Heart Evangelista reveals Chiz Escudero's dream project for her is a sensual film

IMAGE From Instagram account of Heart Evangelista

Heart Evangelista shares her husband Senator Chiz Escudero's remark about a potential movie peg for her: "Chiz said, 'You know what? You should try to do something like Malena!' Si Chiz pa ang nagsabi."



“Really? Wow, thanks!” bulalas ni Heart Evangelista nang banggitin namin sa kanya na marami ang nagugulat sa kanyang pagkakalog at pagiging comedian sa GMA-7 rom-com na My Korean Jagiya.

Dahil nga siguro sa kanyang demure image, kadalasan ay laging prim and proper at glamorosa ang papel niya, kaya may hindi makapaniwala na kaya niyang “kumawala” paminsan-minsan.

Lahad ng Kapuso actress, “I think it’s my image as a person, na I look like I’m stiff or what.”

“Siguro, but I like that better.

“Mas gusto ko yung madaming nagiging negative before and then in a way parang, ‘Ay, kaya pala!’ or something like that.

“But I enjoy, enjoy na enjoy ako!”

Wala ba siyang gagawing pelikula?

Tugon niya, “Wala, parang wala na akong time.”

Nakagawa na dati si Heart ng indie film.

“Yung Ay Ayeng, that was the one where I got a Famas, I won a Famas,” pagmamalaki niya.

Nanalong Best Actress si Heart para sa naturang pelikula noong 2008.

DREAM MOVIE PROJECT. Open naman siya sa muling paggawa ng pelikula, kahit na isang daring na indie film.

“I don’t mind.

“And in fact even Chiz said, ‘You know what? You should try to do something like Malena!’

“Si Chiz pa ang nagsabi,” at natawa si Heart.

Ang Malena ay isang romantic/drama film noong 2000 na pinagbidahan ni Monica Belucci. Ang title character na si Malena ay may sensual scenes kasama ang ilang lalaki na nakatira sa isang conservative Italian town.

“Saka wala na naman din ako sa point sa life ko na I’m still… alam mo yung gigil na gigil pa ako?

“Parang I just wanna do one project and then I wanna do other things.

“It’s a good balance kasi ayoko din na sobrang ma-in love na ma-in love ako [sa isang project], tapos alam mo yun, eventually…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, I’m thirty-two, so I’m thinking it’s not gonna be forever, yung ganyan.

“Okay na.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN