Sunshine Dizon confirms project with original Encantadia stars; reminds trolls Ika-6 Na Utos is just a TV show

In her Instagram account, Sunshine Dizon (third from left) posted her photo with (L-R) Diana Zubiri, Iza Calzado, and Karylle. Sunshine wrote in the caption: "#sangresofmanila coming soon..."



Kinumpirma ni Sunshine Dizon na may gagawing proyekto silang apat nina Iza Calzado, Karylle, at Diana Zubiri.

Nagkasama sila bilang mga Sang’gre sa original Encantadia telefantasya na umere noong 2005.
 
Ayon kay Sunshine, “Hindi pa namin puwedeng i-divulge, but we’re cooking up something. 

“I don’t want to get into details muna pero, eventually, malalaman din nila ‘yan, totoong may niluluto kami.

“We’re all very excited to work with each other, lalo na sina K, sila Iza, matagal na namin actually na pina-plano.

“Iba rin ang relationship namin na na-build, siguro nakikita pa rin ng mga tao yung genuine na samahan namin.”

PROUD OF GABBY CONCEPCION. Sa kabilang banda, ikinagagalak rin daw ni Sunshine Dizon ang parangal kay Gabby Concepcion sa Seoul International Drama Awards sa South Korea sa pagganap nito sa Ika-6 Na Utos.

Bida at magkapareha sina Sunshine at Gabby sa nasabing teleserye ng GMA 7.
 
Lahad ng Kapuso actress, “Siyempre, we’re all very proud kay Kuya Gabby, congratulations kay Kuya. 

“Lahat kami nagdiriwang, hindi niya lang panalo yun, panalo ng buong show kasi he’s part of the show.
 
“Siyempre, masaya kaming lahat and we’re very happy na yung support ng tao e, tuloy-tuloy pa rin naman.”

May balita nga na hanggang February 2018 eere ang kanilang teleserye.

Ayon kay Sunshine, “Iba naman kasi talaga ang istorya ng Ika-6 Na Utos.

“Hindi ito isinulat na maigsi lang—hanggang okay pa, e, ‘di okay pa rin, ganun lang naman yun.
 
“Palagi namang may bagong twist sa story…  Every week may bago kaming pasabog.” 

CHARACTER ACTING. Isang taon na nga halos ginagawa ni Sunshine ang kanyang papel na inaapi ng mga karakter ng ginagampanan nina Ryza Cenon at Angelika dela Cruz.

“Keri lang, hindi naman nakakasawa,” sambit niya.
 
Masaya nga raw siya na magkasama sila ulit ni Angelika sa isang show, “Happy ako, siyempre, kumare ko ‘yan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Madalas raw na kabatuhan ni Sunshine ang kaibigan sa mga naging teleserye nila.

Aniya, “Maganda lang kasi ang rapport namin sa screen, we worked na nang ilang beses sa show in the past. 

“Siguro may naiwan na rin talagang maganda sa mga fans.

“Kaya nasasabik sila na somehow makita kami together on screen.”

Lahad pa ni Sunshine, “Happy ako kapag nandiyan siya sa set, malaking tulong na nandiyan si Angel.

“Kasi ang daming ikut-ikutan ng istorya, we’re very happy that she joined the cast.”

Sa kabilang banda, may mga sumumpa na halos sa karakter ni Ryza sa Ika-6 Na Utos.
 
IT'S ONLY TV. Sa bigat ng mga eksena sa teleserye, may mga nagagalit at nagsasabing titigilan na nilang panoorin ito.
 
Pero nananatili pa ring No. 1 sa ratings ang Ika-6 Na Utos. Anong masasabi ni Sunshine dito?
 
“Siyempre, hindi naman natin mako-control kung ano ang magiging reactions ng mga tao…

“Siguro yung mga tao meron lang silang gustong mangyari, which we can’t do naman.

“May iba rin naman na masyado naman nilang dinidibdib.
 
“Pero hindi rin natin puwedeng balewalain yung katotohanan na meron talagang mga trolls lang. 
 
“Siyempre, gusto nilang matapos na kami, kapag natapos na kami, e, ‘di masaya sila,” natatawang sabi niya.
 
“As long as the ratings are good, we must be doing something right and good for the story.

“So we always play it by ear naman… dapat i-remind lang natin na istorya lang ito.

“Hindi naman ito sa totoong buhay,” natatawang sabi ni Sunshine.



#sangresofmanila coming soon...????

A post shared by Miss Sunshine Dizon (@m_sunshinedizon) on



 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN