Heart Evangelista compared to Descendants of the Sun actress Song Hye-kyo

IMAGE From Instagram account of Kapuso PR Girl

Ryu Sang Wook (aka Andy Ryu, left) is the new addition to the GMA-7 primetime series My Korean Jagiya top-billed by Heart Evangelista (right). The Korean actor says about Heart: "Parang katumbas ni Song Hye-kyo sa Korea."


Ipakikilala ang 32-year-old Korean actor na si Ryu Sang Wook (aka Andy Ryu) sa My Korean Jagiya ng GMA-7 bilang artista na pumunta sa Pilipinas para i-promote ang kanyang fictional movie titled Bus to Busan.

Si Andy ay pagseselosan ni Kim Jun-ho, ang karakter na ginagampanan ni Alexander Lee, ang leading man ni Heart Evangelista sa top-rating primetime teleserye ng Kapuso Network.

Kilala si Andy ng mga Pilipino na mahihilig sa mga Koreanovela dahil cast member siya ng Queen Seondeok, ang popular historical Koreanovela na napanood noong January 2010 sa GMA-7.

Nagsimula nang mag-taping si Andy ng kanyang mga eksena para sa My Korean Jagiya at puring-puri niya si Heart.

“Napaka-kumportable to act with Heart dahil napaka-approachable niya, napaka-friendly. Hindi ako nailang from the very beginning dahil si Heart ang mismong lumalapit sa akin.

"She’s a very charming person, maraming talent kaya it’s an honor to work with her. She’s full of energy.

“Nung ipinakilala sa akin ang mga makakasama ko sa show, nagtanong-tanong ako at nag-research. May nagsabi sa akin na Heart is big star in the Philippines. Parang katumbas ni Song Hye-kyo sa Korea,” ang sabi ni Andy sa tulong ng kanyang Korean interpreter.





Descendants of the Sun stars Song Hye-kyo (wearing black) and Song Joong-ki



Natutuwa si Andy kapag sinasabi ng mga Pilipino na malaki ang pagkakahawig niya sa Korean superstar na si Song Joong-Ki dahil ito rin ang obserbasyon ng kanyang mga kababayan.

Sa tunay na buhay, magkaibigan sina Andy at Song Joong-Ki dahil magkaklase sila noon sa isang acting school sa Seoul, South Korea.

Nakasama rin niya ang singer-actor na si Rain sa dalawang taon na required military service sa kanila sa Korea.

“Galing ako sa Daegu province, si Song Joong-ki is from Seoul.

"When I came to Seoul para maging actor, pumasok ako sa isang acting academy. To my surprise, estudyante rin si Song Joong-ki.

“Nung pumasok ako, sinabi ng prinicipal na merong kaming estudyante na kamukha ko. From then on, sa tuwing pumupunta ako sa mga audition, sinasabi ng mga direktor na kamukha ko si Song Joong-ki.

“At first, may advantage dahil kamukha ko ang isang sikat na aktor pero at the same time, may disadvantage dahil naiko-compare ako.

“Naiintindihan ko naman. Tina-try ko naman ang best ko para maabot ko [ang achievements] ni Song Joong-ki,” ang pahayag ni Andy.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN