Ai-Ai delas Alas digs into past marriage to play battered wife

IMAGE Rommel Gonzales

"Dumarating kasi yung mga ganung ano sa buhay natin para matuto tayo at para may matutunan tayo para hindi na natin ulitin," says Ai-Ai delas Alas about the lessons she learned from her failed marriage.



“Marami—battered housewife, nawalan ng bahay, tumakas sa asawa, naiwan ko yung mga anak ko…

“Marami, maraming drama ito,” ang umpisang kuwento ni Ai-Ai delas Alas tungkol sa papel niya sa episode ng Magpakailanman na “Tanging Nanay: The Emily Baclao Story.”

Nakaka-relate ba si Ai-Ai sa buhay ni Emily?

Tugon ng 52-year-old comedienne, “Oo, kasi parang ang back story ko dito, parang ampon pala ako kaya mahilig akong mag-ampon.

“Kasi naaawa ako dun sa mga walang bahay, walang tirahan, kahit walang-wala na kami.

“Kasi nagbabasura lang kami.”

Bukas sa publiko na sa relasyon ni Ai-Ai sa dating asawang si Jed Salang ay naging battered wife siya.

May nag-flashback ba sa utak niya sa mga eksenang sinasaktan siya ni Al na ginampanan ni Gary Estrada?

“Mga hugot ko, isa dun!

“Para makahugot ako, iniisip ko, naaalala ko yun, para medyo madali lang sa akin yung eksena.”

Ayaw nang banggitin ni Ai-Ai kung sino sa mga nakarelasyon niya noon ang sinaktan siya.

“Huwag na.”

Looking back, kinuwestiyon ba niya ang sarili niya kung bakit niya hinayaang saktan siya ng taong yun?

“Hindi, kasi lahat naman ng dumating sa buhay ko, lesson to be learned.

“Kaya yung mga lessons na yun, iyon yung gagamitin ko para maging maayos ang buhay ko,” saad ng aktres tungkol sa Magpakailanman episode na ipapalabas sa GMA-7 ngayong Sabado, October 14.

Dugtong pa ng aktres, “Saka para iyon din yung example para huwag kaming mag-away siguro ni darling." (Dito ay tinutukoy niya ang fiancé na si Gerald Sibayan.)

“Alam mo yun?" pagpapatuloy ni Ai-Ai. "Dumarating kasi yung mga ganung ano sa buhay natin para matuto tayo at para may matutunan tayo para hindi na natin ulitin."




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN