Dingdong Dantes on being torn between two leading ladies in Alyas Robin Hood: "Hindi pala okey."

IMAGE From Instagram account of Kapuso PR Girl

"Oo, e, ganun talaga... hindi ko kasi na-experience sa totoong buhay," Dingdong Dantes says with a smile, when asked to comment about how it is to be torn between two leading ladies: Andrea Torres and Solenn Heussaff.


Nang dalawin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong Dantes sa set ng Alyas Robin Hood, kinumusta namin ang dalawang leading ladies niya—sina Andrea Torres (bilang Venus) at Solenn Heussaff (bilang Iris).

Kuwento ni Dingdong, “Meron silang eksena na nag-showdown sila.

“Parang patikim ng kanilang showdown.

"Tarayan, buhusan ng tubig, nasaksihan ko yun.”

Pero hindi naman daw siya ang pinag-aagawan kung hindi ang isang siopao.

Darating ba ang panahong kakailanganin niyang mamiling muli sa pagitan nina Venus at Iris?

Tugon ng aktor, “Dapat, dapat magkaroon siya ng stand sa mga ganung bagay.

“Parang dati kasi, isinantabi niya muna ang pag-ibig.

“Inuna niya muna ang ibang bagay.

“Parang this time around, ano muna ba talaga ang pipiliin niya?

“Kasi ang dami rin nangyayari sa buhay niya.

“Nawawala ang nanay niya, tapos e, may mangyayari sa kapatid niya. 

“So, medyo magulo muna ang mundo niya,” lahad pa ni Dingdong tungkol sa karakter ng pinagbibidahang show.

Natutuwa ba siyang pinag-aagawan ang karakter niya ng dalawang maganda at seksing babae?

“Oo e, ganun talaga... hindi ko kasi na-experience sa totoong buhay,” pigil ang tawang sagot niya.

“Ganun pala yun, hindi pala okey na malagay sa ganung situwasyon.

“Kaya naiintindihan ko na ang nasa ganung kalagayan, nahihirapan,” patuloy na sagot ng mister ni Marian Rivera.

Nakausap ng PEP.ph si Dingdong sa taping na ginanap sa Boystown, Marikina City, noong nakaraang linggo.

Naitanong na rin namin kung masasabi ba niyang nahihigitan na ng Alyas Robin Hood ngayon ang unang ARH.

“May mga oo, may mga hindi,” pag-amin ng 37-year-old na aktor.

“Kung sinabi kong oo, yung pilot, definitely may time kaming pagandahin yun, di ba? 

“So ngayon kung ano na lang ang puwede naming gawin given the limited time, ginagawa namin ang best namin.”

SHOOTING CHALLENGES. Samantala, napabalitang magkakaroon daw ng ilang eksena na gagawin sa ibang bansa tulad ng Morocco o Africa. May posibilidad bang matuloy iyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, si Miss Mona siguro ang makakasagot niyan,” saad niya, na ang tinutukoy ay si Mona Mayuga, ang senior executive producer ng naturang serye.

“Kasi, ang tanong diyan—Marikina nga, hirap naming puntahan dahil sa traffic.

“Namamatay agad ang dalawa, tatlong oras per setup. 

“Two-three hours are wasted in traffic.

“Twelve to fifteen sequences, nasasayang.

“Pera rin yun, so mas maganda sana kung naka-locked in kami sa isang lugar, but that’s in an ideal situation.

“Alam mo naman ang Pinoy, they will make the most of what they have,” paliwanag pa ng Primetime King.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN