Did Gretchen Ho take a swipe at ex-boyfriend Robi Domingo during Star Awards for TV 2017?

IMAGE Allan Sancon


Maraming funny moments na nangyari sa 31st Star Awards for TV 2017 na inorganisa ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Ang awards night ay ginanap kagabi, November 12, sa Henry Lee Irwin Theater sa Ateneo de Manila University.

Nang magsilbing host si Robi Domingo kasama si Ruffa Gutierrez, naging daan ito upang makita niya muli ang ex-girlfriend na si Gretchen Ho.

Nagtilian ang mga tao nang umakyat sa entablado si Gretchen dahil nag-share ng stage ang dating magkasintahan.

Si Gretchen ang representative ng Umagang Kay Ganda para sa category na Best Morning Show Hosts.

Pagkatapos niyang tanggapin ang award, nagpasalamat si Gretchen sa acceptance speech niya. Sinabi ng TV host, "Hindi po biro ang gumising ng umaga. It's a matter of commitment."

Lalong nagtilian ang audience. Noong sinabi ni Gretchen ang salitang commitment ay kitang naging abala si Robi sa kanyang index cards, na tila parang may hinahanap mula sa kanyang cue cards.

Biro naman ni Ruffa Gutierrez sa kanyang co-host, "Ang saya mo ngayon, Robi... kinikilig ka Robi."

Nang matapos ang segment na iyon at habang off-cam, sinabi ni Robi sa audience, "Ang saya niyo, ha."

Almost three years na magkasintahan sina Robi at Gretchen, ngunit noong March 1, 2017 ay inamin nilang tapos na ang kanilang relasyon.

IT'S A TIE! Ang isa sa highlights ng awarding ceremony ay ang pagsasabay onstage ni Dingdong Dantes at ng former GMA-7 star na si Richard Gutierrez.

Magkalaban ang kanilang mga palabas at nag-tie sila para sa Best Primetime Drama Series.

Si Richard ang naging representative ng La Luna Sangre, samantalang si Dingdong ang kumuha ng award para sa Alyas Robin Hood.

Pareho nilang binati ang isa't isa.





Former Kapuso Richard Gutierrez (left) shared the stage with Dingdong Dantes (right)

Isa pang tie ang nangyari para sa kategoryang Best Drama Actor.

Sina Dingdong at Ruru Madrid ang nagwagi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Dingdong ay nanalo para sa Alyas Robin Hood at si Ruru naman para sa pagganap niya sa Encantadia.

Sabi ni Dingdong sa kanyang speech, "Inaalay ko ito sa dati kong crush na asawa ko na ngayon," pagtukoy niya kay Marian Rivera.

"Ito yung mga panahon na binabasahan ko ng libro ang anak ko [Zia], ang paborito niyang kanta ay 'twinkle twinkle little star.'

"Ngayon ikukuwento ko sa kanya ang star na ito," pagtukoy niya sa PMPC award na may hugis star ang design.

GIRL CRUSH. Tuwang-tuwa naman si Aiko Melendez sa speech niya nang tanggapin ang Best Drama Supporting Actress trophy para sa Wildflower.

Napasigaw siya ng "Finally!"

Inamin din ni Aiko, "Andito pala ang girl crush ko na si Marian Rivera. Huwag ka magselos ha, Dingdong, crush ko lang naman si Marian. Di ako lesbian, ha. Kung anu-ano na sinasabi ko rito sa stage."


Narito ang list of winners ng 31st Star Awards for TV 2017:

Best TV Station: ABS-CBN

Best Drama Actor (tie): Ruru Madrid for Encantadia & Dingdong Dantes for Alyas Robin Hood

Best Drama Actress: Sylvia Sanchez for The Greatest Love

Best Single Performance By An Actress: Maricel Soriano for MMK: "Baso"

Best Single Performance By An Actor (tie) : Alden Richards for Eat Bulaga Lenten Special: "Kapatid" & John Estrada for MMK: "Mansanas at Juice"

Best Drama Supporting Actress: Aiko Melendez for Wildflower

Best Drama Supporting Actor: Daniel Fernando for Ikaw Lang Ang Iibigin

Best Female TV Host: Marian Rivera for Sunday Pinasaya

Best Male TV Host: Vice Ganda for It's Showtime

Best Musical Variety Show: ASAP

Best Variety Show: Sunday Pinasaya

Best Primetime Drama Series (tie): La Luna Sangre & Alyas Robin Hood

Best Drama Anthology: Ipaglaban Mo

Best Daytime Drama Series: The Greatest Love

Best Horror/Fantasy Program: Wansapanataym

Best New Female TV Personality: Mikee Quintos for Encantadia

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Best New Male TV Personality: Tony Labrusca for La Luna Sangre

Best Child Performer: Nayomi "Heart" Ramos for My Dear Heart

Best Female Newscaster: Bernadette Sembrano for TV Patrol

Best Male Newscaster: Arnold Clavio for Saksi

Best News Program: TV Patrol

Best Public Service Program Host: Vicky Morales for Wish Ko Lang

Best Public Service Program: Wish Ko Lang

Best Public Affairs Program Host: Boy Abunda

Best Public Affairs Program (tie): The Bottomline With Boy Abunda & Sa Ganang Mamamayan (Net 25)

Best Celebrity Talk Show Host: Boy Abunda for Tonight With Boy Abunda

Best Celebrity Talk Show: Gandang Gabi Vice

Best Magazine Show Host: Korina Sanchez for Rated K

Best Magazine Show: Kapuso Mo Jessica Soho

Best Game Show Host: Luis Manzano for Minute To Win It

Best Game Show: Wowowin

Best Talent Search Program Host: Luis Manzano & Toni Gonzaga for The Voice Teens

Best Talent Search Program: ASOP (UNTV 37)

Best Morning Show Host: Umagang Kay Ganda hosts

Best Morning Show: Unang Hirit

Best Lifestyle Show Host: Rhian Ramos and Solenn Heussaff for Taste Buddies

Best Lifestyle Show: The World of Gandang Ricky Reyes (GMA News TV)

Best Documentary Hosts: Kara David and Howie Severino for iWitness

Best Documentary Special: Di Ka Pasisiil (ABS-CBN)

Best Documentary: iWitness

Best Educational Program: Matanglawin

Best Educational Program Host: Kim Atienza for Matanglawin

Best Travel Show: Landmarks (Net 25)

Best Travel Show Host: Drew Arellano for Byahe ni Drew

Male Celebrity Face of the Night: Robi Domingo

Female Celebrity Face of the Night: Ali Forbes

Ading Fernando Lifetime Achievement Award: Vic Sotto

Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement: Martin Andanar

Longest Running Daytime Drama Anthology: Maynila

German Moreno Power Tandem: Rocco Nacino and Sanya Lopez & Joshua Garcia and Julia Barretto


Stories We Are Tracking

Who do you think will win in the 31st Star Awards for TV?
Who do you think will win in the 31st Star Awards for TV?




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN