Marvin Agustin wanted to do one thing in ABS-CBN before accepting acting stint in GMA-7

IMAGE Noel Orsal

Marvin Agustin studied filmmaking at New York University last year.



May anim na taon na ang nakakaraan mula noong huling gumawa si Marvin Agustin ng show sa GMA-7.

Ito ay ang short-lived afternoon series na Iglot, na um-ere noong 2011.

Aminado si Marvin na nag-lie low siya ng kaunti sa pag-arte dahil naging priority niya ang kanyang mga negosyong restaurants sa bansa.

Ngayon ay nagbabalik-Kapuso si Marvin sa pamamagitan ng bagong primetime series na Kambal, Karibal.

Umamin ito na hindi raw sana pagiging aktor ang gusto niyang gawin sa pagbabalik sa GMA-7.

“Kami kasi ni Annette [Gozon], magka-text,” lahad ni Marvin.

“Gusto ko kasing mag-direk.  Nag-aral ako ng Filmmaking last year sa NYU [New York University].

"Gusto kong mag-practice, tapos nag-online workshop ako ng scriptwriting.

“Gusto kong mag-entertainment ulit. Well, supposedly, off-camera.

"'Tapos, nag-usap kami nila Ms. Annette, Tita Redgie [Magno], nila Tita Lilybeth [Rasonable]. Sabi nila, may soap kami. Aarte ka muna,” natawa niyang kuwento.

“Sabi ko, okay, fine. E, gusto ko rin naman. Alam niyo naman ang acting is something na hindi ko matatanggihan. Lalo na kung challenging, maganda yung part.

"Kaya sabi ko, sige. Ang gusto lang muna nilang pagawa sa akin kung magdi-direk ako, mga anthology.”

Ang Kambal, Karibal director na si Don Michael Perez ang naga-guide ngayon kay Marvin kung paano magdirek sa telebisyon.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marvin kamakailan lang sa GMA-7 at inamin naman niya na hindi lang sa Kapuso network siya nagsabi na gusto niyang mag-trabaho bilang director.

Ani Marcin, “Even sa ABS... yun nga ang sinasabi ko, with my years in the industry, naging kaibigan ko ang lahat. Kaya ang sarap ng pakiramdam that I can work with anyone.

“Even if yun nga, gusto kong mag-direk, nagtatanong ako kung ano ang puwede kong gawin.”

Magiging 22 taon na rin daw siyang artista kaya noon pa man, nakikita na niya kung paano gamitin ang camera. At kapag medyo maluwag daw ang schedule, baka ipa-shoot din sa kanya ang ilang scenes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sakali, gusto raw niyang mag direk ng rom-com, drama o comedy.

Ayon kay Marvin, “Continuous naman akong gumagawa ng project lalo na kung gusto ko ang project, gusto ko ang mga kasama. E, dito, sina Carmina Villarroel ang kasama ko, Jean Garcia.”

Biro pa niya, “Hindi ko sila ka-edad lahat ha, pero, mga kaibigan ko sila.

"Gardo Versoza, Tito Boyet [Christopher] de Leon. Lagyan natin ng Tito, baka akala ka-batch ko na sila.”

Sa isang banda, updated din si Marvin na ang kanyang ka-loveteam na si Jolina Magdangal ay buntis ngayon sa ikalawa nitong anak.

Kaya ang tanong namin sa kanya, sa kabila ng meron na siyang magti-teenager na kambal, kailan naman kaya siya ang magkakaroon na talaga ng sariling pamilya katulad ni Jolina?

Kumusta ang love life niya?

“Love life?  Still love and life.  Still very, very happy,” natatawang sabi ni Marvin.

“I love life!” dugtong pa niya.

“Serious ang love life kasi, it’s a serious commitment.”

Wala pa rin ba siyang matagpuan?

Natatawang sagot ng Kapuso actor, “Meron naman, pero iniisip ko pa kung ito ang tamang panahon. Parang bata!” 

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN