Sunshine Dizon named Best Actress at Gawad Amerika for Ika-6 Na Utos

Sunshine Dizon named Best Actress at Gawad Amerika 2017 for Ika-6 Na Utos.


Pumunta sa Los Angeles, California si Sunshine Dizon kunsaan para tanggapin ang Best Actress award niya mula sa Gawad Amerika.

Noong November 18, pinarangalan ang GMA-7 actress para sa kanyang pagganap sa afternoon teleserye na Ika-6 Na Utos kunsaan gumaganap siya bilang si Emma.

Ang Gawad Amerika ay binubuo ng Filipino Community sa U.S. at nagbibigay ng parangal sa iba't-ibang larangan.

Sa pamamagitan ng private messaging ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sunshine pagkatapos nitong matanggap ang award.

Ayon sa Kapuso actress, "Nakakataba po ng puso na isa po ako sa napili na bigyan ng parangal ng ating mga kababayan dito sa Amerika.

"Kasama rin ang mahuhusay na Filipino sa iba't-ibang larangan."

Sa Instagram account ni Sunshine na @m_sunshinedizon, ibinahagi niya ang acceptance speech niya nang tanggapin niya ang kanyang trophy.

Nakasaad dito na, "Thank you very much Gawad Amerika most specially to the Filipino Community for this recognition. I would also like to share this recognition to all our our hardworking cast members, production staff and crew, it is ultimately a group effort to give our audience the best. I would also like thank our leader and director Laurice Guillen for her guidance.

"Thank you also to my Manager Mr. Perry Lansigan and PPL Entertainment Inc. for taking care of me.

"To my home network GMA for giving me the opportunity to be part of memorable shows that honed me through the years to be where I am today as an artist. Sa lahat din po ng mga taga supporta ng 'Ika Anim Na Utos' maraming salamat sa inyong pag tangkilik at pag subabay sa amin. To my two Angels Doreen Isabel and Antonio, you will always be my inspiration to do good and strive harder. To God be the glory."

Ang ama ni Sunshine na Isagani Dizon ay matagal nang naka-base sa Amerika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging daan ang pagpunta ni Sunshine sa United States upang magkaroon sila ng pagkakataon na magka-bonding na mag-ama.

Aware raw ang tatay ni Sunshine sa mga nangyayari sa kanya at masaya raw ito na malamang hanggang America ay napaparangalan ang anak.

Ayon kay Sunshine, "Masaya po ako na kahit tatlong araw lang ay nakasama ko ang Papa ko at mga kapatid ko na naka-based na sa U.S.

"Alam ko rin na napasaya ko si Papa at proud po siya na hanggang dito sa America ay nabibigyan ako ng pagkilala."


Thank you very much Gawad Amerika most specially to the Filipino Community for this recognition. I would also like to share this recognition to all our hardworking cast members, production staff and crew of #ika6nautos it is ultimately a group effort to give you our audience the best. I would also like thank our leader and director Laurice Guillen for her guidance. Thank you also to my Manager @perrylansigan and @pplentertainmentinc for taking care of me. To my home network @gmanetwork for giving me the opportunity to be part of memorable shows that honed me through the years to be where i am today as an artist. Sa lahat din po na taga supporta ng “Ika Anim Na Utos” maraming salamat sa inyong pag tangkilik at pag subabay saamin. To my Papa Gani thank you for being with me tonight. To my two Angels Doreen Isabel and Antonio, you will always be my inspiration to do good and strive harder. To God be the glory. ????????

A post shared by Miss Sunshine Dizon (@m_sunshinedizon) on





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN