Pauline Mendoza admits crush on this Kapuso actor

IMAGE Noel Orsal



Homegrown talent ng GMA Network si Pauline Mendoza na may malaking papel sa Kambal, Karibal na pinagbibidahan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Naging Kapuso si Pauline nang nag-audition siya sa GMA Artist Center at ang una niyang show ay ang That’s My Amboy nina Barbie Forteza at Andre Paras na ipinalabas noong nakaraang taon.

“Tapos Alyas Robin Hood Season 1 tapos My Love From The Star po,” pagkukuwento pa ni Pauline ng mga nagawa na niyang projects sa Kapuso network.

“Model po ako before nun sa Mossimo, tapos may taga-GMA po dun na naka-discover sa akin, sabi niya, ‘Mag-audition ka sa Artist Center, maganda ka, may potensyal ka.’

“So nag-audition po ako and luckily...” kuwento ng newbie GMAAC talent na may limang taong kontrata sa GMA.

Sa Kambal, Karibal, si Pauline (bilang si Criselda Bautista) ang third wheel kina Bianca (bilang Crisanta Bautista) at Miguel (bilang Diego Ocampo).

Si Criselda ang kakambal ni Crisanta na namatay na sasanib naman sa katauhan ni Cheska de Villa (played by Kyline Alcantara).

Noong una niyang malaman na isang multo ang papel niya sa naturang GMA drama series, ano ang naging reaksyon ni Pauline?

“Okay lang naman po sa akin kasi kahit anong role, go lang talaga ako. At saka nakita ko po yung story, ang ganda.

“Ang ganda po ng story talaga. About family, about love, about magkapatid, kaya nagustuhan ko po talaga yung story, exciting po talaga siya.

“Saka marami po talagang aabangan sa mga bawat eksena, kasi kaabang-abang po talaga.”

Nakausap namin si Pauline sa grand launch ng Kambal, Karibal sa Le Reve Pool Party Venue and Events Place sa QC.

Tuwang-tuwa si Pauline na ang katrabaho niya ay ang isa sa popular love teams sa GMA, ang BiGuel nina Bianca at Miguel.

“Oo nga po, e, sobrang natuwa po talaga ako! Actually naka-work ko na po sila before, nag-guest po ako sa episode nila ng Maynila.

“Sobrang saya ko po nung nalaman kong makaka-work ko si Bianca kasi actually close ko po si Bianca.

“Kasi nagkakasama po kami before sa mga workshops so iyon po. Si Miguel din po.”

At dito sa Kambal, Karibal ay isang buong teleserye silang magkakasama, hindi isang guesting lamang.

Kapag bibigyan na siya ng project na siya mismo ng bida, sino ang nais ni Pauline na maging leading man?

“Kahit sino po.”

Wala ba siyang choice? “Kung sino yung pipiliin para sa akin,” ani Pauline.

Paano kung siya nga ang papipiliin?

“Hindi ko rin po kasi masabi kung sino yung magugustuhan ng mga tao para sa akin.”

Kanino naman siya naguguwapuhan sa showbiz?

“Si Andre [Paras].”

Naging close sila ni Andre sa That’s My Amboy.

Crush ba niya si Andre?

“Oo naman po,” ang tila nahihiyang sagot ni Pauline.

Sino pa?

“Wala akong maisip,” at tumawa ang baguhang aktres.

Kaka-eighteen lang ni Pauline noong October 5 pero hindi raw siya nagkaroon ng debut party.

“Nag-celebrate lang po ako with family. Kasi gusto ko po talagang mag-travel, pangarap ko po talagang mag-travel.

“So nag-iipun-ipon muna po.”

Gustong pumunta ni Pauline sa Las Vegas sa U.S.

“Nandun po yung grandparents ko, gusto ko pong makapag-celebrate with them naman. First time ko pa lang po kung sakali makakapunta ng States.”

Kasama rin sa Kambal, Karibal sina Jean Garcia (as Teresa Abaya); Marvin Agustin (as Raymond de Villa); Alfred Vargas (as Alex Magpantay); at Carmina Villarroel (as Geraldine Enriquez-de Villa).

Kasama rin sa programa sina Jeric Gonzales (as Benjo Claveria); Rafa Siguion-Reyna (as Vincent); Sheree (as Lilian Ocampo); Racquel Montessa (as Mildred Abaya); at sina Ms. Gloria Romero (as Anicia Enriruez) at Mr. Christopher de Leon (as Emmanuel de Villa).

May special participation naman sa show sina Katrina Halili bilang Nida at Gardo Versoza bilang Noli.



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN