Miguel Tanfelix drops hint about next project with Bianca Umali

"Kailangan alam mo na kung paano mag-manage ng money mo," answers Miguel Tanfelix when asked what he has learned now that he is in his late teens.



Ngayong 19 years old na si Miguel Tanfelix ay marami nang pagbabago sa kanyang buhay.

“Kumuha na po ako ng student’s driver license,” saad ng binata.

Bukod sa kaniyang pagmamaneho, aware na rin si Miguel na dapat siyang mas maging responsable.

“Siyempre kailangan yung maturity level mo kailangan tumaas kasi, di ba, malapit ka nang mag-twenty, so marami ng responsibilities po na dadating sa buhay mo.”

Naging mas mature na nga ba siya?

“Hindi ko naman po masasabi yun, pero kailangan lang talaga maging mas responsible ka.

“Kailangan alam mo na kung paano mag-manage ng money mo, yung mga ganyan,” aniya.

Alam na raw ni Miguel na hawakan ang kanyang finances, gaya ng pag-iinvest.

Ano naman ang balak niyang gawing investment?

“Lupa po, yung puwedeng ibenta after ilang years tapos mas malaki na yung value.”

Sa katunayan, may lupain si Miguel sa Siargao sa Surigao del Norte.

Lahad ng aktor, “Ginawa po namin siyang plantasyon ng mga puno po.”

“Siguro po after three or five years puwede na siyang anihin.”

Taga-Siargao ang pamilya ng mommy ni Miguel na si Mommy Mary Grace. Magkasosyo si Miguel at ang ninang niya (na pinsan ng mommy niya) sa naturang tree plantation.

Dagdag pa ni Miguel, “Kasi ang ninang ko po nasa Siargao so para may nagbabantay.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Miguel sa taping ng Magpakailanman episode na “Ang Pagmamahal Ng Isang Amang Beki: The Jeremy Sabido Story.” Ginanap ang naturang taping sa isang bahay sa Baranggay Bagong Pag-Asa sa Quezon City.

UPCOMING PROJECT. Inilahad ni Miguel ang role niya sa pinakabagong episode ng Magpakailanman.

Aniya, “Ang role ko po dito, ako po si Jeremy.

“Inampon po ako ng isang bading po kasi yung parents ko po, mommy ko namatay and yung daddy ko parang pinabayaan na lang kami sa isang hotel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iiwanan po kami dun, so eventually…

“Una, hindi ko po matanggap as daddy ko po talaga yung umampon sa akin, pero eventually dun po iikot ang istorya.”

Unang nakilala ng publiko si Jeremy nang maging contestant ito sa isang episode ng Wowowin ni Willie Revillame.

Si Cris Villanueva naman ang gaganap na gay adoptive father ni Jeremy, habang ang Kapuso newbie na si Prince Villanueva ang gaganap na kabarkada ng binata.

Huling napanood si Miguel sa Mulawin vs Ravena kung saan magkapareha sila ni Bianca Umali.

May kasunod na raw silang teleserye pero hindi pa raw puwedeng sabihin kung ano iyon.

“Hindi pa po dini-discuss sa amin, wala pa pong details talaga.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN