Arci Munoz goes viral for new look in daytime series

What can you say about the new look of Arci Munoz in Ikaw Lang Ang Iibigin?




Napapanood ngayon si Arci Munoz sa teleseryeng Ikaw Lang Ang Iibigin kasama si JC Santos.

Kuwento sa amin ng aktres ay guests lang sila sa ABS-CBN daytime series sa loob ng ilang linggo.

“Guest lang kami ni JC Santos so I think mga a week or so, di ko lang alam, week or few days. Parang role ko dun ka-officemate ako ni Gerald, parang boss ako ni Gerald tapos easygoing siya, go getter, parang the usual na character na pino-portray namin lagi ni Gerald sa mga movies namin. Yung very natural lang, very real.

“It’s Kimerald, I was a big fan of their loveteam. Also as a person, on and off camera, I love them both, si Kim pa nga yung ano kasi tahimik ako pag ano, siyempre nangangapa pa. Si Kim very approachable siya, makulit saka madaldal. Lagi ko siyang nakakasama pag may mga out of the country, pag may mga Star Magic shows and she’s really very approachable. Siya pa nga yung una na lalapit sa iyo.”

Excited naman si Arci sa bagong serye na sisimulan sa Kapamilya network kung saan makakasama naman niya sina Piolo Pascual, Alessandra de Rossi, Empoy Marquez at JC de Vera.

“Ako kasi lahat ng binibigay sa akin na proyekto, I consider it as a blessing, most especially ngayon, I’ve been given a chance to work with Papa P and JC de Vera again.

"Parang babalik ako sa sampung taon, ten years ago nung nag-start ako kasi unang soap ko yata kasama ko si JC de Vera, e.

“Tapos siyempre si Papa P, si Ate Alex, si Empoy, excited tapos si Direk Tonette pa ang gagawa sa amin so really, really excited."

Ang Tonette na tinutukoy niya ay si Direk Antoinette Jadaone.

Naging viral naman ang mga litrato ng Arci na kuha mula sa Ikaw Lang ang Iibigin. Maraming netizens ang pumansin sa new look ni Arci.







ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Stories We Are Tracking

Piolo gets new leading lady in teleserye with AlEmpoy
Piolo gets new leading lady in teleserye with AlEmpoy





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN