Edu Manzano grateful to GMA-7: "Nabibigyan tayo ng importansya bilang aktor."

IMAGE From Instagram account of Kapuso PR Girl

Edu Manzano is currently straddling two projects at GMA-7, although he admits age is catching up with him: "I am not what I used to be." He is now gearing for his next move, which is to do an action movie as a producer, a less strenuous activity than all-night taping.


Nag-e-enjoy si Edu Manzano sa dalawang shows niya sa GMA-7, ang Celebrity Bluff at Alyas Robin Hood.

Inako nitong mas pagod siya sa teleserye dahil inaabot daw sila ng madaling-araw kumpara sa game show.
   
Enjoy lang daw sa Celebrity Bluff, lalo’t masasaya ang mga kasama na sina Boobay, Brod Pete, Tekla, at Eugene Domingo.

Ani Edu, “Minsan nagugulat na lang ako sa ginagawa nila at sumasabay na lang ako.
   
“With Alyas Robin Hood, before wala akong cut-off time.

“Ngayon meron na kasi nakakapagod talaga.

“Especially now na masyadong intense ang mga eksena.

“Noong first few weeks, okay lang na umagahin kami sa set.

“Pero, lately, talagang hindi ko na rin kaya pala.”
    
Pag-amin pa ng dating matinee idol na ngayon ay senior actor na, “I am not what I used to be.

“Mahirap nang makipagsabayan sa mga bata ngayon sa puyatan.
    
“Kasi may ibang mga inaasikaso din tayo kapag walang taping at mahirap kumilos kapag kulang ka sa tulog.
    
“Natuwa naman ako at pinagbigyan ako ng GMA-7.

“Kaya hanggang midnight na lang ako at pack-up na ako."
   
Pagsusuma niya, “I am enjoying both shows kasi, kahit paano, nabibigyan tayo ng importansya bilang aktor.

“At bilang isang entertainer despite so many showbiz personalities now.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Edu sa set ng Celebrity Bluff sa GMA Annex Studio noong October 11.
    
NEXT MOVE. Balak din daw ni Edu bumalik sa paggawa ng pelikula.
    
Nagbuo na nga raw ito ng isang grupong magsisimulang mag-prodyus uli.
   
“It’s going to be an action film, matagal na kasing walang gumagawa ng ganyang klaseng pelikula ngayon.
   
“Hindi naman siya indie film because we will shoot it for 25 days.

“Definitely the budget is not for an indie film.
   
“So we talked about it, and we feel na it’s about time na we do something like that.
    
“Tingnan lang natin ang possibilities at baka naman may magkagusto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And that will lead to more movies na mapo-produce namin,” diin pa ni Edu.
   
Pipiliin pa raw nila ang puwedeng magbida sa pelikulang ito.

Pero kasama rin siya sa cast, pati na ang mga magiging co-producers niyang mga aktor din.
   
“Para makatipid! Kami-kami na lang ang cast!” malakas na tawa pa niya.

“Pero yung bida, pinagpipilian pa namin kung sino.

“Kailangan kasi yung kilala ng millennials ngayon.

“Tsaka yung maraming fans, lalo na sa social media.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN