Why did Lotlot de Leon decide to go back to doing projects with ABS-CBN?

Lotlot de Leon's last project with GMA-7 before she does a new soap with rival network ABS-CBN is about women's rights. "Tama lang na ipaglaban ng mga kababaihan ang mga karapatan nila," she says about the Magpakailanman episode of the Kapuso network.


Makalipas ang apat na taon ay muling magtatrabaho si Lotlot de Leon para sa ABS-CBN.

Ito ay para sa upcoming soap opera na Love Will Lead You Back, na pagbibidahan nina Jericho Rosales, Yam Concepcion, Yen Santos, at Sam Milby.

Magsisimula ang taping nito ngayong Oktubre, pero posibleng sa Disyembre o Enero sa susunod na taon pa ito ipalalabas.

Kasama rin sa cast sina Amy Austria, Cris Villanueva, Allan Paule, Romnick Sarmenta, Lara Quigaman, Christian Bables, Devon Seron, Dionne Monsanto, at Hero Angeles. Ito ay sa direksiyon ni FM Reyes.

Huling napanood si Lotlot sa Kapamilya network sa 2013 telefantasya na Juan dela Cruz na pinagbidahan ni Coco Martin.

Bakit muling gagawa ng proyekto sa ABS-CBN ang aktres matapos ang apat na taon niya sa GMA?

“Ang ganda nung story, and also I’ll be working with good actors, and it’s also nice working for ABS again.

“And nakakatuwa na naiisip nila ako na isali sa mga projects nila.”

Excited din daw makatrabaho muli ng 46-year-old actress si Ruel Bayani na siyang director ng Love Will Lead You Back. Sa ngayon, business unit head na si Direk Ruel ng RSB Drama Unit.

Ani Lotlot, “I’ve worked with him also in my first show that was produced by TAPE, Inc., the one with Nadine Samonte and Oyo Sotto.” Ito ay ang Ikaw Sa Puso Ko na umere noong 2004.

“Siya [Ruel] ang nagdirek nun so iyon yung parang pinakauna kong balik sa paggawa ng teleserye, sa drama acting.

“So it was Direk Ruel that I’ve worked with and sobrang saya lang.

“We had a great working relationship so ever since that time, I’ve been, I’d say good friends also with Direk Ruel, kahit hindi kami madalas nagkikita.

“I think the bond that we shared during that time talagang stayed already.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So it’s always nice to see him.

“Madami din akong natutunan sa kanya nun.”

Ikinatutuwa rin ni Lotlot na isa siya sa mga artistang malayang nakakagawa ng mga proyekto sa lahat ng TV networks, maging ABS-CBN, TV5 o GMA man ito.

“Saka masaya kasi na parang you have all these networks that are very welcoming to actors like me, na nagtitiwala pa rin na magbigay ng mga proyekto sa akin, so talagang nakakatuwa,” pahayag pa ni Lotlot.

Sa kabila ng pagbabalik niya sa ABS-CBN, napapanood pa rin naman ngayon si Lotlot sa GMA Network.

May special guest role siya sa primetime series na Alyas Robin Hood, na pinagbibidahan naman ni Dingdong Dantes.

WOMEN EMPOWERMENT. Samantala, bago bumalik si Lotlot sa ABS-CBN ay pagbibidahan niya ang isang Magpakailanman episode titled "My Unlawful Husband." Ito ay ipapalabas ngayong Sabado, September 30, pagkatapos ng Pepito Manaloto.

Si Lotlot ay gaganap bilang si Lydia, ang ina ng karakter ni Carla Abellana na si Sandy.

Ang naturang episode ay tungkol sa karapatan ng mga kababaihan, lalo na ang mga inaabuso at sinasaktan ng kanilang asawa.

Ano ang stand dito ni Lotlot?

“Na tama lang na ipaglaban ng mga kababaihan ang mga karapatan nila,” pahayag ng aktres.

Ayon pa kay Lotlot, hindi raw dapat matakot ang mga kababaihang ipaglaban ang kanilang mga karapatan.

“Well, siguro lang… huwag silang matakot!

“Na magsumbong o magsabi o i-share ang karanasan nila para na rin iyon dun sa mga ibang kababaihan.

“Para  mabigyan nila ng inspirasyon na maging matapang at maikuwento nila yung istorya  ng buhay nila ng kaapihan  para hindi na rin sila magaya  ng mga iba pa na nananahimik pa.”

Ekslusibo naming nakausap si Lotlot sa Angelicum College sa Sto. Domingo sa Quezon City sa taping ng episode na ito ng Magpakailanman. Kasama rin sa naturang episode sina Neil Ryan Sese, Elle Ramirez, Catherine Remperas, at Mon Confiado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Magpakailanman: My Unlawful Husband ay sa ilalim ng direksiyon ni Adolf Alix Jr.





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN