Edgar Allan Guzman admits getting threats from fans of My Korean Jagiya

IMAGE Noel Orsal

Edgar Allan Guzman, who plays Heart Evangelista's abusive ex-boyfriend in My Korean Jagiya, says he gets threats from fans of the series. "Nakakatuwa lang kasi it means na nagugustuhan nila at apektado sila sa show namin."



First time makasama ni Edgar Allan Guzman ang South Korean actor na si Alexander Lee sa isang confrontation scene para sa GMA-7 teleserye na My Korean Jagiya.

Kinunan ito sa Valley Golf & Country Club sa Antipolo, Rizal.

Si Edgar Allan, o EA, ay gumaganap bilang Ryan, ang abusive ex-boyfriend ng karakter ni Heart Evangelista na si Gia.

Si Alexander naman ay si Kim Jun Ho, ang current love interest ni Gia.

Ayon kay EA, gagawa ng paraan ang kaniyang character para makipagbalikan kay Gia kahit na alam niyang kasal na ito kay Jun Ho.

"As usual, gagawa ako ng gulo rito kasi gusto kong balikan si Gia,” saad ni EA.

"Marami na namang maiinis at magagalit sa akin dito.

"Pero magba-backfire sa akin yung plano ko kasi bubugbugin ako nila Direk Ricky [Davao] at Ms. Janice [de Belen]. As in, dalawa ang black eye ko dahil sa galit nila sa akin!" natawang sabi pa ng Kapuso actor.

Patuloy pa niya, "Kasi matagal na silang nagtitimpi sa mga ginawa kong masama sa pamangkin nilang si Gia. Kaya nakahanap na sila ng rason para iganti nila si Gia."

Di papayag si Ryan!! Babalik ako para sayo Gia. Pero ang sakit nito ????????#MKJMrandMrsKimJunHo

A post shared by EA Guzman (@ea_guzman) on


Naging effective si EA sa pagganap niya bilang abusadong boyfriend ni Heart sa naturang teleserye. Sa katunayan, nagugulat siya sa mga natatanggap niyang mga threats mula sa mga nakakapanood ng My Korean Jagiya.

Dinaramdam ba niya ang mga ganitong reaksyon?

Tugon ng binata, "Actually, hindi ko sineseryoso yung mga threats sa social media kasi alam kong reaction lang nila iyon sa character ko.

"Nakakatuwa lang kasi it means na nagugustuhan nila at apektado sila sa show namin,” saad pa ni EA sabay ngiti.

Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si EA sa set ng naturang teleserye sa Antipolo.

“DOWN TO EARTH.” First time daw na makasama ni EA sa set si Alexander sa naturang eksena. Ngunit nakasama na niya ang Korean actor sa isang mall show ng My Korean Jagiya sa SM Naga noong September 17.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Dito daw unang nakilala ni EA si Alexander, at ramdam daw niyang mabait na tao ito.

"He’s very down-to-earth. Yung ibang Korean stars kasi, hindi mo basta malalapitan. May mga bodyguards sila na humaharang. 

"Si Xander [Alexander's nickname], okay lang na lapitan mo siya at magpa-selfie. Walang haharang sa iyo.

"Kaya kita ko naman na enjoy siya sa pagtanggap sa kanya ng mga Pinoy. 

"Ang dami nga niyang fans noong nasa Naga kami. Yung iba umiiyak pa nung makita siya sa stage," kuwento ni EA.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN