Martin del Rosario responds to netizen questioning why he replaced Christian Bables in Born Beautiful

Martin del Rosario responds to netizen who questioned why he was chosen to play Barbs in Born Beautiful. Martin tweeted, "Respect is given to people who deserve it. Respect is earned."


Si Martin del Rosario na ang bagong bida ng Born Beautiful, ang upcoming TV series na pagbibidahan dapat ni Christian Bables.

Si Christian ang orihinal na gumanap na Barbs sa 2016 Metro Manila Film Fest entry na Die Beautiful.

Nakatanggap ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng official statement mula sa The IdeaFirst Company, na pinamumunuan nina Direk Jun Robles Lana at Direk Perci Intalan, tungkol sa pagbabagong naganap sa Born Beautiful, ang Cignal Entertainment TV series.

Ang Born Beautiful ay produced ng The IdeaFirst Company at directed by Jun Robles Lana, na naghatid din sa atin ng Die Beautiful.

Ayon sa official statement ng IdeaFirst, nagpahayag daw si Christian na hindi na nito magagawa ang Born Beautiful kaya nag-isip sina Direk Jun kung sino ang pwede nilang ipalit sa aktor. Dito na nga pumasok ang pangalan ni Martin.

Nakatrabaho ng IdeaFirst si Martin kasama si Ryza Cenon sa nilang Ang Manananggal sa Unit 23B. Ang kumpanya ang nag-produce ng pelikula na naging entry sa QCinema Film Festival noong October 2016. Nagkaroon ito ng nationwide commercial release nitong Agosto 2017 bilang bahagi ng Pista ng Pelikulang Pilipino.

Narito ang buong statement ng IdeaFirst: “Award-winning actor Martin del Rosario is now the lead star of Jun Robles Lana’s DIE BEAUTIFUL spin-off series, BORN BEAUTIFUL. After starring in a number of acclaimed independent films — among them 'Dagitab' which won for him an Urian award — Martin will portray the expanded role of Barbs, the best friend of Paolo Ballesteros’s character Trisha.

“Direk Jun explained that it was an interesting twist of fate that led to this casting of Martin, ‘Christian Bables expressed to us that he is no longer available to do Born Beautiful, that allowed me and the creative team to rethink the character of Barbs and what the character can do. We thought of Martin because we recently worked with him when we produced Prime Cruz’s 'Ang Manananggal sa Unit 23B' and we know he can bring in a new dimension to the character now that the entire series revolves around Barbs.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“BORN BEAUTIFUL will go into production this November and will be seen on Cignal Entertainment in early 2018.”

MARTIN RESPONDS TO NETIZEN. Samantala, excited na si Martin dahil siya ang napiling bagong Barbs ng Born Beautiful. Sinimulan ni Martin ang pagti-tweet tungkol dito noong November 12.

Aniya sa kanyang Twitter account na @mart_drosario: “Walang pinanganak na pangit. Everybody is BORN BEAUTIFUL.”

Nag-tweet din siya ng picture ng high heels kasama ang caption na: “Practice, practice…”

Sinundan pa niya ito ng isa pang tweet noong November 13 kasama ang title card ng Born Beautiful: “Cameras to start rolling soon! #BornBeautiful.”

Sa kanyang Twitter account, sinagot ni Martin ang isang basher na kumukwestiyon sa pagkakapili kay Martin bilang kapalit ni Christian Bables.

Tinanong ng netizen na si Mark Devaras bakit hindi na lang si Christian ang gawing bida.

Narito ang tweet ni Mark: "Why you? Why not Christian Bables? The awards that were awarded to him because of the film is the undeniable proof that he is the only artist who fits in that role. I don't think that Born Beautiful is going to give me the same impact Die Beautiful gave me before."

Nag-tweet naman si Martin: "Why me? Why not."

Ang isa pang tweet ni Martin bilang kasagutan: "Respect is given to people who deserve it. Respect is earned."


 
Nagpahayag naman ng papuri si Direk Jun sa kanyang Twitter account (@junrobleslana) para kay Martin. May tiwala rin daw siya sa kakayahan at talento ng aktor.

Ayon kay Direk Jun, “Honored to be working with one of the most talented and professional young actors in the industry today. @mart_drosario I know you’ll blow their socks off! (or rather their heels) #BornBeautiful”

Dahil dito pinasalamatan ni Martin si Direk Jun: “Thank you so much @junrobleslana sa tiwala. Excited to be on the set of #BornBeautiful. Let’s do this!”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN