Michael V. on Bubble Gang's longevity: "Mula noong naging drive namin ay mag-enjoy, sumunod na ang ratings."

IMAGE Noel Orsal

Michael V. credits Bubble Gang's audience for keeping the Kapuso gag show on air for 22 years. "Maganda yung relationship ng audience sa show. Yung show tinutulungan yung audience and at the same time, yung audience tumulong din sa show. Yun talaga ang secret."


Twenty-two years na sa ere ang Bubble Gang, ang nagi-isang gag show ng GMA-7 at itinuturing na longest running gag show sa Philippine television.

At sa two-part anniversary celebration nito na mapapanood ngayong November 17 at sa November 24 pagkatapos ng My Korean Jagiya, isang musical-themed show na pinamagatang “Parokya Bente Dos: A Laugh Story” ang inihanda ng show para sa kanilang manonood.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Michael V., isa sa original cast members ng Bubble Gang, sa presscon proper ng kanilang anniversary show.

Ginawa ito noong November 13 sa 17th floor ng GMA-7 Building, sa Timog Avenue, Quezon City.

Tinanong namin si Bitoy, palayaw ni Michael V., tungkol sa longevity ng kanilang programa. 

Sa tingin niya, bakit ito tumagal nang higit sa dalawang dekada?

“Siguro yung dedication sa trabaho. Saka yung society rin, e” nakangiting tugon ni Michael V.

“Habang nagbabago kasi ang society, parang meron kaming puwedeng gayahin and at the same time, kami, puwede kaming gayahin ng society.

"Maganda yung relationship ng audience sa show. Yung show tinutulungan yung audience and at the same time, yung audience tumulong din sa show. Yun talaga ang secret.”

Dalawa na lang sila ni  Antonio Aquitania na naiwang original members ng Bubble Gang. Bukod sa itinuturing na front liner, si Michael rin ang creative director ng show. 

Mula umpisa hanggang sa kasalukuyang buhay ng Bubble Gang, nandoon na si Michael V.

Lumipat na sa TV5 ang sparring partner niya sa show na si Ogie Alcasid, at ngayon naman ay nasa Kapamilya network na ito.

Sa loob ng 22 years, may mga downside ba ang programa nila? 

“Bukod kay Diego?” pabirong komento ni Bitoy patungkol sa isa sa cast members ng show.

Patuloy niya nang magseryoso, “Sa palagay ko wala, e.

Siguro noong early years, for me ha?  Kasi ang driver namin noon ay mag-rate, hindi mag-enjoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mula noong ang [naging] drive namin ay mag-enjoy, nag-enjoy na kami. Sumunod na ang ratings.”

May twenty six Kapuso star mainstays ang programa bukod pa sa mga mga guests stars bawat linggo.

Bukod kay Michael V., Jackie Rice at Diego Llorico, nasa show din sina Kim Domingo, Chariz Solomon, Valeen Montenegro, Antonio Aquitania, Boy 2 Quizon, Paolo Contis, Denise Barbacena, Lovely Abella, Sef Cadayona, Betong Sumaya, Mikael Daez, Arra San Agustin, Jak Roberto, Archie Alemania, Arny Ross, Mikoy Morales, Ashley Rivera, Analyn Barro, Juancho Trivino, Jan Manual, James Macasero, Rodfil Obesa at Myka Flores.

Paano naga-adjust ang show sa padagdag nang padagdag na members ng show?  

“Ah, ano hindi ka basta-basta makakapasok kung hindi swak sa Bubble Gang," tugon ng actor/singer/composer sa PEP. 

"So, sa ngayon as you can see swak naman lahat at wala namang naging problema.”

Inamin ni Michael na may ‘say’ siya sa mga ipinapasok sa show.

Aniya pa, “may say rin ako pero madalas nagsa-suggest rin ako.”

Pawang ang buong barkada ng show lang ang mapapanood sa kanilang anniversary show at wala raw naimbitahang mga dating member ng Bubble Gang ang makikita bilang guests.

Paliwanag ni Michael, “Ginawa na namin yan a few anniversaries ago.  Ngayon iba na.”

Kakaiba nga raw ang anniversary na ito ng Bubble Gang dahil ginamitan ito ng maraming hits ng bandang Parokya ni Edgar.

“Well, yung una, parang wala na kaming magawang iba, e.” simulang paliwanag ni Michael.

“Iniisip na lang naming gawin yung hindi pa namin nagagawa.

"And during that time, yung anak ko, nagti-theater arts sa Ateneo. 

"So, sumali siya sa isang production at nakita ko kung gaano kaganda. 

"'Tapos yung naging success ng [musical na] ‘Rak of Aegis,’ nag-inspire sa akin to come up something like this.

“Baka puwede naman nating gawin for Bubble Gang…sana mag-work . Sana, I hope na mag-work.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN