Home Sweetie Home director hopes John Lloyd Cruz returns soon: "Sana bumalik si Lloydie."

IMAGE Noel Orsal

Home Sweetie Home director Edgar "Bobot" Mortiz talks about possible changes in the show if John Lloyd Cruz (photo) decides to leave the show for good: "Siguro babaguhin lang namin ang istorya. Hihintayin namin yung sasabihin na ni John Lloyd na hindi na siya babalik. Siguro babaguhin namin ang istorya or depende sa management kung itutuloy pa nila ang Home Sweetie Home or maghahanap ng kapalit."


Sa ngayon, tuluy-tuloy lang daw ang pag-ere ng Kapamilya serye na Home Sweetie Home kahit hindi napapanood dito ang bida nitong si John Lloyd Cruz dahil sa kanyang indefinite leave of absence.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang direktor ng programang ito na si Direk Edgar “Bobot” Mortiz noong Huwebes, November 23, sa taping naman ng isa pang ABS-CBN comedy show ng network, ang Banana Sundae.

Ang unang tanong nga namin sa kanya, ano na ang mga mangyayari sa Home Sweetie Home.

Pag-amin ni Direk Bobot, “Actually, hindi ko alam talaga.

“Ang alam ko, nag-leave si Lloydie. Parang gusto niyang mag-break.

“Magkaroon ng break sa career niya. So ngayon, tuluy-tuloy pa lang kami.

“Doon sa istorya niya na nagbakasyon muna siya, may seminar siya.

“Hindi namin alam kung ano ang magiging decision ni Lloydie.

“Pero siyempre, matutuwa kami kung babalik siya sa show dahil sayang din yung show namin, mag-aapat na taon na.

“Kung kailan buuong-buo na ang istorya, buung-buo na ang pamilya namin.

“Sayang kung mapuputol naman. So yun, sana bumalik si Lloydie.”

CLEARING RUMORS. Tinanong na rin namin si Direk Bobot sa lumabas na isyu na kaya raw umalis na si John Lloyd, nagalit daw ito nang tatanggalin si Ellen sa Home Sweetie Home.

“Hindi, hindi totoo yun,” mariing tanggi niya.

“Kasi, actually yung istorya naman talaga ni Ellen dun, parang guest.

“Siyempre, yung role niya, parang nagiging ka-affair siya ni Lloydie sa istorya.

“Siyempre, ipagpapatuloy pa rin naman namin yung wholesome ang family.

“Role lang naman ‘to. Pero hindi totoo yun.”

At saka niya isinunod na gusto raw niyang nasa HSH pa rin ang girlfriend ni John Lloyd.

“Actually, maganda rin yung may third party rin sa relasyon.”

Sa ngayon, kasalukuyang napapanood si Piolo Pascual sa sitcom na ito tuwing Sabado ng gabi.

Aniya, “Actually, may role talaga siya sa Home Sweetie Home, pinsan siya ni Lloydie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayong wala si Lloydie, pinalit muna namin siya.

“Well, nakikita ko naman nag-e-enjoy si Piolo.

“Hindi ko alam kung ano ang tatakbuhin ng istorya namin pero sa ngayon naman, ina-appreciate pa rin ng mga tao, maganda pa rin ang ratings kaya tuluy-tuloy muna kami.”

CONTINGENCY PLANS. Paano kung hindi na bumalik si John Lloyd sa HSH?

Sabi niya, “Siguro babaguhin lang namin ang istorya.

“Hihintayin namin yung sasabihin na ni John Lloyd na hindi na siya babalik.

“Siguro babaguhin namin ang istorya or depende sa management kung itutuloy pa nila ang Home Sweetie Home or maghahanap ng kapalit.”

Pero nilinaw ng actor/director na open ang Home Sweetie Home sa pagbabalik ng actor.

Paninigurado niya, “Hinihintay namin siya.

“Kaya minsan yung role niya, kausap pa rin siya ni Toni.”

Huling beses daw na nakausap ni Direk Bobot si John Lloyd ay sa huling taping nila na nandoon pa ito.

Mula raw nang umalis ay hindi pa niya ito nakakausap. Mas lalong wala raw siyang ideya sa balitang buntis na si Ellen.

Noong nagkakausap pa sila, siya ba yung tipong nahihingan din ng advice o mga payo ng aktor?

Aniya, “Si John Lloyd, tahimik naman si John Lloyd at saka, hindi naman niya kailangan ng advice.

“Ang relasyon namin ni John Lloyd, bilang director-artista lang.

“Pero medyo close rin sa akin si Lloydie.

“Medyo nasasabi rin niya ang mga nagiging problema niya minsan.

“Like noong lumabas yung ano... [viral video where he made dirty finger gesture] nag-sorry siya.

“Siyempre, lumabas ang mga hindi dapat lumabas.”

Naikumpara pa niya ang nangyari kay John Lloyd noong panahon nila.

Pakli niya, “Actually, sabi ko nga kay Lloydie, masahol pa ang ginawa namin diyan. Pero, walang video-video noong araw.”

BANANA SUNDAE REVAMP? Sa isang banda, masaya naman ito dahil isa sa tatlong comedy shows na hawak niya ay kasalukuyang nagdiriwang ng ika-siyam na anibersaryo, ang Banana Sundae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakaka-nine years na at sana abutin pa kami ng ilang taon,” masayang pahayag niya.

Naabutan namin na habang may taping, meron din audition na nagaganap para sa posibleng maging bagong cast ng Banana Sundae. Kaya tinanong namin ito kung may madaragdag sa cast.

Sabi naman ni Direk Bobot, “Hindi ko alam, e.

“Sa ngayon, okey naman sila.

“Puwedeng may madagdag ulit kapag may nakita kaming bago.

“Patuloy pa rin kaming naghahanap.

“At the same time, nag-iisip kami ng mga bagong segments.

“Patuloy rin ang brainstorming namin every week para mapaganda yung show.

“Abangan na lang nila ang iba pang mga segments na maiisip namin.”

ANGELICA. Sa loob ng siyam na taon, si Angelica ang masasabing orihinal at nananatiling miyembro ng Banana Sundae mula pa noong mag-pilot ito.

Napaka-loyal nga nito sa kanilang gag show.

Pagsang-ayon ni Direk Bobot, “Oo, original.

“Natutuwa ako dahil unang-una, minahal ni Angelica ang show.

“Actually, mahal na mahal ni Angelica ang show na ‘to. Sinakripisyo niya pati budget niya sa show.

“Siyempre, dahil marami sila, alam ko, nag-sakripisyo rito si Angel para tuluy-tuloy lang ang show namin.”

Ang director/actor ang masasabing “tatay” talaga para sa mga artista ng comedy shows ng Kapamilya network na Banana Sundae, Goin’ Bulilit at Home Sweetie Home.

Hindi ba siya nagkaroon ng conflict kapag may problema o isyu ang mga artista niya tulad nang mangyari kina Angelica at John Lloyd Cruz?

Paglinaw niya, “Wala, hindi naman ako involved sa personal nila, trabaho lang naman.

“Siyempre, kapag natatanong ako, kung nag-a-advice, ina-advice ko rin naman sila ng makakatulong sa kanila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN