Solenn Heussaff makes a request regarding showdown with Andrea Torres in Alyas Robin Hood

IMAGE Noel Orsal (right frame)

"Hindi naman kailangang maghubad para magpa-sexy. I think, puwede rin naman sa language," says Solenn Heussaff (left frame) about possible showdown scene with Andrea Torres.



Kung meron mang isang inaabangan si Solenn Heussaff sa pagpasok niya sa Alyas Robin Hood, ito ay ang posibleng "showdown" nila ng isa pang leading lady ni Dingdong Dantes na si Andrea Torres.

Si Andrea ay gumaganap bilang si Venus, ang fiancée ni Pepe na ginaganapan naman ni Dingdong.

Dati kasi, pinag-usapan din ang showdown ni Andrea laban kay Megan Young, kung saan nagpatalbugan ang dalawa suot ang two-piece bikini.

"For sure may ganyan na mangyayari," natawang sabi ni Solenn.

"Siyempre naman si Venus, fiancée siya ni Pepe.

“Tapos si Pepe, palagi siyang sa tabi ko.  

“So mati-threaten siya, magseselos siya.

“ So tingnan natin kung ano ang mangyayari," saad ni Solenn.

Ano kaya ang posibleng showdown nila?

"E, sana iba sa bikini para hindi same,” aniya. 

“Baka sa fight scene or baka sa salita lang, malay mo, tingnan natin."

Sa tingin niya ba ay isang sexy scene ulit ang showdown nila ni Andrea?

"Hindi naman kailangang maghubad para magpa-sexy.  

“I think, puwede rin naman sa language," tugon ni Solenn.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Solenn sa taping ng Alyas Robin Hood 2 sa Toro, Quezon City.

RICH KID IN NEED. Gaganapan ni Solenn ang karakter ni Iris Rebecca Lizeralde, isang ulila na pinamanahan ng kayamanan ng kaniyang mga yumaong magulang.

Nagkataon na kailangan niya ang tulong ni Pepe bilang isang abogado.

"Si Iris ay isang mayaman,” lahad ni Solenn tungkol sa kaniyang karakter.

“Hindi naman siya maarte, pero siyempre she was brought up in a gold plate so sanay siya na lahat nandiyan para sa kanya.

"Pero mabait siyang tao, may puso siya.

“Parang kailangan mo siyang makilala."

Sobrang gusto raw niya ang karakter ni Iris.

"I love it!" masayang sabi niya.

"Ang daming English, so puwede akong maglaro sa mga lines.

“Puwede akong mag-adlib.

“At least, very different rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Coming from Encantadia, ito talagang parang magkaibang mundo."

FIRST-TIME PARTNERS. Unang pagkakataon na magkasama sa isang teleserye sina Solenn at Dingdong.

Ayon kay Solenn, nakasama na raw niya ang akto noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.

Saad niya, "Nakasama ko siya sa isang episode ng Spooky Nights, pero sobrang tagal na.

“First time na co-actor talaga in a main TV series.  

“Actually, halos lahat sila dito, first time, except for Ruru Madrid and Phytos Ramirez."

May mga nagsasabi naman daw na may "chemistry" sila ni Dingdong sa ilang eksena.

"Actually, maganda naman sabi ng mga reports na nakita ko.  

"Kasi si Pepe, parang he always ends up looking after sa mga malditang babae. 

"Maganda yung character nilang dalawa na medyo head-on sila na mang-asar.  

“But siyempre naman lawyer ko siya.

“He has no choice but to take care of me kasi I'm paying him," kuwento ni Solenn.

Sa ngayon, wala pa raw plano kung magkakaroon sila ni Dingdong ng love angle.

"Hindi ko pa alam, tingnan natin," saad niya.

Tinanong namin si Solenn kung aware ba siya sa mga fans na maaaring mang-bash sa kaniya dahil sa tambalan nila ng aktor.

Sabi naman niya, "No, hindi ako nagbabasa.  

“Minsan lang if it's tungkol sa nephew ko or something, or if it's about my Mom and my Dad, nagagalit ako."

"I try to read naman, kasi nagre-reply naman ako in Twitter once in a while, kapag nata-traffic ako.  

“Kapag may pangit na comment, dini-delete ko lang tapos bina-block ko para hindi sakit sa ulo."

May mga reaksyon na ba tungkol sa pagiging leading lady niya?

"For now wala pa, pero I had my bashers na rin for six years in showbiz, so okay naman.

“Sanay na.  

“Pero actually, nagustuhan naman ng tao ang tandem [namin]."




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN