Miguel Tanfelix admits feeling pressure with Kambal, Karibal replacing Alyas Robin Hood 2

IMAGE Noel Orsal

Miguel Tanfelix admits there is pressure with their first primetime teleserye replacing Alyas Robin Hood 2. "Siyempre medyo may pressure kasi si Kuya Dingdong ang papalitan namin pero still nandun pa rin yung effort na ilalagay namin. Like every show naman ginagawa namin yun."



Magkasama bilang mga bida sa upcoming GMA-7 drama series na Kambal, Karibal ang love team nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. 

Kasama dito nina Miguel at Bianca sina Carmina Villarroel, Jean Garcia, Marvin Agustin, Alfred Vargas, Jeric Gonzales, Pauline Mendoza, Kyline Alcantara, Rafa Sigueon Reyna, at sina Mr. Christopher de Leon, at Ms. Gloria Romero.

Sa direksyon ito ni Don Michael Perez, at ipapalabas na simula sa Lunes, November 27.

Ano ang pakiramdam na sila ang papalit sa Alyas Robin Hood 2 ni Dingdong Dantes na Primetime King ng Kapuso Network?

“Siyempre medyo may pressure kasi si Kuya Dingdong ang papalitan namin pero still nandun pa rin yung effort na ilalagay namin.

“Like every show naman ginagawa namin yun.

“And ang main goal namin is ma-satisfy siyempre yung viewers sa ipapakita namin,” pahayag ni Miguel.

Sila ang papalit sa Alyas Robin Hood 2, malaking show ito at malaking artista si Dingdong.

“Nakakagulat po! Siyempre hindi rin po namin magagawa iyon ng kaming dalawa lang ni Bianca.

“Talagang teamwork pa rin talaga yung magwo-work dun kasama din yung mga siyempre  yung mga big stars na kasama po namin.

“And hindi lang naman din yun dahil makakatulong din po sila sa amin acting-wise po namin makakatulong po sila sa amin.

“And siyempre tuwing eksena mas ibibigay nyo po yung best nyo dahil you want na para makipagsabayan sa… kung gaano sila kagagaling.”

COMFORTABLE AROUND GAYS. Masaya naman si Miguel na makatrabaho sa unang pagkakataon si Paolo Ballesteros sa pelikulang Barbi D’ Wonder Beki.

“Magaan yung bawat eksenang kasama si Kuya Pao kasi nagbibiro siya, uma-adlib siya nang nakakatawa so light lang pag kasama namin siya,” sabi ng young actor.

Bading ang papel ni Paolo sa pelikula, pati na rin si Joey de Leon na may mahalagang participation sa pelikula bilang si Mr. B.

Hindi naman daw ilag si Miguel sa mga gays.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman, hindi naman. Kasi lumaki ako na nakapaligid talaga ang mga bading kasi, di ba, ang showbiz talagang marami diyan, pero kasi mababait naman sila.

“Meron lang talagang iba na...alam mo yun?”

Meron na bang bading na nambastos kay Miguel?

“Wala pa sa akin pero meron, may mga kuwento, kinukuwento sa akin. Pero ako wala pa naman akong nae-experience so far kaya hindi naman ako ilag sa kanila.”

Gumaganap sa Barbi D’ Wonder Beki si Miguel bilang Cyrus at si Bianca naman bilang si Miley.

Nasa pelikula rin sina Ejay Falcon, Thou Reyes, at Kim Domingo, at ito ay sa direksyon ni Tony Reyes.

Dahil may superpowers si Barbi D’ Wonder Beki, tinanong namin si Miguel, kung mabibigyan siya ng kapangyarihan, ano ang gusto niya?

“Ako, ability to fly! Kasi alam mo yung pakiramdam na free ka, malaya kang lumipad kahit saan mo gusto.

“And I love to travel so para wala ng visa, wala ng bayad sa eroplano,” sabay tawa ni Miguel.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Miguel sa Limbaga 77 restaurant sa presscon ng Barbi D’ Wonder Beki, na ipapalabas sa mga sinehan sa November 29.

Unang pelikula ni Miguel na binata na siya (at una ring movie with Bianca) ang Barbi D’ Wonder Beki.

Kabilang sa mga naunang pelikula ni Miguel noong bata pa siya ay ang Mulawin the Movie, Hari Ng Sablay, at I Will Always Love You.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN