Judy Ann reveals challenges of mounting online cooking show

IMAGE James Patrick Anarcon (Judy Ann, Ryan)

Judy Ann Santos reveals dish she prepares when she gets mad at husband Ryan Agoncillo. Juday is photographed with her kids Yohan and Juana Luisa, nicknamed Luna.


Aminado si Judy Ann Santos na naninibago pa siya sa kanyang bagong proyekto: ang sarili niyang online cooking show.

“Bago pa lang ako dito, nakikiramdam pa lang din ako sa pulso ng mga tao kaya medyo ano pa yung page, tinitingnan pa naming kung ano pa yung puwede kong ipasok, ano pa yung puwede kong ilagay, as natural as it can be.

“Bahala na kung may pumasok na anuman, hindi ba, pero mas nandun kami sa kung ano yung magpapaganda dun sa buong page.”

Ang kanyang online cooking show titled Judy Ann's Kitchen ay napapanood sa Facebook page niya na Facebook.com/judyannskitchen tuwing Sabado, 10:30 a.m.

“Tingnan mo nga ni hindi kami naglagay ng contact number because ayaw din naman naming isipin ng mga tao na kumbaga, unang-una, na kaya mo pinlano ito dahil gusto mong 'makakubra' agad-agad.”

Ang makakubra na tinutukoy niya ay ang makakuha ng mga sponsors para sa mga gastos sa pagbuo ng naturang online cooking show ni Judy Ann.

“Hindi naman ako magpapakaplastik pagdating sa part na iyan; kailangan may balik kasi may bayad lahat ng mga tao at serbisyo na nirentahan namin, e.

“Kumbaga negosyo siya pero gusto ko bago ko siya negosyohin, maplakado ko muna kung ano ba talaga yung gusto kong makita, which is I’m happy naman, ang ganda naman kasi ng pagkakagawa ng Seabiscuit [Films, isang video production company], kumbaga it’s very natural.

“Kasi nga hindi ko kayang magluto ng, ‘Okay, put one cup of this, put one cup of that…’

“Hindi ako marunong, hindi ako ganung magluto,” at tumawa si Judy Ann.

“Kaya nga sinabi ko na din na bahala na si Lord kung paano natin gagawin ito.”

Sa ngayon ay wala munang planong magkaroon ng celebrity guests si Judy Ann sa kanyang online cooking show; mas nais niya sa ngayon na pumunta sa bahay ng mga nanay, teacher, doctor, nurse, pulis, at iba pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko silang puntahan at dalhin sa kusina nila ang mga natutunan ko.

“Yung sa mga artista, maybe eventually… kasi iyon na yung nakikita ng mga tao sa TV, e, di ba?

“But you know, it’s my show, it’s my kitchen, kaya anything goes… wala naman akong rules. Siyempre marami akong mga kaibigan na mga artista na mahuhusay magluto.

“So masaya din kasi pag may guest kang kaibigan.”

Kahit tuwing Sabado ito napapanood, within the week ay in between sa buong linggo ay magpapalabas sila ng short clips bilang kasagutan kapag may nagtatanong na mga viewers.

“Tulad nun may nagtanong about Adlai so nagpunta ako sa organic shop na pinupuntahan ko sa Molito [sa Alabang], shinoot ko yung Adlai, sinabi ko kung saan nakikita ang Adlai.

“So iyon yung inserts within the week na ipapalabas namin tungkol sa mga questions nila.”

Ang Adlai (o adlay) ay kilala rin bilang Chinese pearl barley or Job’s Tears. Maaari itong pamalit sa bigas. Narito ang description ng Adlai: “gluten-free grain that grows primarily in Asia. Similar to rice, the grain grows on long stalks of grass, then are milled into ivory-colored beads with streaks of black or light brown.”

Samantala, bukod sa Judy Ann’s Kitchen online cooking show ay kasalukuyang tinatapos ni Judy Ann ang pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes kasama si Angelica Panganiban, at sina JC de Vera, Nico Antonio, at Joross Gamboa.

Sa direksyon ni Jun Lana, ipapalabas ito sa January 2018.

Anong state of mind pinakamasarap magluto si Judy Ann?

“Pag nagmamadali!”

Emotionally; masaya, galit, malungkot?

“Pag galit, matagal akong magluto pag galit ako, as in matagal. Kaya nga napanganak yung 'Angrydobo.' Kasi niluto ko siya from 10 p.m. till 6 a.m., adobo lang yun!”

May LQ (lover’s quarrel) ba sila ng mister niyang si Ryan Agoncillo noong mga oras na iyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo,” at tumawa si Judy Ann.

Kung isang uri ng pagkain si Judy Ann, ano siya?

“Kung pagkain ako? Ang hirap naman niyan… ah, hindi, ako siguro, gusto kong sabihin na puwede akong maging Pad Thai, kasi matamis, maasim, maanghang, maalat-alat tapos puwedeng mawala yung anghang para sa mga bagets.

“Exciting kainin, may itlog, may kung anu-ano, ang daming nangyayari, ang daming texture.”

Ano namang uri ng pagkain si Ryan?

“Si Ryan kung pagkain siya, isa siyang bacon.

“Ang hirap i-resist ng bacon kapag nagdyi-diyeta ka,” at tumawa si Judy Ann. “Crispy na maalat, puwede mo siyang ihalo sa kahit anong pagkain.

“Puwedeng sa pasta, puwedeng sa kanin, puwedeng sa tinapay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN