Ralph Noriega gets asked: is he more nervous around Marian Rivera or Regine Velasquez?

IMAGE GMA-7

Kapuso actor Ralph Noriega admits feeling nervous while doing a scene with Marian Rivera: "Nung unang eksena namin, ginuide po ako agad ni Ate Marian sa eksena namin kasi medyo nahihiya-hiya pa po akong konti. Nagba-buckle po ako, kinakabahan ako. Ginuide niya ako sa eksena namin."



Bago ang Super Ma’am ay huling napanood si Ralph Noriega sa Someone To Watch Over Me.

“Bago yun, nag-Poor Señorita po ako,” pahayag ng Kapuso young star.

Taga-Biñan, Laguna si Ralph.

Kabilang sa mga kababayan niyang mga celebrities sina Mark Herras, Thea Tolentino, Jeric Gonzales, Juancho Trivino at Alden Richards.

NO PRESSURE. Ayon kay Ralph, wala raw siyang nadaramang pressure na ang mga ito ang susundan niya ang mga yapak, so to speak, lalo na si Alden na sikat na sikat ngayon.

Lahad niya, “Wala naman po.

“Sa part ko po, wala namang pressure, kasi po naniniwala po ako na darating po yung time ko.

“At pag dumating po yung time ko, kumbaga, dun po ako mas aano sa work ko ngayon.

“Hindi po ako nape-pressure dahil naniniwala ako na darating yung time ko.

“Ang main priority ko lang po ngayon is paghusayan yung trabaho ko dito sa Super Ma’am at sa mga susunod pa pong projects.

“Iyon po yung goal ko ngayon.

“Kasi naniniwala naman po ako na darating po yung ano…

“Yung kasikatan nandiyan lang po 'yan, yung fame.

“Pero ang pinakamahalaga po is yung work, sa akin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ralph sa presscon ng Super Ma’am sa Le Reve Pool Party and Events Place sa Quezon City.

Masuwerte si Ralph dahil kahit masasabing baguhan pa lamang siya ay nakatrabaho na niya ang dalawang reyna ng GMA: ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa Poor Señorita, at si Marian ngayon sa Super Ma’am.

WORKING WITH MARIAN. Ano ang mga nadiskubre niya matapos niyang makatrabaho si Marian sa kauna-unahang pagkakataon?

“Si Ate Yan po, nung unang kaeksena ko po siya, kinakabahan po ako!

“Kasi siyempre Marian Rivera po.

“Pinapanood ko lang po siya dati sa Darna, sa Dyesebel saka sa Marimar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na-pressure po ako dahil first time, e.

“Pero natural lang naman po iyon sa isang bagong artista na kapag unang eksena sa sikat [na co-star], parang mahihiya ka pa po, na parang maku-conscious ka sa sarili mo.

“Pero nung unang eksena namin, ginuide po ako agad ni Ate Marian sa eksena namin kasi medyo nahihiya-hiya pa po akong konti.

“Nagba-buckle po ako, kinakabahan ako.

“Ginuide niya ako sa eksena namin.

“Sabi niya, ‘Slowly.’ Parang slowly lang yung dialogue, kasi mas nakakatulong siya sa eksena, mas naiintindihan ng tao.

“So gina-guide niya ako sa bawat eksena namin, may guidance niya.

“Kasi kaeksena namin siya parati, siya yung teacher namin.

“Dito sa Super Ma’am estudyante niya kami... na masasama ang ugali namin,” at tumawa si Ralph.

“So siya yung taong puwedeng magpatino sa amin, si Super Ma’am.”

THANKFUL FOR WORKING WITH TOP ACTRESSES. Kanino siya mas kinabahan na kaeksena: kay Regine o kay Marian?

Pagkumpara niya, “Actually, parehas lang po, sa totoo lang.

“Kasi si Miss Regine naman po, iba po siya, e.

“Kumbaga, music siya, kumbaga nakilala ko po siya sa pagkanta niya.

“Pero pare-parehas po ang kaba factor sa akin kasi baguhang artista po ako, tapos Asia’s Songbird po saka Primetime Queen ang nakasama ko.

”Kaya sobrang blessed ko po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN