Chariz Solomon admits she felt frustrated; almost left GMA-7 after getting offer from rival network

Chariz Solomon reveals she received an offer from a rival network. "Gusto ko ng challenging roles and they offered me two shows."



Aminado ang comedienne na si Chariz Solomon na muntik na siyang umalis ng GMA-7 dahil sa kanyang "frustration" noon.

“Actually nung una gusto ko na i-grab," pag-amin ni Chariz tungkol sa offer na nakuha niya mula sa rival network.

Sa exclusive interview niya kamakailan sa GMANetwork.com, kinuwento ni Chariz kung bakit naiisip niya noon na umalis ng GMA.

"Kasi nun hindi pa ako part ng Bubble Gang, I think nag-guest pa lang ako sa Pepito Manaloto.

"Tapos sobra akong frustrated that time kasi nandun ako sa 'Parang, in heat ba ako?'"

“Yun yung time na wala pa akong baby so naka-focus lang talaga ako sa career ko and my husband naman understands very well na this is my priority kasi habang wala pa kaming baby, talagang rumaratrat ako.”

Hindi sinabi ni Chariz kung taga-saang network ang kausap niya noon pero dalawang programa sana ang makukuha niya kung tinanggap niya ang offer.

Pagpapatuloy niya, “And I am dreaming big that time parang gusto ko talaga something big for myself.

"Gusto ko ng challenging roles and they offered me two shows.

“Pero nung time na yun hindi naman yung network mismo ang nag-offer, pero somebody from the network. Yun, tapos they are studying my contract nung time na yun.”

Ngunit, mas ginusto pa rin ni Chariz na manatiling bahagi ng Kapuso Network na siyang nag-discover sa kanya via StarStruck noong 2006.

Nang tanungin kung bakit hindi siya lumipat ng TV station, inamin ng comedienne na may kinalaman ang Kapuso gag show na Bubble Gang sa kanyang desisyon.

Bubble Gang talaga, so eventually naging part ako ng Book Two ng Pepito Manaloto talagang hindi na ako umalis, dito na ako.

“Sa experience ko, [sa experience] ng mga kaibigan ko at mga kakilala din sa ABS talagang na-try din sa GMA.

"Parang iba din talaga... dito [sa Kapuso network] mas may puso pa din. Ganun, lalo na yung mga shows ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m very blessed talaga. Hindi ko talaga ma-explain kung gaano ako kasaya.
Kaya I value talaga my Bubble Gang at Pepito, hindi siya puwedeng agawin ng ibang shows.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN