Zanjoe Marudo pitted against Hollywood actor Kenneth Branagh, two others in iEmmys

IMAGE Noel Orsal

Zanjoe Marudo compares getting a girlfriend to geting an Emmy nomination: "Parang Emmy's lang 'yan, wag mong i-expect, darating 'yan."


Hindi inasahan ni Zanjoe Marudo na mano-nominate siya sa 45th International Emmy Awards para sa pagkakaganap niya sa “Kweba” episode ng Maalaala Mo Kaya.

Nominado ang ABS-CBN star sa kategoryang Best Performance By An Actor.

Kinilala ng iEmmy’s si Zanjoe sa pagganap nito ng isang amang may paranoid schizophrenia sa episode na “Anino” ng programang MMK.

Kabilang sa makakatunggali ni Zanjoe sa naturang kategorya ang mga international actors na sina Julio Andrade (Brazil), Kenneth Branagh (United Kingdom), at Kad Merad (France).

Si Branagh ay Hollywood actor na kilala sa pagganap bilang Gilderoy Lockhart sa Harry Potter and the Chamber of Secrets (2002).

Ngayong 2017, si Branagh ay nominated sa iEmmy’s para sa Wallander; si Julio Andrade ay nominated para sa Um Contra Todos; at si Kad Merad ay nominated para sa Baron Noir.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Zanjoe sa katatapos na 2017 Star Magic Ball, sa Makati Shangri-la noong September 30, masayang-masaya ang aktor sa nominasyon niya sa international award giving-body.

“Masaya, masayang-masaya. Di ko in-expect. Isang malaking blessing yun para sa akin. In-expect? Actually hindi, e, pero minsan ganun. Pag di mo iniisip, binibigla ka na lang, so thank you."

Kinumpirma ni Zanjoe na dadalo siya sa international award-giving body na gaganapin sa November 22 sa Hilton New York Hotel.

“Yeah, I will attend. Wala pa, nalaman lang namin kahapon. Ngayon pa lang aayusin ng team kasi four day event yun kaya kailangan kong puntahan.”

Si Zanjoe ay isa sa 44 na nominado mula sa 11 kategorya at 18 bansa para sa taong ito.

Bago ng 2017 Star Magic Ball ay nag-post si Zanjoe sa kanyang Instagram Stories na nasa ospital siya at may sakit.

Marami sa mga tagahanga ng aktor ang nag-aalala sa kalagayan ni Zanjoe.

“Nagkasakit ako, e, parang one week na akong may trangkaso. Hanggang ngayon actually, viral lang.”

Solong dumating si Zanjoe sa 2017 Star Magic ball, at nang kumustahin namin kung handa ba siyang magkaroon uli ng girlfriend, sinagot kami ni Zanjoe na handa naman siya sa panibagong relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lagi naman akong solo, e, last year solo din.

“Handa naman siya anytime. Parang Emmy’s lang ‘yan, wag mong i-expect, darating ‘yan."



Stories We Are Tracking

Zanjoe Marudo nominated in 2017 International Emmys
Zanjoe Marudo nominated in 2017 International Emmys





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN