Marian Rivera's Super Ma'am becomes one of most-buzzed-about new shows worldwide

IMAGE Rose Garcia

Marian Rivera's Super Ma'am becomes one of the most-buzzed-about new shows in the world.


Masaya si Marian Rivera dahil usap-usapan sa social media ang kanyang pinagbibidahang prime-time telefantasya sa GMA-7, ang Super Ma'am.

Sa katunayan, ang Super Ma’am ay naging isa sa Top 10 most-buzzed-about new shows worldwide. Nalagay ang Filipino show sa No. 10 spot sa Social Wit List para sa September 2017.

Nakakuha ang Super Ma’am ng 33,000 tweets sa pilot episode nito noong September 18.

Ito ay ayon sa global trend-tracker na WorldScreen.com.

Ito ang sinulat ng New York-based international media business website tungkol sa Kapuso teleserye:

"GMA Network in the Philippines debuted Super Ma’am, which generated approximately 33,000 tweets with its debut episode. The fantasy telenovela is about an odd but soft-hearted, dedicated high school teacher with an alter ego: Super Ma’am, a devil hunter who sets out to save the world. Social media gave it much #Applause for its #Entertaining plot, #GreatActionScenes and lead actress #MarianRivera."

Sa buwan ng Setyembre, ang Super Ma'am lang ang tanging Pinoy TV show na nakasama sa popular trend list.

Narito ang ibang programs na kasama sa most-buzzed-about new shows: Hand in Hand: A Benefit for Hurricane Harvey Relief (USA), Gaga: Five Foot Two (Netflix, Global), Star Trek: Discovery (USA), Will & Grace (USA), Bizim Hikaye (Turkey), #Game4Grenfell (UK), La línea roja (Spain), The Good Doctor (USA), at MTV Unplugged (USA).

Saad ni Marian tungkol sa achievement na ito, “Oo nga, e, actually nagulat din po ako noong sinend sa akin ‘yan ng mga boss ng GMA. Parang, ‘Congratulations, Yan.’

“Parang yung Super Ma’am daw ang isa sa pinapanood, tapos [worldwide], wow!

“Siyempre, thankful ako, hindi naman palaging nangyayari ‘yan, e.”

Para raw sa kanya, ang ratings ay masasabing bonus ng isang programa.

“Bonus na lang talaga. Importante kapag lumalabas ako, ang tawag nila sa akin, Super Ma’am. Nakakakilig yun.

"Nakikita ko rin sa mga feeds na tina-tag ako ng mga mommies na nanonood ang mga anak nila ng Super Ma’am... at least, may natututunan sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapag nanonood ang anak nila ni Dingdong Dantes na si Zia ng Super Ma’am, ano ang reaksiyon nito?
 
“Wala, ‘Mommy, Super Ma’am!’ Kapag ayaw niyang kumain, niloloko niya ang sarili niya.

“Hala, tamayo, gumaganun, ang cute!” natutuwang kuwento ni Marian.
 
Dagdag pa niya, “Sabi ko nga, isa itong Super Ma’am na puwedeng panoorin ni Zia at pinapanood ni Zia talaga."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa taping ng Super Ma’am na ginanap sa Coop Building ng GMA Network noong October 17.

Noong May 2017, dalawang GMA-7 shows ang napasama sa Top 10 most-buzzed-about shows worldwide. Ito ay ang My Love From The Star at ang Mulawin vs. Ravena.

(Read: Two GMA-7 shows make it to most-buzzed programs worldwide)

Noong June naman, ang ABS-CBN show na La Luna Sangre at Kapuso teleserye na I Heart Davao ang kabilang sa most-buzzed programs worldwide.

(Read: Two Filipino shows among most-buzzed programs worldwide in June 2017)

FIGHT SCENES. Challenging ang ginagawa ni Marian sa Super Ma’am dahil kadalasan ng eksena niya ay fight scene. May pagkakataon daw na inaabot siya hanggang alas-tres ng umaga.

Ibinahagi rin ng aktres ang dinararanas niya sa taping ng prime-time series.

“Mahirap din, kasi magme-make-up ako as Super Ma’am, tapos magpapalit ako as Minerva.  

"Minsan inaabot kami ng for airing, so ang hirap.

“Noong isang araw, halos alas-tres na ako nakauwi, kasi puro fight scene kami.  

"Mahirap din kasi puro physical talaga, puro fight scene.”

Pero siya naman daw ang pumili ng Super Ma’am sa mga script na ipinadala sa kanya.

“Yun na nga, ginusto ko 'to, e!” natawang sabi niya.

“Pero nag-e-enjoy naman ako sa mga fight scenes ko.

"Nagpa-flashback yung mga nakaraan kong ginawa.

"Nakakatulong naman siya, yun nga lang talaga, pagod ang katawan.

“Especially nagpa-fight scene ako, naka-heels pa ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Paulit-ulit din ang ginagawa ko, kailangang angguluhan.”

Sa telebisyon, upang magkaroon ng ibat-ibang anggulo ang kamera, paulit-ulit na gagawin ng mga artista ang iisang eksena.


Stories We Are Tracking

Two GMA-7 shows make it to most-buzzed programs worldwide
Two GMA-7 shows make it to most-buzzed programs worldwide
Two Pinoy shows among most-buzzed programs worldwide in June
Two Pinoy shows among most-buzzed programs worldwide in June





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN