Does Dingdong feel the pressure of his Alyas Robin Hood competing with Coco's Ang Probinsyano?

IMAGE Rose Garcia

Dingdong Dantes says he doesn't put pressure on himself anymore, despite the back-to-back timeslots of GMA-7's Alyas Robin Hood and ABS-CBN's Ang Probinsyano: "Well, kahit naman noong una, tinanggal ko na ang pressure. Especially after na nagka-daughter na 'ko. I'll just do my job. Yun ang pinakamahalaga sa akin."



Magkatapat sa primetime TV ang timeslots ng shows ng dalawang tinaguriang Primetime Kings ng dalawang networks: ang Alyas Robin Hood (ARH) ni Dingdong Dantes sa GMA-7 at ang Ang Probinsyano naman ni Coco Martin sa ABS-CBN.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa taping ng Alyas Robin Hood noong September 7 sa Toro, Quezon City, tinanong namin siya kung may nararamdaman siyang pressure dahil sa pagkakatapat ng rival shows.

Sabi niya, “Well, kahit naman noong una, tinanggal ko na ang pressure.

“Especially after na nagka-daughter na 'ko.

“I’ll just do my job. Yun ang pinakamahalaga sa akin.”

Ang tinutukoy niya na daughter ay si Zia, ang anak nila ni Marian Rivera.

BETTER TREATMENT? May ilang buwang namahinga si Dingdong at ang kanyang co-stars bago nagsibalikan sa Alyas Robin Hood Book 2.

Para sa aktor, wala naman daw siyang naramdamang pagkakaiba sa ginagawa nila ngayon kumpara sa naunang yugto ng teleserye.

Pag-amin niya, “Pareho lang, walang nagbago kahit sa treatment.”

Sabi naman namin, tila mas action-packed sila ngayon sa ARH.

Pagklaro niya, “Ako kasi tingin ko, pareho lang.

“Pero kung gusto nilang maging better, kaya nilang maging better.

“Pero sa istorya kasi, hindi pa talaga siya umaabot sa extreme.

“So pati run sa istorya, gumagapang pa rin siya sa paghahanap sa nanay.

“So wala pa rin siya sa ganung malakihan.”

Mapapantayan pa kaya nila ang pilot week nila pagdating sa mga action scenes?

Sa pilot episode pa lang ay sumakay ng motorsiklo si Dingdong upang habulin ang nag-kidnap sa nanay niya (played by Jaclyn Jose).

Lahad niya, “Dapat!”

“E, ang reyalidad sa taping, alam niyo naman, kapag kunwari may for airing na kayo.

“Kapag pilot, may oras kang paghandaan.

“Pero siyempre, kung manonood ka, gusto mong nandoon yun, hindi lang sa umpisa.

“Kung puwede nga, weekly meron.”

MOVIE WITH AGA. Kasabay din na ginagawa ni Dingdong ang pelikula niya sa Star Cinema na Seven Sundays kasama sina Aga Muhlach, Enrique Gil, at Cristine Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masaya, masaya. Family-oriented yung tema kaya masaya yung set,” saad ni ng Kapuso actor.

Kumustang katrabaho si Aga Muhlach, na unang beses niyang makakasama, bukod pa sa tila comeback nito ang Seven Sundays?

Saad ni Dingdong, “Siyempre, because I look up to him, marami akong nakukuhang advice from him.

“Marami siyang naisi-share about the industry, which I appreciate very much.”



Stories We Are Tracking

ABS-CBN now weekday primetime leader, based on AGB ratings
ABS-CBN now weekday primetime leader, based on AGB ratings
Dingdong considers Enrique Gil as his
Dingdong considers Enrique Gil as his "real-life brother"
Dingdong Dantes reveals reason for doing Star Cinema movie
Dingdong Dantes reveals reason for doing Star Cinema movie
Aga makes comeback; Dingdong marks 6th Star Cinema film
Aga makes comeback; Dingdong marks 6th Star Cinema film




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN