Carmina Villarroel gets nostalgic as she returns to GMA-7 after six years

IMAGE Noel Orsal

Carmina Villarroel is happy to see new faces after years of being away from GMA-7. She's back, and as they welcome her, she's happy to meet them all. "Marami pa, gusto ko pa silang makilala lahat," she beams.



Muling mapapanood si Carmina Villarroel sa Kapuso network sa pamamagitan ng bagong primetime series na Kambal Karibal

“Ako naman kasi, per project, kung ano ang dumating,” paliwanag niya kaya pareho siyang napapanood sa ABS-CBN at GMA-7.

Lahad pa niya, “Nagkataon na after Super Ma’am, in-offer ‘to sa akin. 

Pero hindi naman daw siya “nanganay” nang magbalik-Kapuso.
 
“Hindi naman, siguro kasi ang maganda, may kasabihan nga na don’t burn bridges.

“Para anywhere, puwede ka, di ba? When I left GMA, wala naman akong bad blood, nothing.
 
“So siguro itong pagbalik ko, parang damang-dama ko naman ang pag-welcome nila sa akin. 

“Lahat sila welcome back, welcome back. So parang happy sila na nakabalik ako.
 
“Wala namang problema.”
 
NEW FACES, OLD FACES. Ang huling ginawa niyang teleserye sa GMA-7 ay ang Pahiram ng Isang Ina (2011), may anim na taon na ang nakaraan.

Marami na rin raw siyang nakikitang mga bagong Kapuso at kung sakali, ilan sa mga gusto niyang makasama ay sina Miguel Tanfelix at si Barbie Forteza.

Ang dami na nga rin raw niyang makaka-trabaho for the first time, pero si Miguel ay nakasama na niya noon sa Mulawin.

“Bata pa ito noon, sabi ko nga noong nagkita kami, ‘Anong nangyari sa ‘yo, ang laki mo na.’”

“Ang dami na nilang bago, like itong si Miguel, may love team na pala itong si Miguel.

“Siyempre, ang memory ko pa sa kanya, bagets pa, di ba? 

“So marami pa, gusto ko pa silang makilala lahat.”
 
Si Barbie raw ay na-meet na ni Carmina nang mag-guest siya sa Sunday PinaSaya.

Kumento niya, “Mukha namang mabait yung bata. Lumapit sa akin, nagpakilala.”

First time rin daw niya na makakatrabaho ang direktor ng show na si Don Michael Perez at ang batikang aktor na si Christopher de Leon.

Sambit pa ni Carmina, “Di ba ang weird? Parang ang dami ko nang nagawa pero never pa pala kaming nagkasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya sabi ko, go.”
 
Sa kabilang banda, reunion naman daw para sa kanya ang iba pang makakasama ni Carmina sa teleserye, sina Gloria Romero, Marvin Agustin, Jean Garcia, at Alfred Vargas.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carmina sa presscon ng Kambal Karibal sa Le Reve Pool & Events Place noong November 21.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN