Is Ash Ortega open to possible romance with co-star Enrico Cuenca?

IMAGE From Instagram account of Enrico Cuenca

Ash Ortega says she's not closing her doors to possible romance with Super Ma'am co-star Enrico Cuenca: "Siyempre ayoko namang magsalita nang tapos. Si Enrico, he's a really smart guy, sobrang okay siya. Pero right now, I'm not looking or going into a relationship kasi halos araw-araw talaga akong nagtatrabaho."



Wala raw manliligaw ngayon ang GMA-7 actress at Wowowin co-host na si Ash Ortega.

“Ngayon, halos wala talaga akong time.

“Halos araw-araw talaga akong nagtatrabaho.”

Walang boyfriend si Ash.

Paano kung si Enrico Cuenca ang manligaw sa kanya?

“Siyempre ayoko namang magsalita nang tapos.

“Si Enrico, he’s a really smart guy, sobrang okay siya.

“Pero right now, I’m not looking or going into a relationship kasi halos araw-araw talaga akong nagtatrabaho.”

Si Enrico ang ka-loveteam ni Ash sa nag-trending na Jollibee viral TV ad na pinamagatang “Crush” na lumabas noong Valentine's Day.

Bukod sa Super Ma’am ng GMA ay magkapareha rin sina Ash at Enrico sa The Haunted: Spirit of the Glass 2 na horror movie ng Octoarts Films para ngayong Halloween.

Hindi kaya sila ma-develop ni Enrico?

“So far, si Enrico sobrang bait niya.

“We’re still getting to know each other.

“Tapos, iyon nga, lagi kaming magkasama—sa shooting, sa taping nitong Super Ma’am so so far close friends kami.”

Gumaganap si Ash sa Super Ma’am bilang si Kristy na kikay na estudyante ni Minerva (played by the show’s lead Marian Rivera) at si Enrico naman bilang si Jake na isang geeky Math teacher.

Kasama rin dito sina Ms. Helen Gamboa as Lolita Honorio; ang leading man ni Marian na si Matthias Rhoads as Trevor Jones; Joyce Ching as Dalikmata; Kristoffer Martin as Ace; Kevin Santos as Casper; Isabelle de Leon as Rafa; Andrew Gan as Keno; at si Jackie Lou Blanco as Greta Segovia.

Nasa show rin sina Jillian Ward as Michelle; Marika Sasaki as Dina; Vincent Magbanua as Eric; Ralph Noriega as Onin; Meg Imperial as Jessica; Ashley Rivera as Teacher Rose; Shyr Valdez as Lailani, at Jerald Napoles as Esteban.

Kukumpleto sa cast sina Al Tantay as Chaplin Henerala; Julius Miguel as Bixby Henerala at si Kim Domingo as Mabelle Henerala/Avenir Segovia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Super Ma’am ay sa direksyon ni L.A. Madridejos.



Stories We Are Tracking

Enrico Cuenca says he doesn't have to date Ash Ortega
Enrico Cuenca says he doesn't have to date Ash Ortega




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN