Did LJ Reyes ever experience depression?



Kuwento ng isang guro na dumaan sa depression ang gagampanan ng GMA-7 star na si LJ Reyes ngayong gabi, October 21, sa Magpakailanman: Ang Puso ng Isang Guro, The Luzviminda Goto-Ojeda Story.

Ayon kay LJ, “Kuwento siya ng isang teacher na nag-go through ng depression talaga. Kasi, sobrang daming nangyari sa buhay niya.  Super challenging kasi sobrang dami talagang nangyari sa kanya.

“Hindi ko siya na-meet, e.  Walang time na ma-meet.  So si Direk Gina Alajar ang nag-direct. Siya na lang ang nag-eexplain sa akin.”

Sabi namin kay LJ, tila napapanahon nga yata talaga ngayon ang topic na depression.

“Iba raw kasi talaga kapag depression, iba ang attack talaga.  Kasi ako, hindi ko naman alam ang feeling ng depressed ka.  Like ako, nalulungkot ako, oo.  Pero ang depression, it’s another kind of pain.

“Hindi ko sure kung tama ang ginagawa ko, talagang nagre-rely lang ako sa instruction ni Direk Gina.  Mahirap, e.  Wala akong 100% knowledge ng depression.”

Sa personal niyang buhay, aminado si LJ na marami na rin siyang pinagdaanan. Pero ipinagpapasalamat daw niya na sa palagay niya, hindi pa naman siya nakakaranas ng depression talaga.

“Wala pa namang ganun, I don’t know... siguro talagang hindi ko pa maintindihan ang depression.  So ayokong i-tag ang sarili ko or i-claim na I am depressed, ayoko nun.

“Kasi, hindi ko pa naman talaga naa-understand fully.”

Hindi rin naman daw sumagi sa isipan niya kahit minsan ang magpakamatay.

“Hindi e, hindi talaga.  I think, isa rin yun sa ipinagpapasalamat ko. Kasi siguro, talagang malaki yung takot ko kay God na hindi ko naisip man lang na gawin yun.  Nagpapasalamat talaga ko sa guidance Niya sa akin, sa buhay ko. Nararamdaman ko na He’s really there.”

Nakausap namin si LJ sa launch ni Anne Curtis bilang nagbabalik na Primadonna endorser.

Isa si LJ sa punong-abala rin sa naturang launch na ginanap noong October 20 sa Xiu Fine Dining, Connecticut, Greenhills.  Nagkataon na isa ang kapatid ni LJ sa may-ari ng Primadonna.

“Oo, nagtatanong din sila. May mga parts ng work namin na hindi sila familiar.  Sometimes I explain to them.  But with Anne, talagang buong family agreed lahat na siya muli ang kuhanin.”

Sa palagay raw ni LJ, baka sa isang taon na siya magsimula ng bagong teleserye niya sa GMA-7.

Sa ngayon, naka-focus din daw siya sa kanyang mommy app na MAPP at may inilunsad din siyang smart phone na ilo-launch pa lang niya.

Ayon kay LJ, “Nagke-carry na ngayon ang MApp ng isang smart watch for kids na very helpful sa parents.  Align din naman sa talaga with what we really want our brand to become.

“Parang we want to aim practical parenting, practical and effective parenting.  Hindi pa namin nalo-launch pero they can order sa site namin.”



 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN