Sylvia Sanchez on bagging Best Actress award: "Siyempre mas sanay ako na supporting..."

IMAGE Allan Sancon

The Greatest Love star Sylvia Sanchez won the Best Actress trophy at the 31st Star Awards for TV 2017.



Ang teleseryeng The Greatest Love ang tinanghal bilang Best Daytime Drama Series at si Sylvia Sanchez ang nanalo bilang Best Actress sa 31st Star Awards for TV na ginanap sa Henry Lee Irwin Theater sa Ateneo de Manila kagabi, November 12.

Kinakabahan pero kitang-kita na kinakabahan si Sylvia nang tanggapin ang tropeo na lalong kumilala sa husay niya bilang isang aktres.

Ngayon na magbibida siya muli sa isang ABS-CBN teleserye, ang Hanggang Saan na pagsasamahan nila ng anak na si Arjo Atayde, marami ang nag-aabang kung ano ang bagong ihahandog ng mag-ina sa mga manonood.

Agad naming tinanong si Sylvia kung sa sunod-sunod na rekognisyon sa kanyang husay na pinakita sa The Greatest Love ay mayroon ba siyang pressure na nararamdaman sa ngayon para sa bagong teleserye.

“Actually wala kasi ako naman iba-iba naman ang ginagampanan ko, iniiba-iba ko rin yung body language, yung mannerism, lahat iniiba-iba ko naman. Oo, malakas yung pinanggalingan na Gloria na character, ito naman ngayon si Mama Sonia, naniniwala naman ako na tatanggapin ng mga viewers, panibagong mukha ng isang ina ang ilalatag namin dito.”

Ayon sa aktres, ang mas nakakapagbigay ng pressure sa kanya ay ang pagsasama nila ngayon ni Arjo sa isang full-length TV series.

“Excited kasi anak ko yun, e, dun ako napre-pressure, e. Wala siyempre pag kaming dalawa mag-ina parang nung una nung in-offer sa akin, 'kaya ba natin ito?' Ganun lang. Pero sa awa ng Diyos nung ginagawa namin, yung takbo ng istorya alam naming tatanggapin ng mga tao. Ako naniniwala ako na matalino na ang mga tao, e, kinakagat na nila yung istorya.”

Masayang-masaya at kinakabahan si Syliva nang tawagin ang pangalan niya bilang Best Actress lalo’t mahuhusay ang mga naging katunggali niya sa pinanalunang kategorya.

“Masaya kasi di ko naman talaga ito inasahan itong best daytime drama series saka Best Actress. Di ko inasahan na maging bida ako sa isang teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre mas sanay ako na supporting, bilang actress pero yung mismo sa isang teleserye, di ko inasahan. Tuloy-tuloy, tumatanggap kami ng award, nagdadatingan pa rin kahit wala na kami sa ere.

“Kinakabahan ako, until now kinakabahan ako. Kahit na anong award na tatanggapin ko, may mga awards na nakuha ko bilang si Gloria pero until now pag tinatanggap ko yun kinakabahan pa rin ako. Ang dami ko pa ring nakakalimutang pasalamatan.”

Sa sunod-sunod na suwerteng tinatanggap niya ngayon tulad ng sunod-sunod na awards, isang bagong pelikula, ang Nay sa Cinema One Originals 2017, at pagsisimula ng bagong pagbibidahan uling teleserye, ang Hanggang Kailan, naniniwala ba si Sylvia na taon niya ang taong 2017?

“Yes, sabi ko nga ako naniniwala na mula ung bago ako lumabas sa mundo, nakasulat na ‘yan, e, may plano na ang Diyos sa bawat isa sa atin.

"Plinano niya ito, kahit itong age na ito, ito yung mararating ko. Siguro hinasa niya ako ng husto kasi at the age of 27, nanay na ako, e, 46 na ako ngayon so ang tagal nun bago ako naging si Gloria."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN