Director Jun Lana on Christian Bables: "Nanghihinayang ako sa friendship...I feel betrayed!"

IMAGE Noel Orsal (Jun) / Allan Sancon (Christian)

Direk Jun Lana (left) on Christian Bables: "Nanghihinayang ako sa friendship. Dahil parang yun ang nasira, dahil nawalan ako ng tiwala sa kanila...I feel betrayed!" 


Dahil sa critical and commercial success ng Die Beautiful movie ni Paolo Ballesteros, magkakaroon ito ng spin-off series titled Born Beautiful.

Pero since namatay na nga si Trisha (ang character ni Paolo sa movie), ang gagawin nilang bida sa cable series (funded by Cignal Entertainment) ay ang beshie nitong si Barbs.

Ang bidang si Barbs ay dapat gagampanan ni Christian Bables na siyang gumanap nito sa 2016 movie version sa ilalim ng direksiyon ni Jun Lana.

Eventually, naging co-manager rin ni Christian sina Direk Jun at partner nitong si Direk Perci Intalan (ng IdeaFirst Company), kasama ang original manager and discoverer ni Christian (named Jeffrey Ambrosio).

Ngunit pumutok ang balitang hindi na magagawa ni Christian ang Born Beautiful at papalitan na siya ni Martin Del Rosario.

Nakilala ng publiko si Christian dahil sa kanyang Barbs character at nanalo pa siya ng Best Supporting Actor award sa 2016 Metro Manila Film Festival.

Noong Linggo, November 19, 2017, dumalaw ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa teaser shoot set ng Born Beautiful sa San Juan at dito namin nakapanayam si Direk Jun Lana at ang partner niyang si Direk Perci Intalan.

Unang tanong kay Direk Jun: under pa ba si Christian sa IdeaFirst Company (co-management)?

“Wala na, pero we wish him well,” sagot ni Direk Jun.

Sino ang unang umayaw sa pag-manage sa kanya at sa proyektong Born Beautiful?

“Paano ko ba sasabihin ito? Basta, hindi na po siya puwede. Suddenly, naging busy po siya. And so, I think… They [Christian and manager] decided na yung priority niya ay yung kung anuman ang gusto niyang gawin.”

Sa Instagram account niya, may official statement si Christian na “management decision” daw ang nangyari.

Ayon kay Direk Jun, “Nabasa ko kasi ang statement or post ni Christian, nilabas niya sa IG niya. It’s partly true, pero marami rin kasing hindi nabanggit doon si Christian.

“Pero for his sake, para hindi na rin maging sagabal o makasira sa kanya, I’d rather not… ‘Wag na ring i-discuss.

“But, ang sasabihin ko lang kasi, after Die Beautiful, we had no plans at all na i-manage siya. Wala talaga, e.

“Pero sila [Christian and his original manager] talaga yung lumapit sa amin, para ipa-co-manage.

“We did everything para magkaroon siya ng opportunity, hindi lamang sa pelikula kundi pati na sa mga TV projects, sa mga gagawin niya.

“Plinano naming yun pati kung papaano makakatulong yung Born Beautiful bilang bida siya dito. Para magkaroon siya ng exposure habang wala siyang ginagawa.

“But at the same time… Malakas kasi ang dating nung project, e. Pinag-uusapan siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Feeling namin, makakatulong talaga siya. Na kahit na mag-supporting roles siya sa ibang mga bagay na ginagawa niya, dito, bida siya!

“At dahil nagbibida siya, makakakuha kami ng opportunities na kailangan niya.

“So, nakaplano yun nang maayos, kaso, nagkaroon sila ng ibang gustong gawin. Nag-decide silang iba yung gusto nilang tahakin na career and suddenly, nasira ang plano namin.

“And we both agreed with what we wanted to happen.

“So, ni-let go na lang namin, kasi parang… Sa akin kasi, hindi ko hinihingi ang utang na loob. Hindi kasi importante sa akin ang utang na loob. Mas importante sa akin, ang professionalism!

“May mga commitments kami sa isa’t isa. May mga napag-usapan kami prior… Pero dahil hindi nila na-honor yung mga napag-usapan namin, we decided na para wala na lang conflict, we just let go of Christian and we really wish him well,” seryosong pahayag ni Direk Jun.

Sa sinasabi niyang “agreement,” alam ba mismo ni Christian ang time frame para mangyari o maisagawa ito?

“Alam niya,” sagot ni Direk Jun.

“Alam niya because ilang beses kami nag-meeting, e. Ilang beses namin siyang inupo. Ipinaintindi namin sa kanya and he was very excited.

“At buung-buo yung plano namin: from film to TV to series, at may binubuo rin kaming stage play para sa kanya. As in buo. Kasi, gusto niyang maging theater actor, e.

“So, we’re willing to invest on those things just for him. But I guess, meron rin silang mga ganyang opportunity na nahanap nila.”


ON MARTIN DEL ROSARIO. Anong reaction niya na “ibinilin” ni Christian kay Martin na alagaan nito ang character na Barbs?

Pahayag ni Direk Jun, “Hindi niya kailangang ibilin dahil napakagaling ni Martin! And ang minahal naman ng tao ay hindi si Christian Bables. Ang minahal ay si Barbs!

“At palagay ko, kung ipapasa siya sa isang artistang napakagaling, walang kaduda-duda sa aking mamahalin rin ng mga manonood si Martin."

Dahil ba may agreement na with Cignal kaya itinuloy pa rin ang proyekto, kahit hindi na si Christian ang gaganap?

“Actually, sakaling wala siya sa sequel, ang plano ko kasi talaga is to do a series, then after that, do a movie. There’s going to be a movie kasi.

“Napag-usapan kasi namin ng creative group yung buhay ng character ni Barbs, and we are so excited doon sa mga puwede niyang puntahan. Para siyang pelikula. Masaya siya. Bastos siya. Nakakatawa siya. Nakakaiyak siya.

“Lahat ng elements ng Die Beautiful, nandito sa Born Beautiful. And doon sa pelikulang gagawin namin after this [Cignal] series. So, si Martin na rin yun.”

Pero noong hindi pa sila naghihiwalay ng landas ni Christian bilang co-manager ng new actor, wala bang control ang management company ni Direk sa career of Christian – sa sinasabi nitong “management decision”?

“Meron naman. It’s just that kung ano rin kasi ang gusto ng talent, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON BETRAYAL. Sa tagal ng pinagsamahan nila ni Christian mula pa noong ginagawa nila ang Die Beautiful, gaano ang sama ng loob na nararamdaman niya ngayon sa naging takbo ng mga pangyayari?

“Wala namang maraming taon… Pero actually, ngayon kasi, wala na, kasi, nailabas ko na [ang sama ng loob], e.

“Siguro, kung nangyari ito mga five years ago at iba pa ang personality ko, baka nang-away ako! Pero ngayon, you realize na you’ve moved on, there are other projects. You wish him well.

“Nanghihinayang lang ako doon sa friendship. Dahil parang yun ang nasira, dahil nawalan ako ng tiwala sa kanila… I feel betrayed!

“Kaya ako betrayed, kasi, noong nangyari ang lahat nang ito, iniisip ko na, ‘Ay, one of these days, siguro, mag-uusap naman kami. Lalagpas din ito,'” hugot pa ni Direk Jun.


MARTIN AS BARBS. Papaano naman nagsimula ang pagpasok ni Martin del Rosario bilang bagong Barbs, kapalit ni Christian?

“Excited kami kay Martin. Naka-trabaho namin siya sa Ang Manananggal Sa Unit 23-B. Alam naman natin na yung Manananggal, material talaga siya para kay Ryza [Cenon].

“Nakita namin na, ‘Sayang, hindi natin na-maximize si Martin!’ Kaya sinasabi ko na if there’s an opportunity for me to work with Martin, I’d be so honored dahil napakagaling niyang artista, at napaka-committed niya!

“Bukod sa napakasipag, pinaglalaban niya yung project. Pino-promote niya. I mean, sino naman ang hindi maeenganyo sa isang artista na napakagaling na, napapaka-committed pa at passionate pa sa project? Wala rin siyang pakialam sa bashers.”

Natutuwa ba siya sa paraan ng pagsagot ni Martin sa bashers nito sa social media?

“Oo, kasi, hindi niya pinepersonal. Napaka-positive. Walang away. Hindi niya inaaway [ang bashers].

“Kaya natutuwa ako, excited ako at palagay ko, mabibigyan niya ng bagong dimension yung character ni Barbs na hindi pa namin nadi-discover.”

Sa ngayon, exclusive artist si Martin sa GMA Network. Paano nila nakuha ang serbisyo nito for Born Beautiful ng Cignal Entertainment?

“Maayos naman ang pakikipag-usap namin. Si Martin kasi, gustong-gusto niya yung project. Sobra siyang excited. Ang network naman, ‘pag nakikita nila…

“And I think, malaking bagay rin ito for Martin, kasi, nakakagawa siya ng project na hindi ganoon ka-mainstream and nailalabas niya talaga yung talent niya as an actor, dahil kakaiba kasi talaga ang pupuntahan ng Born Beautiful.

“Kasi, ang inaasahan kasi ng mga tao, ang Born Beautiful ay kikay-kikay lang ito, patawa lang… Magugulat sila sa pilot episode pa lang, sa pupuntahan ng character,” pagmamalaki ni Direk Jun sa nasabing series.

Pasok pa rin pala in a special participation dito si Paolo Ballesteros, na gumanap bilang si Trisha sa pelikula.

Ilulunsad ito on air sa January 2018, kasunod ang iba pang series na produced rin nila.

“Mauuna lang ang Born, then susunod na ang iba pang projects na ginagawa namin,” ani Direk Jun.

Kasama rin sa cast ng Born Beautiful—na tatakbo ng one season—sina Lou Veloso, Chai Fonacier, at Joey Paras. May special appearance rin si Cedrick Juan at Kiko Matos.

Ano ang magiging participation dito ni Paolo?

“Parang ipapasa niya yung korona. Patay na kasi siya, e, so may flashbacks kaming gagawin, and then, may gagawin kaming teaser.

“Originally, kasama talaga siya [Paolo]. May mga in-adjust lang kami nang konti sa script na si Martin na ngayon ang artista namin.

“Mas humaba ang participation ni Paolo. Kasi, yung original, parang isang eksena lang, e, pero ngayon, medyo nadagdagan.

“Thankful kami kay Pao kasi, napaka-grasyoso [gracious]! Diyos ko, dala-dalawang pelikulang ginagawa at ilalabas, parang magkakaroon siya ng sarili niyang film festival.

“Meron pa siya sa Viva, but he took time para dito. Nagpapasalamat talaga kami kay Paolo,” pagtatapos ni Direk Jun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN