Vic Sotto named Lifetime Achievement awardee for 31st PMPC Star Awards for TV

IMAGE Noel Orsal

Veteran comedian and Eat Bulaga host Vic Sotto has been named the recipient of the Ading Fernando Lifetime Achievement Award for this year's 31st PMPC Star Awards for Television. The awarding ceremonies will be held on November 12, 2017 at the Henry Lee Irwin Theater, Ateneo de Manila University, Q.C.


Ang veteran comedian at TV host na si Vic Sotoo ang napili ng pamunuan ng Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) upang gawaran ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award para sa 31st PMPC Star Awards for Television ngayong taon (2017).

Gaganapin ang annual TV awards ceremonies ng nasabing writers group sa November 12, 2017 (Sunday), 7:00 PM sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo De Manila University, Katipunan Road, Loyola Heights, Quezon City.

Mula sa pamumuno ng PMPC president na si Fernan De Guzman, si Vic ang unanimous choice sa naging botohan ng officers and members ng club, na na-establish sa industriya noong late 1960s.

Kumpirmadong hosts ng awards night ang magkapatid na Ruffa at Richard Gutierrez, pati na rin sina Jodi Sta. Maria at Robi Domingo.

Ito ay produced ng Airtime Marketing Philippines ni Tessie Celestino-Howard, mula sa direksiyon ni Bert De Leon.

Hindi matatawaran ang mga kontribusyong naiambag ng isang Vic Sotto sa daigdig ng telebisyon sa Pilipinas magmula pa noong siya ay nagsimulang maging host ng longest-running noontime TV show sa bansa na Eat Bulaga (na mahigit 30 anyos na sa telebisyon).

Gayundin ang pagiging lead actor (at executive producer) ni Vic sa hindi mabilang na hit shows niya sa telebisyon sa loob ng maraming dekada.

Sino nga ba ang makakalimot sa mga ginampanan niyang iconic characters sa classic comedy shows niyang Iskul Bukol at Okey Ka, Fairy Ko na minahal ng masang Pinoy?

Through the years, nagbida rin si Vic sa various hit comedy and gag shows na 1 For 3, Daddy Di Do Du, Full Haus, My Darling Aswang, Vampire Ang Daddy Ko, at ang kasalukuyang umeereng Hay, Bahay! sa GMA.

Mahigit apatnapung dekada na nga ang pamamayagpag ni Vic sa telebisyon, na siyang pumukaw sa kamalayan ng Filipino televiewers.

Ito ang dahilan kung bakit nararapat lang na igawad sa ace comedian/host ang pinakamataas na karangalan sa Gabi ng Parangal ng PMPC Star Awards for Television.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Ading Fernando Lifetime Achievement Award ay ipinagkakaloob sa sinumang may “remarkable achievements and contributions” sa kanyang TV career sa loob ng mahabang panahon.

Ang nasabing highest honor ay ipinangalan ng club sa yumaong batikang direktor na si Ading Fernando, direktor ng John En Marsha na tampok ang mga haligi ng Philippine Comedy na sina Dolphy at Nida Blanca.

Thirty-one years ago (1986), nang itinatag ang TV awards na ito, nagkasundo ang PMPC members na si Ading Fernando ang masasabing “Father of Philippine Television” sa pamamayagpag ng legendary show na John En Marsha kung kaya’t in his honor ay idinikit ng grupo ang kanyang pangalan sa award na ipinagkakaloob sa mga deserving na artista, direktor, o producer sa telebisyon.

Some years ago, iginawad rin ang tropeo na ito sa trio ni Vic na TVJ (Tito, Vic, and Joey), pero iba naman ang na-achieve ni Vic bilang solo actor/ producer on TV.

Ang iba pang nabigyan na ng PMPC ng lifetime honor na ito ay sina Pilita Corrales, Tony Quirino, Armida Siguion-Reyna, Dolphy, Nida Blanca, Helen Vela, German Moreno, Al Quinn, Loida Viriña, Dely Atay-Atayan, Sylvia Latorre, APO Hiking Society, Pepe Pimentel, Inday Badiday, Luz Valdez, Eddie Mercado, Charo Santos-Concio, Rosa Rosal, Nora Aunor, Vilma Santos, at Johnny Manahan.

For the past seven years, ipinagkaloob ng PMPC ang Ading Fernando Lifetime Achievement Award kina Antonio Tuviera (2010), Susan Roces (2011), Gloria Romero (2012), Kitchie Benedicto (2013), Nova Villa (2015), Coney Reyes (2015), at Maricel Soriano (2016).

Igagawad naman ang Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement Award kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN