Piolo Pascual on joining Home Sweetie Home: "You cannot replace Lloydie."

IMAGE Mark Atienza

Piolo Pascual says he doesn't mind filling in for John Lloyd Cruz in Home Sweetie Home, as the latter took a leave of absence in showbiz. "I'm just doing this because we are one family in this network, so whatever help you can give."



Napanood na si Piolo Pascual sa Home Sweetie Home noong nakaraang Sabado, sa November 4 episode ng weekly sitcom.

Marami tuloy ang nagtatanong kung si Piolo na kaya ang papalit bilang love interest ni Toni Gonzaga dahil sa pansamantalang pag-alis ni John Lloyd Cruz.

Last October 6, si John Lloyd ay nagkaroon ng "indefinite leave of absence to attend to personal matters." 


Stories We Are Tracking

Toni Gonzaga supports John Lloyd Cruz's break from showbiz
Toni Gonzaga supports John Lloyd Cruz's break from showbiz


Stories We Are Tracking

John Lloyd Cruz to take indefinite leave from showbiz
John Lloyd Cruz to take indefinite leave from showbiz



Ani Piolo, “Exciting siya. You know, masaya. Kasi of course I’ve worked with Tin so many times, with Tita Sands, these are the people I worked with," kuwento ni Piolo.

"It’s an easy set, malamig ang studio, happy ako kay Direk Bobot [Mortiz] kasi he’s very supportive.

"I don’t know, but this is John Lloyd's show. I don’t need to overstep.

"I’m just doing this because we are one family in this network, so whatever help you can give."

Paliwanag pa ng Kapamilya hunk, "Hindi, you cannot replace Lloydie.

"I don’t know how they're gonna twist the story but I came as a cousin of him.

"Galing ako sa isang episode na nag-guest ako bilang pinsan, we didn’t change my character, ganun pa rin.”

LA LUNA SANGRE RUMOR UNTRUE. Tinanong din namin si Piolo sa nabalita noon na papasok na rin siya sa La Luna Sangre dahil sa pinost niya na larawan niya na may caption na “La Luna sangre (Weeknights)," sa kanyang Instagram stories.

Agad namang binigyan linaw ng aktor na walang planong maging bahagi siya ng show gaya ng dating kapareha sa Lobo na si Angel Locsin.

“Full moon kasi, sabi ko may buwan, La Luna Sangre. Pero wala yun.

"I’m starting a soap with Arci [Muñoz], Empoy [Marquez], Alex [Alessandra de Rossi], JC [de Vera] and a lot more, so di na naman siguro nila ako kailangan dun. Marami na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I know, tinanong nga sa akin sa presscon sa Singapore. Sabi ko, wala, wala, wala.

"Patay na ako dun, patay na ako sa Lobo."

Kinumpirma naman sa amin ng aktor ang pagdalo niya sa upcoming concert ng anak na si Iñigo.

Ito ang Dahil Sa ‘Yo, A Thanksgiving Concert na gaganapin sa Music Museum sa December 1.

"He just came from Dubai, he came from Singapore, we tripped together for work as Star Magic artists.

"I'm really excited [with] what’s in store for him, he’s been doing a lot of recordings, music videos.

"[Will I] Attend? Yeah, I reserved that day for his show."


 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN