Kim Domingo reacts to basher who told her: "Boobs ang puhunan!"

IMAGE Noel Orsal

Kim Domingo recalls how she broke the ice with Super Ma'am co-star Marian Rivera: "So nung unang time namin na nagkita kami sa photo shoot naging kumportable ako kaagad. Kasi ano siya, e, mayakap. Ganyan siya e, mahilig siyang mangyakap."



Dahil kontrabida siya ni Marian Rivera sa Super Ma’am, tinanong namin si Kim Domingo kung handa na ba siyang ma-bash ng mga fans ng Primetime Queen.

Sagot niya, “Ako naman po, handa naman na po ako diyan.

“Handa naman po ako.”

Wala pa naman daw siyang nararanasang pamba-bash mula sa mga maka-Marian.

Magkakaroon sila ni Marian ng eksena na maglalaban sila bilang sina Super Ma’am/Minerva (Marian) at Mabelle Henerala/Avenir Segovia (Kim) sa Super Ma’am.

“Magtatagpo po kami at iyon ang dapat nilang abangan,” pagmamalaki ni Kim.

Paano niya pinaghandaan ang pakikipagbakbakan kay Marian?

“Eto nga, hindi ko nga alam kung paano ko gagawin,” natatawang pag-amin ni Kim.

“Pero sabi ko nga, natutuwa ako kay Ate kasi ano siya, very professional, at the same time very sweet siya.

“So nung unang time namin na nagkita kami sa photo shoot naging kumportable ako kaagad.

“Kasi ano siya e, mayakap.

“Ganyan siya e, mahilig siyang mangyakap.

“Tapos kalog pa, parehas kaming tawa nang tawa.

“Bungisngis. Laging nakangiti.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kim sa presscon ng Super Ma’am sa Le Reve Pool Party and Events Place sa Quezon City.

Kasama nina Marian at Kim sa Super Ma’am sina Ms. Helen Gamboa as Lolita Honorio; ang leading man ni Marian na si Matthias Rhoads as Trevor Jones; Joyce Ching as Dalikmata; Kristoffer Martin as Ace; Kevin Santos as Casper; Isabelle de Leon as Rafa; Andrew Gan as Keno; at si Jackie Lou Blanco as Greta Segovia.

Nasa show rin sina Jillian Ward as Michelle; Enrico Cuenca as Jake; Ash Ortega as Kristy; Marika Sasaki as Dina; Vincent Magbanua as Eric; Ralph Noriega as Onin;  Meg Imperial as Jessica; Ashley Rivera as Teacher Rose; Shyr Valdez as Lailani, at Jerald Napoles as Esteban.

Kukumpleto sa cast sina Al Tantay as Chaplin Henerala; Julius Miguel as Bixby Henerala at may cameo role naman sina Ms. Carmina Villarroel as Ceres, Ms. Dina Bonnevie as Raquel Henerala, at si Ai-Ai delas Alas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Super Ma’am ay sa direksyon ni L.A. Madridejos.

TARGETING YOUNGER FANS. Mabuti at pumayag si Kim na gumanap bilang kontrabida.

Hindi kaya siya ma-typecast bilang kontrabida?

“Ako, hindi naman…

“Ako, basta proyekto, go ako diyan, e.

“Lalo na ito, maganda itong proyekto na ito para sa akin, kasi para talaga sa mga bata ito.

“And this is the first time na gumawa ako ng isang proyekto na para sa bata talaga.

“Di ba, usually yung mga nagagawa ko na project before mga pa-sexy?

“So ang karamihan ng audience niyan mga lalaki, mga adults.

“So ngayon, natutuwa ako na mabibigyan ako ng pagkakataon na magkaroon ng proyekto na para sa bata naman.

“Alam mo yun, parang naghahanda rin ako na idolohin ako ng mga bata kahit alam mo nasa ganitong level ako ng pagpapa-sexy.”

CAREFUL OF HER IMAGE. And speaking of pagpapa-sexy, marami ang humahanga kay Kim na kahit sexy ang image niya ay napapanatili niyang maayos at malinis ang image niya.

Never siyang napabalita na isang party girl na nagwawala, “walwal” o naglalasing.

May iba pa nga na ikinukumpara siya sa ibang sexy stars na nagsasabing malayung-malayo ang imahe ni Kim sa ilan sa mga ito.

“Ako naman hindi po ako palalabas.

“Ako ano lang siguro, disiplina lang din.

“Kumbaga mas iniisp ko kaagad kung ano yung puwedeng mangyari kapag halimbawa nakita ako ng mga tao na ganito, kung ano yung puwedeng kalabasan.

“So nag-iingat din ako. Pero kasi ako ang ikinaganda lang. Hindi ako palagimik.

“Ako ang inom namin bahay lang, yayayain ko ang mga friends ko, ganyan, ganun lang.

“Na kahit malasing ako nasa loob ako ng pamamahay, parang ganun, so di ba mas okay?”

Pero hindi pa rin maiwasang may mga tao na iba pa rin ang tingin sa kanya.

Himutok niya, “May mga nababasa pa rin ako na negative, hindi naman mawawala yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang mga pamba-bash na naranasan na niya?

Saad niya, “Wala kang talent, wala kang utak, puro ka boobs!’

”Ganun.”

Paano ito sinasagot ni Kim?

Kuwento niya, “Aaminin ko po, paminsan-minsan.

“Meron ako lately, sinagot ko siya kasi ang comment niya sa akin, ‘Boobs ang puhunan!’

“So sinagot ko siya ng pabiro, ‘At least may puhunan. Milyon na nga ang kinita!’

“Pero pa-joke lang iyon,” at tumawa si Kim.

“Hindi na po siya sumagot.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN