Inah de Belen opens up about playing lesbian who falls in love with a gay person

Is Martin del Rosario afraid of playing a gay character? "Hindi ako takot kasi kung matatakot ako, parang nililimitahan ko rin ang sarili ko," he says.




Unang pagkakataon na gumanap ng isang lesbian o “tibo” si Inah de Belen.

Unang pagkakataon din na magkatambal sila ng kapwa GMA-7 star na si Martin del Rosario.

Isang kakaibang tambalan ang gagampanan nila—ang tunay na kuwento ng isang beki/bading at isang tibo/tomboy na ngayon ay kasalukuyang buntis sa kanyang karelasyon ngang bading.

Ito ang tunay na kuwento nina Gemini Naraga at Myen Oronan na mapapanood ngayong gabi, September 23, sa Magpakailanman. Sila ang mga nanalo sa Eat Bulaga segment na "Sugod Bahay: Juan For All, All For Juan."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Inah at Martin na mga gaganap sa kuwento ng buhay nina Gemini at Myen.

Si Inah si Myen na bukod kahit tibo, nagkagusto sa isang bakla at ngayon nga ay kasalukuyang buntis.

Ayon kay Inah, “First time kong gumanap ng tibo. Noong una, medyo nangangapa pa ko. Pero after ilang sequences, medyo nakaka-adapt na ko. Tapos binabaan ko ang boses ko para mag-match.”

Pinanood daw nila ni Martin ang episode nina Gemini at Myen sa Sugod Bahay bukod pa sa personal din nilang nakausap ang mga ito dahil dumalaw raw sa taping nila ng Magpakailanman.

“Nagkuwentuhan kami, parang lahat ng feed niya sa akin na nangyari sa kanilang dalawa, ininsert ko lang sa performance namin,” sabi ni Inah.

Ano ang naging impression niya kay Myen?

“Okay naman siya. Maganda siya ha! May itsura siya,” nakangiting sabi niya.

“Actually, okay naman sila as a couple. Nagsasama na sila pero alam ko, puwede silang ikasal kasi babae at lalaki naman sila.”

Sa totoong buhay, kahit na marami raw siyang kaibigang tibo, wala naman daw siyang alam na nanligaw o pumorma sa kanya.

“Wala naman, wala namang nanligaw sa akin. May mga friends din akong bading. Pero hindi naman ako na-involved.”

Hindi naman siya takot sakaling may manligaw sa kanya?

“Hindi naman kasi, it’s also flattering. I think of it more as admiration. And nakaka-flatter naman. I don’t think of it as nakakatakot, it’s normal.”

Sa isang banda, malaking challenge raw para kay Inah na gumanap na isang tomboy dahil sa totoong buhay, “girly-girly” raw siyang talaga.

“It’s a challenge talaga kasi, people know me as babaing-babae talaga. Mataas talaga ang boses ko. To play a role like this, sobrang malaking stretch talaga siya sa akin.

“It’s not I’m gonna going to say it’s easy for me kasi, it’s not easy talaga. To put yourself in that situation, mari-realize mo na it’s so hard. At the same time, after ng taping, sinasabi ko sa sarili ko, at least nakagawa ako ng role na ganito.

“It’s an experience and yun nga, since I have friends that are tibo and part of LGBT community, I feel proud at least, I can show my support by also telling their stories that way.”

Sa parte naman ni Martin, ilang beses na rin siyang gumanap bilang isang beki o bading. Pero ngayon pa lang daw siya sa episode na ito ng Magpakailanman na bilang isang bading, na-in-love siya sa isang tomboy at naanakan pa niya.

“E, kasi, di ba, usually ang bading, nai-in-love sa lalaki. Pero dito, sa tomboy at nagka-anak pa. Magiging tatay ako rito bilang isang bading.”

Si Martin ay gumanap bilang si Gemini. Hindi raw niya natanong dito nang makausap niya kung ano ang totoong pangalan.

“Noong nakausap ko siya, pinag-aaralan ko kilos niya, tindig niya at saka reaksiyon niya noong nanalo siya sa Juan For All, All For Juan.”

Wala ng challenge sa kanya na gumanap ng isang bading?

“Hindi po, malaking challenge nga po yun na gay ka pero na-in-love ka sa lesbian. Bibihira yung ganung istorya, e.”

Nabanggit ni Inah na ang husay raw ni Martin. Puring-puri rin naman ni Martin ang leading lady.

“Siya rin, ang galing niya rin,” saad ni Martin.

“First time ko lang siyang makatrabaho and first time kong maka-encounter na tomboy ang ka-eksena ko sa buong showbiz life ko. Siyempre, napapanood ko rin siya at nung kaeksena ko, ang ganda ng mga nuances niya, halatang napag-aralan niya yung mga panlalaking galaw.”

Si Martin ang isa sa mga artistang lalaki na naiisyu na bading o napagdududahan. Kung yung ibang artistang may mga ganitong isyu ay umiiwas na tumanggap ng gay roles, parang siya, okay lang talaga sa kanya.

Hindi siya takot na lalo siyang maintriga at pagdudahan ang gender niya kapag palagi siyang napapanood sa gay roles?

“Hindi ako takot kasi kung matatakot ako, parang nililimitahan ko rin ang sarili ko. Yung craft ko, yung growth ko as an actor. So hindi naman. Hindi ko hahayaan yung mga chismis, yung mga sabi-sabi.

“Okay lang kahit na i-chismis nila ko,” natawang sabi niya.

Hindi ba siya apektado?

“Ah hindi, hindi naman ako affected.”

Hanggang saan ang kaya niyang gawin sa pagganap ng isang bading?

“Sa gay roles naman po kasi, you see to it na may espesyal din. Kasi, di ba, may gay na tago. May gay na transgender. Ganun talaga. I see to it na palaging may bago.

“Ako, tinanggap ko ito kasi, gay na na-in-love sa lesbian. Kakaiba ang istorya.”

Ngayong Sabado ng gabi na mapapanood sa Magpakailanman ang kakaibang kuwento ng pag-ibig sa “Beki Ka, Tibo Ako, Forever Tayo: The Gemini Naraga and Myen Oronan Story.” Makakasama rin sina Al Tantay, Glenda Garcia, Nina Ricci Alagao, Mike Magat, Eva Darren, Kyle Vergara, Carl Cervantes, at Analyn Barro.



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN