Did ABS-CBN offer a contract to Rufa Mae Quinto? Boy Abunda discusses her prospects

IMAGE From Instagram account of Rufa Mae Quinto

Boy Abunda says it won't be a problem if Rufa Mae Quinto joins the upcoming anniversary of GMA-7's Bubble Gang.


Nilinaw ni Boy Abunda ang status ng pagbabalik ni Rufa Mae Quinto sa ABS-CBN pagkatapos siyang mapanood sa Ipaglaban Mo kamakailan.

Isa si Peachy (palayaw ni Rufa Mae) sa mga bagong talents na hina-handle ng Asian Artists Agency na pag-aari ni Boy.

Paliwanag ni Boy, “Si Peachy ay ginawa ang Ipaglaban Mo and she will be where work is available. So, wala kaming klarong, hindi pa actually nakaka-upo.

“Pero wala pa kaming klarong paguusap kung saan ba talaga. But gusto, niyang magbalik. She wants to act. And right now, nagkataon nga na ang kanyang trabaho ay doon sa Ipaglaban Mo.

“So, that’s the way it is but we are not committed to a contract.”

May offer ba na kontrata ang ABS-CBN kay Rufa Mae?

“Ang ABS, wala pa,” diretsong sagot ni Boy.

“Pero may mga nararamdaman yata na interes. Pero wala pang contract.

“Wala namang offer ang [GMA] pa. I don’t know.

“Ang ano lamang ni Peachy is she wants people to know that she’s back and she’s excited to work.”

Ayon sa isang source, may balitang kinukuha si Rufa Mae na mag-guest sa nalalapit na anniversary ng Bubble Gang kung saan naging bahagi ng mahabang panahon ang komedyante.

Papayagan ba niya na lumabas ulit sa Bubble Gang si Rufa Mae?

Ani Boy, “Bakit hindi?

“Hindi pa namin napapag-usapan. Siguro naman. Hindi ko alam.

“Wala namang problema siguro yun. May problema ba sila?

“But let’s ask her. I don’t think that should be a problem.”

How true na gusto nang mag-iba ng imahe si Rufa Mae mula sa pagiging komedyante into a more mature actress now?

“Hindi naman,” ani Boy.

“I mean, manggagaling pa rin doon sa kanyang pinanggalingan. But, sabi nga niya, kung noon kailangan pa niya ng Vicks para umiyak, ngayon hindi na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Instagram post ni Rufa Mae, binalita niya na may gagawin siyang upcoming movie ngunit hindi siya nagbigay ng detalye kung sino ang producer at kung sino ang magiging co-stars niya.


(Read: Will Rufa Mae Quinto transfer to ABS-CBN?)
 

BOY THE AUTHOR. Nakausap namin si Boy sa launch ng kanyang libro na pinamagatang It’s Like This (100 + Abundable Thoughts) By Dr. Boy Abunda Jr., Ph. D. released by ABS-CBN Publishing.

Kasama ni Boy sa stage ang ilan sa kanyang mga artists sa AAA tulad nina Gelli de Belen, ang singer na si Sitti, ang Indonesian star pero may dugong Pinoy na si Leo Consul, at si Bianca Gonzalez na nagsilbing host sa event.


WHY DID HE CHOOSE TO STUDY SOCIAL DEVELOPMENT? Ipinaliwanag din ni Boy kung bakit Dr. Boy Abunda ang title niya sa libro.

“My doctoral degree is on social development. Para lamang sa kaalaman ninyo dahil nasa libro ko ito, hindi ko po natapos ang aking college [course] sa Ateneo.

“Nung panahon namin nina Nina [Borja, his classmate in Ateneo] ako’y nag-quit. Nagtrabaho, naghanap ng trabaho, nabuhay.

“I stopped my dream of being able to provide nanay and my family a good life. After tatay passed on, I went to the theater. It was an exciting journey.

“Nakalimutan ko na wala ho akong diploma.

“Ang pangarap po ng aking nanay ay mai-hang yung aking diploma sa aming living room just like everybody else, di ba?

“So, hindi ko naibigay ‘to sa Nanay ko. Sometime 2000, I went back to school. Tinapos ko po ang aking kolehiyolo habang ako po ay nagho-host ng Homeboy sa ABS-CBN.

"Pagkatapos noon I graduated from college, it was the late Tita Helena Benitez of the Philippine Women’s University and Suzy Benitez, a very dear friend, who said, ‘Ituloy mo na.’

“Itinuloy ko po ang aking Masteral studies in Communication dahil madali, dahil ito ang trabaho ko po.

“And then, I was contemplating on going for International Relations and Public Diplomacies pero wala po akong thesis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung natapos ko po ang aking Master’s after defending my thesis, I went for a doctoral degree in Social Development.

“May kwento lamang ako diyan, Neri [Colmenares] at saka Caloy [Carlos Zarate,
Bayan Muna Partylist Representatives], I went on too much thinking when I was contemplating of pursuing a doctoral degree.

“Naalala ko I don’t know if Liling [Leonor] Briones [Secretary of Education], the great Liling, would ever remember this. She was one of the guests on my show, The Bottomline with Boy Abunda.

“And then, sabi ko, ‘Ano kaya ang doctoral degree na aking kukunin?'

“Sabi ko parang gusto ko Public Ad [administration].’ It was she who suggested that I go for Social Development.

“It was tough. It was really tough yung aking pag-aaral dahil ako ay nagtatrabaho. But I wanted it so badly."

Tinanong ni Bianca si Boy kung ano ang topic ng kanyang dissertation.

"I proposed that maternal love can be used in the development of leaders. Medyo complex dahil wala masyadong academic books on maternal love and leadership. So, it was a dissertation on leadership.”

Follow-up naman ni Gelli: “It was hard because it was hard on you or because your topic was difficult talaga to explain?”

Sagot ni Boy, “Kasi when you do an academic paper kailangan may basehan palagi. May basehan ka kung saan ang pinanggagalingan mo. Hindi masyado ng marami ang nga libro na nagko-connect ng pagmamahal ng isang ina sa leadership concepts. So, pagtatapuin mo yun.

“Ako, naniniwala ako that with maternal love, sa pagmamahal na kagamit-gamit ang pagmamahal ng isang ina, pwede tayo maka-develop ng mahuhusay na leader ng bansa.

“Pioneering study but hard. Pinahirapan po talaga ako. Ganun daw talaga ang kultura ng dissertation. Hindi, I was totally alien to that idea.

“Akala ko, e, talk show ako. Minsan nga ang yabang-yabang ko, e. May Powerpoint presentation ako, etc.

“Akala ko it was going to be a walk on the park. I started my defense at three o’clock in the afternoon and I got my academic units in about what? Four years?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ganun kadali kasi syempre nag-aaral ako, nagtatrabaho ako.

“My dissertation writing is about two years. Sabi nila, maiksi na raw yun.

"Meron na akong power point presentation. Akala ko madali, but it was not.
I really took it personally for a long time. Hahaha!”


REGRETS IN LIFE. From the audience may nagtanong din kay Boy kung may regrets ba siya sa kanyang buhay.

“Yes, I have regrets. Pero hindi masyadong marami. At sa awa ng Diyos., yung mga regrets ko sa buhay ay nagamit ko in a way that I became better.

“I regret the fact that I could have be to be a better son to my father when he was alive.

“I regret that not having spent some time with people I thought loved me.
I regret of having bad, some bad decisions in my life. The only difference lang is that, hindi ako, I don’t wallow in my regrets. I don’t.

“I don’t lose sleep because of my bad decisions but I have regrets. I do, I do have regrets.”

May mga gusto pa ba siyang gawin after writing a book?

“Marami pa,” diin niya.

“I’m in a good place. May ugali akong, I am content with what I have. That’s why I have enough. I was fiercely ambitious when I was starting.

“Meron akong isang kaibigan ang nagsabi sa akin nung kami’y nasa Metropolitan Theater, ‘Boy, kung nakita mo ang sarili mo nung kapanahunan natin, you would have killed yourself.’

“Because sabi niya, ‘You would have not stop at anything until you got what you wanted.’

“Marami, kasi, I make sure that I move forward. I don’t have everything but I am happy with everything that I have. I don’t want everything.

“I want to be able to teach. I want to be able to put up a school. I want to be able to write a syllabus for public speaking.

"I’d like to be able to help craft a magna carta for mothers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’d like to make this place a better world. I’d like to be able to express more."

Tinanong din si Boy kung aware ba ang kanyang mga magulang that he is gay.

“I am not sure,” pag-amin ni Boy.

“I’m not sure if they did not I know during the time that I was gay. But I would suspect that they did. But it was not something that we talked about.

“But did I get battered? Did I get emotionally battered, physically hurt because I was different by my parents?

“Hindi,” diin pa niya.

“Even when I was in Manila and Nanay and I would have chances to talk about it, she never dared ask me. Why?

“Maybe because if she did, hula ko lang po ‘to, she knew that I was going to tell her the truth.

“Pangalawa, she didn’t ask me because she knew.

“At Tatay passed away without having the chance to ask me. Because I would have to tell him, on that day din.

“But my life was not easy. My life was not easy. But my suffering came from external factors.

“I am blessed to have a family who embraced me, unconditionally.”


GOING DIGITAL. May plano ba siya na mag-explore ng digital platforms?

“Yes I am,” mabilis na tugon ng TV host-talent manager.

“Yes, I am, and that’s the world that totally excites me. I’d like to be able

to shift the conversation to how become use digital, how can we use technology to better ourselves.

“There is this pervading notion that online activities, platforms, that the myth is for wide conversations that bashing and hating. I’d like to be able to do my share something, and yes, do something digital.

“I am so attracted to the smell of anything that is viral. Because kung dati your conversation was what makes a certain thing buzzable.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You know, I’m a marketing student. I’m a brand, I’m a branding student. I’d like to see and explore what makes, what compose, what are the elements that makes something viral in the context of Filipino culture.

"Gusto kong pasukin yun,” pagtatapos ni Boy.



Stories We Are Tracking

Will Rufa Mae Quinto transfer to ABS-CBN?
Will Rufa Mae Quinto transfer to ABS-CBN?






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN