Will the Dingdong-Andrea starrer Alyas Robin Hood have a Book 3?

Will the Dingdong Dantes-Andrea Torres starrer Alyas Robin Hood have a Book 3?


Ngayong gabi na ang finale episode ng primetime series na Alyas Robin Hood Book 2.

Para sa bida ng ARH na si Dingdong Dantes, masaya siya na nagtapos sila na naipakita nila ang gustong ipakita ng serye.

Natutuwa raw siya na naipakita nilang lahat ay puwedeng maging superhero at makatulong sa kapwa at nangangailangan.

“Yung buong Part 2 is really a bonus. Hindi rin naman namin expected na magkakaroon ng pangalawa. Aside from that, na-extend pa kami ng two weeks.

“Grabe na yung pasasalamat namin sa network dahil binigyan kami ng chance na maipakita.”

Hindi kaya magkaroon pa ng Book 3 ang Alyas Robin Hood?

“Panoorin nila, panoorin nila ang ending. Kasi, tulad ng Season 1, pinangako namin sa Season 2 na parehong-pareho, mas maganda at hindi ka rin naman iiba sa ending.”

Mamimiss daw niya sa ARH yung mga naging kasama niya.

“Yung samahan, e. Siyempre, higit isang taon ba kayong nagsama. Masaya lahat. Tapos, nadagdagan pa ng mga kuwelang tao. Sina KC Montero, Solenn Heussaff, Jay Manalo.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa huling taping nila ng ARH sa isang abandoned building sa Tomas Morato kamakailan.

Ang pagkaka-abalahan naman ngayon ni Dingdong ay ang pagre-resume ng shooting ng VIVA Films movie nila ni Anne Curtis, ang Sid & Aya Not A Love Story.

Sinigurado naman ng Kapuso Primetime King na sa 2018 ay may panibago siyang primetime series na gagawin. Pero hindi nito masabing posibleng magkatotoo ang kahilingan naman ng mga tagahanga nila ni Marian Rivera na sila namang muli ang magsama sa isang teleserye.

Ayon dito, “Sa serye sa tingin ko hindi kami puwedeng mag-ganun. Dahil na rin kay Zia since ang time namin. Two years old na rin siya so yun.”

Sitcom pa raw siguro ang posible.

Nangiti naman ang actor nang sabihin naming baka ang siguradong follow-up project nila ni Marian ay “baby number 2.”

“Yun ang gusto natin,” pag-amin niya.

Natawa ito nang tanungin kung totoo na nagpaalam na raw si Marian sa GMA-7 na baka nga ang Super Ma’am muna ang huli niyang serye dahil nga gusto muna nitong mabigyan ng kapatid si Zia.

“Kailangang mangyari muna bago magpaalam. Hindi naman puwedeng magpaalam ng wala, di ba?” natawang sabi niya.

Nabanggit din ni Dingdong na posibleng mag-produce muli ang Agostodos production niya sa isang taon. Sa ngayon, nasa proseso pa raw sila na naghahanap ng tamang material.

Naalala namin na sa mga actor ngayon, isa siya sa mga naunang sumubok na maging director. Hindi ba niya namimiss?

“Naghahanap lang din ako ng timing. And sa ngayon, siyempre tamang project, di ba? Kailangan passion project talaga yun. Marami rin factor. Siyempre, nagka-family ako. Meron din akong civic work, so may oras at panahon para dun.”

Nakikita naman daw ni Dingdong na papunta pa rin siya sa linya ng pagdidirek muli.

Sabi nga niya, “Of course, first love ko yun. Kaya ko nga siya pinag-aralan.”

Pero kung magdi-direk daw siya, mas gusto niyang ibang artista ang aarte at hindi siya. Hindi raw niya nakikitang kaya niyang i-direk ang sarili.

“Hindi ko kaya yun, mahirap yun,” saad niya.

“Kanya-kanyang skills, e. Pero ako, tingin ko hindi ko kakayanin.”

Kung sakali rin daw na magdi-direk siyang muli, gusto niyang pelikula na ang gawin.



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN