Arnell Ignacio shoots last episodes for "Gobingo"

by Ambet Nabus
Oct 6, 2008
Arnell Ignacio's hosting stint on Gobingo will end after airing for six months on GMA-7. Catch the final episodes from October 6 to 10, right before the newscast 24 Oras.


Naanyayahan ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa last taping day ng game show ni Arnell Ignacio sa GMA-7, ang Gobingo, sa Broadway Complex noong Biyernes ng gabi, October 3. Mga episodes para sa huling linggo ng show ang kinunan na magsisimula ngayong Lunes, October 6, hanggang October 10, Friday.

Sa pakikipag-usap ni Arnel sa PEP, naibahagi ng mahusay na TV host-comedian ang kanyang pasasalamat sa GMA-7 management kahit mawawala na ang programang tumakbo ng anim na buwan.

"Never silang nagbago sa aming lahat. Kung paano kami nagsimula, ganun pa rin ang klase ng suporta nila hanggang sa mga sandaling ito," pahayag ni Arnel.

Idinagdag pa nitong sobra siyang grateful dahil umabot pa ng anim na buwan ang programang isa sa mga nagpasimula ng pagbibigay ng cash prizes sa mga kalahok, studio contestants man o home viewers.

"Kumpara dun sa mga milyong-milyong sinasabi ng ibang game shows, we are proud to tell that even though nobody has won millions as often as the participants join, consistent naman kami sa pagkakaroon ng mga daily winners na hindi bababa sa P100,000," sabi ni Arnell.

Continue reading below ↓

In fact, naikuwento ni Arnell na nakapamigay na ang programa nila ng tinatayang P26 million simula nang mag-umpisa ito. Noong nakaraang Martes, September 30, isang empleyado mula sa Makati City Hall and nanalo ng P1.150 million.

"Pinuntahan namin ang bahay niya, at yung winner ay nakatira lang sa isang maliit na room, na pinasikip pa ng isang TV kung saan nga niya laging pinanunood ang Gobingo. Tuwang tuwa nga kahit na si Mayor Jejomar Binay dahil totoo nga daw palang napapanalunan ang cash prize sa Gobingo," kuwento ni Arnell sa PEP.

Halos nalibot na raw nina Arnel at mga kasamahan niyang Gobingo Girl na si Krissa Mae Arieta at ang sexy-comedienne na si Chariz Solomon ang buong bansa, kung saan pinupuntahan at kinakapanayam nila ang mga nananalong homeviewers.

"Kakaiba ang feeling kapag ini-aaward na namin sa kanila ang mga premyo nila. Karamihan sa kanila talaga ay mga simpleng tao, ordinaryong mga Pinoy na nagkakaroon ng puhunan dahil sa Gobingo. Marami na talagang natulungan ang programa," dagdag ni Arnell.

Continue reading below ↓

Bukod tanging ang brand new car na lang daw ang papremyong mailap pa sa mga kalahok. Hiling ni Arnell na mapanalunan na sana ito ngayong nalalabing huling isang linggo.

Naibalita pa ni Arnell na pagkatapos ng Gobingo ay wala pang sinasabi sa kanya kung ano ang proyektong puwede niyang gawin. Pero sigurado naman daw na hindi siya maghihintay uli. Pero kung talagang siya raw ang papipiliin, "Siguro gugustuhin ko pa rin ang Gobingo."

Ang game show na Family Feud na ihu-host ni Richard Gomez ang papalit sa timeslot ng Gobingo. Wala naman daw isyu yun kay Arnell dahil alam naman niya at handa siyang anytime, no matter how good your ratings are, how consistent each daily episode is, talagang may ending ang lahat.

"Nang ibigay nila ito sa akin some six months back, sinabi naman nilang matatapos din ito dahil sa franchise scheme. In all honesty, hindi isyu sa akin ang mawawala na siya. Mas naging isyu pa nga yung hindi nila ako napagbigyan dati sa request ko noong paglaruin ang barangay namin, nang maghanap sila ng mga barangay players dati..

Continue reading below ↓

"Pero tapos na yung isyu na ‘yan. Tinawanan na lang namin pare-pareho. Pero hindi ako magsisinungaling na that time, parang ang feeling ko, ‘Ay, bakit ganun, host nila ako, bakit ‘ata wala akong powers?' E, expected pa naman ng mga kabarangay ko dun sa first district ng Q.C. na magagawan ko ng paraan? But then again, I am just a host and I am supposed to abide by the rules," makahulugan pang tinuran ni Arnell.

Napakapositibo ngayon ng pananaw sa buhay ni Arnell.

"Everything kasi boils down to what is the end result or where does this end? Ang buhay naman, ganun talaga. Hindi naman isyu ‘yan ng paramihan ng pera o pagandahan pa. Katulad na lang dati, galing ako sa Kapuso, naging Kapamilya, then balik-Kapuso. Ke Kapamilya ka o Kapuso, pare-pareho naman ang pinupuntahan ng lahat. Mabuti na yung gawin mo na yung tama, sumunod at panindigan ang patakaran, dahil at the end of the day, walang mayaman o mahirap dahil magkakapareho naman ang ending ng lahat.

Continue reading below ↓

"Sa tinagal-tagal ko na rin dito sa industriya, akala ko dati kumpetisyon ang lahat. Pero ang suma total pa rin ng labanan, kung tamang termino man yun, ay ano ang nagawa mo sa greater majority para masabi mong masaya ka at nakatulong, kuntento ka at naging positibo," ang bahagi ng pilosopiya ngayon ni Arnell.

RADIO GIGS. Kaya nga raw sa pag-evolve din niya bilang isang tao, lubos siyang nasisiyahan sa mga bagong kaganapan sa kanya. Mayroon siyang programa sa radyo, sa DZBB 594 AM khz, ang radio network ng GMA-7, araw-araw, 11-12 ng tanghali at kasama niya ang news reproter na si Susan Enriquez. Mga isyu sa pulitika, mga kaganapan araw-araw at mga advocacies sa health, education, environment at sport ang madalas nilang talakayin at puntusan sa programa nila ni Susan.

"Inalok nila ako dati ng isang showbiz type of program. Pero naging prinsipyo ko na ang huwag mapasali sa mga ganung format. Hindi ko talaga kayang tumalakay o makipagkuwentuhan tungkol sa buhay-buhay ng kapwa ko artista. Hayaan na lang natin yun sa mas malalakas ang loob. Basta ako, natutunan ko nang huwag maging pikon at manipis sa mga bagay-bagay. Alaskador at mapang-buska rin ako, kaya't ready at tanggap ko din ang puwedeng ipang-alaska o ipambuska din sa akin ng iba," rason nito sa PEP.

Continue reading below ↓

Bukod sa masayang pamumuhay at patuloy na pagpapalaki sa kanyang anak, abala rin sa kanyang "hair business" si Arnell.

Mula peluka, hanggang sa mga hair extension at iba pa, napalawak na nga ni Arnell ang negosyo hindi lang among showbiz people at mga ibang negosyante kundi kahit na sa mga ordinaryong tao.

At although malayo pa, ipinaalam na ni Arnell Ignacio sa PEP na may plano siyang sumabak sa pulitika come 2010 bilang konsehal sa unang distrito ng Quezon. "Sana ay mabigyan ako ng pagkakataon," pagwawakas nito.


Mapapanood ang Gobingo sa GMA-7 bago ang newcast na 24 Oras.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arnell Ignacio's hosting stint on Gobingo will end after airing for six months on GMA-7. Catch the final episodes from October 6 to 10, right before the newscast 24 Oras.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results