Jiggy Manicad, Pia Arcangel happy that 24 Oras Weekend rules weekend AGB ratings

IMAGE Noel Orsal

Ayon kina Jiggy Manicad at Pia Arcangel ng 24 Oras Weekend ng GMA, mas priority nila sa pagbabalita ang pagbibigay ng pulidong balita kaysa maunang umere dahil ayaw nilang magbalita ng fake news. 


Sa loob ng halos pitong taon, nanatiling No. 1 sa AGB ratings ang weekend primetime newscast ng GMA-7 na 24 Oras Weekend.

Kuwento ng broadcast journalist at co-anchor ng show na si Jiggy Manicad, “So far, maganda po yung performance ng 24 Oras Weekend, and I think ang credit po dito ay sa buong team—meaning, from production to content and sa mga istorya na binibigay namin sa publiko.

"So as whole, yun po ang nagpapataas ng ratings nung show.”

Ayon sa kanila, nagsisikap silang magbalita ng tamang impormasyon sa publiko sa panahong naglipana ang fake news.

Paano nga ba nabuo ang konsepto ng pagkakaroon ng news program ng Sabado at Linggo?

Lahad Pia Arcangel, ang co-anchor ni Jiggy sa 24 Oras Weekend, “Nag-umpisa ata yun noong.. If I remember it right, nagkasunud-sunod yung pumutok na istorya on a weekend.

“Dati kasi meron lang kaming mga Flash Report, and then yung special edition nung Flash Report.

“And then nung time ng Ondoy,  nangyari 'yan Sabado, that was the first time, kasi ‘pag election meron talagang 24 Oras on a weekend, pero that was the first time na hindi election na nag-air, nag-mount ng 24 Oras on a weekend.

“Because nga, parang nagkaroon na rin ng need for news kahit hindi weekday. So, after nun, shortly after that, nag-air na kami [weekly] right before the 2010 elections.”

Dagdag naman ni Jiggy, “Mas tumaas yung interes ng publiko on a weekend kasi especially may mga nangyayri pa rin Friday night, towards sa weekend, ito yung credible source sa news sa weekend na hindi fake news.

“May social media component ,pero tumatakbo pa rin yung publiko sa credible news source. And ito yung niche ng 24 Oras Weekend.”


Sa tingin nila, paano nila nilalabanan ang mabiktima ng fake news?

Saad ni Pia, “Ang challenge sa amin now, stronger than ever, is to do fact-checking also, because nakikita namin na hindi lang siya dito ginagawa, even abroad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Manood ka ng international news, 'pag umeere sila ng balita, dapat may kasama nang fact-check.

“Saka kami as anchors, kailangan yung knowledge-base namin, kailangan mas malawak.

"Kasi, halimbawa, may mainterview ka on-air, halimbawa phone patch, kailangan ma-fact check mo na siya on the spot, kasi yung mga tao ngayon may sarili na rin silang source of information, so yun yung challenge nila.”


Sa pamunuan naman ng GMA News and Public Affairs, mas pinatutukan daw nila ang katotohanan sa balita kaysa ang maunang makapagbalita sa ere.

Sabi ni Pia, “I guess, kami sa GMA, hindi kami dun sa the race to be first, dahil ang gusto namin laging tama.

“Mahaba lagi yung proseso namin, kasi mas importante ang tama yung ibabalita mo kaysa nauna ka nga, pero mali naman yung ibinabalita mo.

"Baka hindi na kayo paniwalaan the next time.”

Pagsang-ayon ni Jiggy, “Natanong din ako before: scoop or accuracy? Accuracy, kasi dapat talaga kumpleto.

“Mahirap na naka-scoop ka nga, pero mali-mali naman yung details, so magsa-suffer dun yung organization.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Jiggy at Pia noong Huwebes, September 14, sa 17th floor ng GMA Network Center.

24 ORAS WEEKEND RULES TIMESLOT. Pagmamalaki pa ng mga namununo ng 24 Oras Weekend, mula August 1, 2017 hanggang September 10, 2017, nangunguna ang show sa timeslot nito.

Ito ay base sa AGB Nielsen National Urban Television Audience Measurement (NUTAM) ratings tuwing Sabado at Linggo.

Ang Kapuso newscast ay may average rating na 8.4% laban sa katapat nitong TV Patrol Weekend na may 5.5%.  

Sa Luzon naman, nangunguna pa rin ang GMA newscast na may 9% laban sa 4.1% ng rival show.

Sa Mega Manila, nakakuha ang 24 Oras Weekend ng 9.2% laban sa 3.4% ng kalaban.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN