sa ino-honor kong pagmamahal. 

“Yung pagmamahal ko naman po sa dalawang asawa ko rito, well, bago yung sa dalawang asawa ko, naiintindihan ko ang perspective ni Bianca dahil siya ay tao lang.”

Si Bianca ay ginaganapan ni Denise Laurel.

 “Sumobra-sobra lang po ang pagmamahal niya.

“I’m sure, at one point in your lives, dumating na rin po kayo sa ganun. 

“Natumba si Camille, pero at the end of the day, pinili niyang mabuhay, pinili niyang tumayo at pinili niyang magmahal ulit.

“Kaya naman po dumating si Rafael. 

“Pero, hindi rin naman po naging smooth ang relasyon namin ni Rafael, pati rin naman po sa tunay na buhay,” natawang sabi niya.

Para kay Shaina, ang kasal ay hindi biro.

 “Ang marriage kasi hindi ‘yan biro. 

“More than the feeling, it’s actually a commitment to stay together through thick and thin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So siguro yun ang mga instances na nari-realize ko na ang pagmamahal ay hindi lang in-love, hindi ka lang kilig. 

“Napakalawak at napakalalim pala ng salitang pagmamahal.”

Naranasan na ba niya sa tunay na buhay ang pinagdaanan ng karakter niya sa teleserye?

Natawa si Shaina at saka sinabing, “Alam na alam niyo naman ‘yan. 

“You know I make sure that every time I enter a relationship, I give my one hundred ten percent. 

“Kasi, hindi ako pumapasok sa isang bagay na hindi ako sigurado.

“So kagaya ng finale namin, all or nothing lang din si Shaina.

“And yes, at one point, oo naman, nasaktan din.

“But kagaya ni Camille, I chose to look at the brighter side and stay hopeful, thankful and to really believe na nangyayari ang mga bagay for a reason.

“And I guess, kapag dumating na ang tamang tao na katulad ni Rafael, sasabihin ni Shaina na, kaya naman pala napagdaanan ang lahat ng yun.”

SPECIAL FAMILY. Hindi madali para kay Shaina, at maging sa halos lahat sa cast, ang pagtatapos ng kanilang show.  Isa raw ang The Better Half sa mga ginawa nilang teleserye na maituturing nila espesyal talaga.

Ayon pa kay Shaina, “From the very beginning po, naging smooth po kasi talaga ang trabaho namin.

“It’s the first time to work with GMO unit, and it’s been a pleasure at sana, hindi po ito ang huli.

Maalaga raw ang buong staff at crew, na mas lalong naging inspirasyon ng cast na pagbutihin ang kanilang trabaho.

“Ako, I really treasure those moments or people na nakakasalamuha ko rito sa industriya na ito na genuine, sincere,” patuloy ni Shaina.

“At gaya naman ho ng sinasabi ko, it shouldn’t end here. 

“Kumbaga, parang naging instrument lang ang show na ‘to para magkakilala kaming lahat at kami’y maging isang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinatuwa rin ng dalaga ang naging magandang samahan nila sa set.  

Aniya, “At palagi ko namang sinasabi na this is just the beginning of a wonderful family. 

“I’m not saying these because they’re all beside me right now, pero wala po talagang naging problema sa set namin. 

“Yun siguro ang trade-off ni Lord, kasi alam niyang sobrang hirap ang mga eksenang ipapagawa niya sa amin.

“Kung ano-anong breakdown na lang ang nagawa ko, luka-lukahan acting na lang ang nagawa ni Bianca.

“Pero at the end of the day, sobrang sarap po ng ginawa namin.”

Dagdag pa niya, “Wala, wala po akong masasabing masama with this group.

“Actually sad na matatapos na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN