Judy Ann Santos amazed at million-plus viewership of online cooking show's pilot episode

IMAGE Rommel Gonzales

Judy Ann Santos explains her rationale for conceptualizing her online cooking show, Judy Ann's Kitchen: "Parang gusto ko munang buksan yung kusina ko sa kung ano yung alam kong lutuin, sa kung paano ko siyang natutunan, sa paraang alam ko. Kaya nga Judy Ann' s Kitchen, e. Kasi my kitchen, my rules!"


Sa pagpapatuloy ng exclusive interview namin kay Judy Ann Santos, nagbahagi pa siya ng mga bagay-bagay tungkol sa kanyang online cooking show, ang Judy Ann’s Kitchen.

Kuwento niya, “Nung ginawa namin yung first episode ng Judy Ann’s Kitchen, nung gagawin pa lang namin, ang naisip ko lang na sabihin sa staff is kailangang maghanap tayo ng isang production na marunong ng gumawa ng ganito.

“Kasi hindi natin ito alam gawin, na susunod sa flow ko.

“Kumbaga sasakay lang siya sa kung ano ang gagawin ko.

“Pero sasabihin niya sa atin kung paano siya gagawin.

“So luckily ang Seabiscuit [Films, na isang video production company], gumagawa ng show for Chef JP [Anglo], si Chef JP is also under MyLaunchPad, Inc. which is our management also.

“So nagkaroon ng easy connection.

“Ang tagal pa bago nagawa yung first shoot, pausog kami nang pausog, pack-up kami nang pack-up.

“Ako kasi mas nakakaisip ako kapag nagka-cram ako.

“Like yung sa [Judy Ann’s Kitchen] cookbook ko, magsu-shoot kami kinabukasan, ngayon gabi ako gagawa ng chapter.

“Ganun din sa Judy Ann’s Kitchen [online show], pag mahaba ang oras ko... ewan ko kung bakit ako ganun.

“Pag mahaba ang oras ko, hindi ako nakakaisip ng mga recipes na gustong i-present sa mga tao.

“Halimbawa, three days from now yung shoot, magagawa ko na 'yan.

“Pupunta ako ng grocery, dun ako gagawa ng recipes ko.”

WORKS BEST UNDER PRESSURE. Doon mas lumalabas ang inspiration at adrenalin niya, so to speak.

Patuloy niya, “At saka naiisip ko rin at that time, parang…

“Nung una nape-pressure pa ako, ano ba ang gagawin ko, parang dapat, dapat kayang gawin ng masa, ganito-ganito, na medyo budgeted.

“Na-realize ko, hindi ko puwedeng ikahon yung sarili ko sa kung ano yung gusto lang ng ibang tao.

“Parang gusto ko munang buksan yung kusina ko sa kung ano yung alam kong lutuin, sa kung paano ko siyang natutunan, sa paraang alam ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya nga Judy Ann’ s Kitchen, e. Kasi my kitchen, my rules!

“Ngayon pag sinabing Gordon Ramsay’s Kitchen, susundin ko kung paano siya magluto sa kusina niya, parang ganun.

“Or sinabing Gene Gonzales’ Kitchen, yung professor ko [sa culinary school], susunod ako sa kanya kasi professor ko siya.”

Ekslusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Judy Ann sa bahay ng aktres (at ng mister niyang si Ryan Agoncillo) sa Alabang noong October 25.

Napapanood ang Judy Ann’s Kitchen sa Facebook page nitong Facebook.com/judyannskitchen tuwing Sabado, 10:30 am.

ESTABLISHING A CONNECTION. Ipinaliwanag din ni Juday kung bakit napagdesisyunan niyang sa Facebook ilabas ang cooking show niya.

Lahad niya, “Of course, eventually, you know, kaya nga namin nilagay din sa Facebook kasi gusto nga naming kumonek sa mga tao.

“You want naman to help them kung ano yung gusto nilang gawin sa bahay nila, sa kusina nila.

“Nakaka-excite kasi ang wide nung puwede mong gawin.

“Ang dami mong puwedeng ipasok o isakatuparan na konsepto—anything that you can make in the kitchen regardless kung facial 'yan, body scrub 'yan, kitchen hacks 'yan, kung ano pa man 'yan, pag puwede mong gawin sa kusina, puwede naming ilabas.”

WIDE VIEWERSHIP. Ang first episode ng Judy Ann’s Kitchen noong October 14 ay umani ng mahigit isang milyong views sa FB page nito.

In-expect ba ni Judy Ann na ganoong karami ang mga manonood ng first episode niya?

Pag-amin niya, “No! No, not at all, hindi talaga.

“Wala kong in-expect.”

Ikinagulat pa nga ni Judy Ann ang more than a million views.

“Oo naman, oo naman.

“Kasi sa panahon na napakaraming judgmental na tao, sa panahon na opinionated ang bawat isang makakapanood sa iyo, basically yung Facebook, alam mo yun, yung ipinain mo na ang sarili mo sa lahat e,” at tumawa si Judy Ann.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa lahat ng puwedeng mambash sa iyo, sa lahat ng puwedeng umidolo sa iyo… sa lahat!

“Basically sa lahat, all over the world, e.

“Lahat ng Facebook users, Filipino o hindi, pinakilala mo yung sarili mo sa kanila.

“Binuksan mo ang kusina mo sa kanila, so dun ko pinrepare yung sarili ko, more than the views.

“Kung ano yung isasagot ko sa kanila, kung paano nila ako titirahin, troll man 'yan o talagang wala lang siyang magawa sa buhay niya or iba man ang pananaw at opinyon niya.

“Kailangan kong ulit-ulitin sa sarili ko na you opened yourself up to the public, more than being an actress, ito mas personal talaga ito.

“Skin-deep na talaga ito, e.

“Hindi siya first layer na lang ng sibuyas e, kumbaga, di ba?” at muling tumawa si Juday.

“Kumbaga, hindi siya core pero malapit na siya sa core!

“Kailangan ko lang din i-remind yung sarili ko na dumami man yung views or kumonti man yung views sa mga susunod na episodes, I have to remind myself na this is my passion.

“Magluluto lang ako nang magluluto regardless kung magugustuhan nila ang ginagawa ko o hindi.

“Basta I know, one way or another, may natututunan naman sila sa mga ginagawa ko, or I’m sure… kasi gusto ko nga sabihin nila sa akin yung mga alam nila or gusto nila para magawa ko.

“Kasi palagi naman siyang two-way, e.

“Para siyang acting, di ba?” makabuluhan niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN