Luis Manzano reveals he received an offer to do an album in the past

Luis Manzano now hosts the new ABS-CBN game show I Can See Your Voice.


 

Kung isa raw singer si Luis Manzano, siya raw ay isang balladeer. Pero alam daw niya sa sarili niya na hindi siya nabiyayaan ng talent sa singing, kaya nga raw siya naging host at artista. Sa kabila nito, inamin ni Luis na may nag-offer pala sa kanya noon na maging recording artist at gumawa ng album.

Kuwento ng ABS-CBN host, “A long, long time ago I was taping MYX, ayokong sabihin kung sino. There was one recording artist, foreign siya, nandoon ini-interview ng ibang MYX staff. Tapos lumapit sa akin yung from that production label, ‘Luis, gusto mong gumawa tayo ng album?’ Sabi ko, ‘Narinig mo na ba yung boses ko?’ Sabi niya, ‘Oo, pero meron tayong wonders of technology.’ Ang sabi ko, but still kahit may wonders of technology ka, tapos pakantahin ka nang live at an event, e, di tapos, sira ang career mo.”

 

I CAN SEE YOUR VOICE. Kaya nga mas nag-focus si Luis sa hosting, kung saan talaga siya nag-excel.

Nagpapasalamat siya sa ABS-CBN dahil hindi siya nawawalan ng hosting jobs. Ngayon, siya ang host ng bagong Kapamilya mystery music game show, ang I Can See Your Voice.

Ang game show na ito ay likha ng CJ E&M sa Korea. Ito ang pinakaunang Korean game format na ginawan ng Pinoy version ng ABS-CBN.

Bawat episode, isang guest star ang makikipaghulaan kung sino sa anim na secret songers ang totoong SEE-nger (singer) at sino naman ang SEE-ntunado (non-singer). Para tulungan at gabayan siya ay makikigulo at magbibigay ng samu’t saring opinyon ang SING-vestigators na sina Angeline Quinto, Alex Gonzaga, Kean Cipriano, Wacky Kiray, at Andrew E.

Sa unang round na kung tawagin ay Stop, LOOKs, and Listen, kinakailangan mag-eliminate ng guest star ng isang secret songer base lamang sa kanyang itsura. Isang video profile din ang ipapalabas bawat secret songer na may patikim ng kanilang totoong boses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagtatapos ng round, isang secret songer ang tatapak sa Stage of Truth at kakanta nang live para magkaalaman kung SEE-nger siya o SEE-ntunado. Makakatanggap siya ng P5,000 consolation prize.

Level up naman ang hamon sa ikalawang round na The Voice is SYNCHING kung saan isa isang magli-lipsynch ang natitirang limang secret songers. Kapag ang secret songer ay SEE-nger, boses niya ang gagamitin at kapag SEE-ntunado naman ay boses ng iba ang maririnig ng lahat. Dalawang ang magpapaalam sa round na ito na makakatanggap naman ng P10,000 each.

Pinakahuling round ang I like to PROVE it, PROVE it, kung saan isa-isang magpapakita ng ebidensya ang natitirang tatlong secret songers at kukumbinsihin ang guest star na sila ang piliiin para manalo sa game. Ito ay maaaring larawan, medalya, o kung ano pang maaaring magpatunay na sila ay marunong umawit.

Dalawa muli ang mamamaalam sa last and final round at tatanggap ng P15,000 bawat isa. Ang matitirang secret songer, SEE-nger man siya o SEE-ntunado, ang siyang tatanghaling winner. Mananalo siya ng P25,000 cash prize, at makaka-duet pa ang guest star ng episode. Kung siya naman ay isang totoong singer, mayroon siyang sure slot para lumaban sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime.

 

SEE-NTUNADO. Sa teaser ng I Can See Your Voice, makikitang kumakanta si Luis pero lagi namang SEE-ntunado ang nakalagay. Hindi ba siya nasaktan dito?

“Hindi, fact iyan. Reality dictates na ako ay SEE-ntunado. Kahit si Mommy [Vilma Santos] aminado naman na iyon ang hindi naibigay sa amin ni Lord. Kahit na nagkaroon siya ng ‘Sweet 16’ at saka yung mga Christmas songs niya. Ako, wala talaga, e,” natatawang sabi ni Luis.

Unang sasabak ngayong linggo bilang guest stars sa I Can See Your Voice sina Gary Valenciano at ang Broadway Diva na si Lea Salonga. Aabangan din sa susunod na episodes ang pagsabak sa hulaan nina Lani Misalucha at Ogie Alcasid.

Mapapanood ang I Can See Your Voice tuwing Sabado at Linggo, 9:30 pm, sa ABS-CBN simula ngayong weekend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN