Jose Manalo to ask Alden and Maine if they guest on their show: "Kayo ba talaga?"

IMAGE Courtesy of TAPE Inc.

Among the guests they've had so far in The Lolas' Beautiful Show, Jose Manalo (third from left) considers Superstar Nora Aunor as the most memorable. He is joined in this morning talk show by Paolo Ballesteros (left) and Wally Bayola (middle).


Araw-araw ay iba-ibang artista ang guests nila Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros sa kanilang pinagbibidahang talk show na The Lolas’ Beautiful Show.

May dream guest ba sila na nais nilang ma-interview?

“Tito, Vic, and Joey din,” ang pagsegunda ni Jose sa choices ni Wally.

Dagdag niya, “Wala naman masyadong ano, Tito, Vic, and Joey din, mukhang mas masaya.”

Ano ang itatanong nila sa TVJ?

“Kung hanggang kailan nila kaya yung ginagawa nilang yun, sa tingin nila.”

Hindi kasama sa show nina Jose ang tambalang AlDub nina Maine Mendoza at Alden Richards, subalit sigurado raw na magiging guest nila ang magka-loveteam.

“Siyempre! Magge-guest naman yun sigurado!” ani Jose.

Ano ang itatanong nila sa AlDub?

Ayon kay Jose, “Yung mga mahirap itanong.

“Kasi unang-una yung character namin, lola, alam namin na apo namin [si Yaya Dub].

“So puwedeng off the record na lang siguro, ‘Kayo ba talaga?’

“Yung mga ganun!”

Sa tingin ba nila ay may relasyon na sina Alden at Maine?

“Sweet yung dalawa, e, ‘no?”

Sa mga naging guests nila, sino ang hindi nila makakalimutan?

Tugon ni Jose, “Ako talaga yung kay Nora, e.”

Ang Superstar na si Nora Aunor ang pinakauna nilang guest.

“Hindi ko… ang hirap niyang bitawan ng question, ang hirap niyang bitawan ng mga joke, kasi ewan ko…

“Siguro nakalakihan natin ang tingin natin sa kanya, Superstar, Nora Aunor!”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang media sina Jose, Wally, at Paolo noong October 4 sa set ng The Lolas’ Beautiful Show sa Shooting Gallery Studios.

Napapanood ang The Lolas’ Beautiful Show mula Lunes hanggang Biyernes, 11:30 ng umaga sa GMA-7 bago ang Eat Bulaga!

GIVE AND TAKE. Paano naman sinisiguro ng JoWaPao (ang tawag sa kanilang trio) na hindi sila magkakasapawan on air?

“Wala na, pakiramdaman na lang,” tugon ni Jose.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-away na ba silang tatlo o nagkatampuhan sa totoong buhay?

Sagot ni Paolo, “Wala, wala.

“Ewan ko silang dalawa,” sabay pabirong turo niya kina Wally at Jose.

“Wala, nagreregaluhan pa nga kami.”

Ayon naman kay Wally, bago pa man sila magkaaasaran ni Paolo—na hindi naman daw nangyayari—ay si Jose na ang nag-a-advise o sumasaway sa kanila.

BIG RESPONSIBILITY. Tinanong rin ang tatlo kung ano ang masasabi nila ngayong may pinagbibidahan na silang show?

“Hindi namin alam na magtutuluy-tuloy pala,” ang sinabi ni Jose, na in character bilang si Lola Tinidora.

Mula kasi sa “Kalyeserye” na segment lamang sa Eat Bulaga! ay tumawid na ang tatlo to a full show na kanilang pinagbibidahan bilang hosts.

Si Wally ay gumaganap pa rin bilang si Lola Nidora, at si Paolo naman ay si Lola Tidora.

May challenge ba o pressure sa kanila?

”Parang ganun din, kasi kami din naman ang magkakasama.”

Ngunit ang challenging daw ay ang pagbibihis at pagme-make-up nila bilang mga lola.

“Yun lang,” ang tumatawang bulalas ni Jose.

Noong una raw banggitin sa kanila ni Mr. Antonio Tuviera (ng APT Entertainment) na may show silang tatlo ay hindi agad sila nakapaniwala.

“Nagtaka lang kami na, ‘Totoo ba ‘to?!’

“Na siyempre para bigyan ka ng show ng isang company, malaking responsibilidad yan na iniatang sa ‘yo, e!

“Kaya binigay sa ‘yo ‘yan e alam nila na may mangyayari.

“So ang laki ng nerbiyos at ng pressure sa amin,” kuwento pa ni Jose.



Stories We Are Tracking

Wally Bayola on Alden and Maine:
Wally Bayola on Alden and Maine: "Nagtatampuhan sila pero..."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN