Queen Seondeok star Andy Ryu enjoying stay in the Philippines for My Korean Jagiya

Andy Ryu says he readily accepted his role in the GMA-7 teleserye My Korean Jagiya. During a pocket presscon for him and co-star Heart Evangelista, Andy said thru an interpreter: "Pero tinanggap ko ang project na ito because gusto ko ring makilala yung mga fans dito sa Philippines at makabuo rin ng mga fans hindi lang sa Pilipinas kundi sa iba't-ibang parte ng Asia as well."


Sa unang pagkakataon ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Korean actor na si Andy Ryu sa pocket interview sa kanila ni Heart Evangelista para sa My Korean Jagiya.

Nakilala si Andy bilang si Ryu Sang Wook ng sikat na Korean series tulad ng Queen Seondeok at Cinderella Man.

Apat na beses nang nagpupunta sa Pilipinas si Andy Ryu pero ngayon ang unang beses na nasa bansa siya para magtrabaho.

“First time pumunta ako sa Manila, one time pumunta naman ako sa Cebu and another time sa Bohol, for vacation,” ang kuwento ni Andy sa pamamagitan ng isang Korean interpreter dahil sa wikang Koreano lamang bihasa si Andy.

Gumaganap siya bilang si Lee Gong Woo na karibal ni Kim Jun-ho (played by another Korean actor na si Alexander Lee) sa puso ni Gia na karakter ni Heart sa Kapuso teleserye.

Ano ang pakiramdam na sa unang pagkakataon ay magtatrabaho siya sa Pilipinas?

“Nung narinig ko na in-offer sa akin itong project na ito kinabahan po ako kasi inisip ko na, ‘Possible kaya ito?’

“Kasi nga because of the language barrier.

"Pero tinanggap ko ang project na ito because gusto ko ring makilala yung mga fans dito sa Philippines at makabuo rin ng mga fans hindi lang sa Pilipinas kundi sa iba’t-ibang parte ng Asia as well.”

Nasa Korea pa lamang si Andy ay aware na siya na may show na My Korean Jagiya dahil ang manager niya at manager ni Alexander ay magkaibigan.

“So nung sinabi na kailangan ng may cast na bago para sa My Korean Jagiya, nung sinabi sa akin na kung gusto ko na i-recommend ako for the role, nag-oo ako kaagad kasi alam kong exciting ang new experience na ito para sa akin as well.”

Handa ba siyang maikumpara kay Alexander na main leading man ni Heart sa show?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa akin iba naman yung character ni Jun-ho sa character ni Gong Woo saka iba yung charm na meron si Alexander, iba po yung charm ko,” sagot ni Andy habang nakangiti.

“And as long as I do my best alam ko na tatanggapin at mamahalin ako ng mga tao, ng mga Pilipino.”

Gaano niya kakilala si Alexander? Magkaibigan ba sila?

“Actually at first hindi pa kami magkakilala ni Alexander pero alam ko kung sino si Alexander because kasama siya sa boy band before. 

"Alam ko kung sino siya but we don’t know each other personally.

“Pero nang nandito na ako sa Pilipinas, nagkakilala kami.

"Si Alexander very friendly, pag wala kaming taping tumatawag 'tapos palagi kaming kumakain ng halo-halo. 

"Kaya ngayon gusto ko na rin ang halo-halo!

"Parang very best friends na kami at the moment.”

Paborito ni Alexander (na dating member ng Korean group na U-Kiss) sa mga pagkaing Pilipino ang halo-halo kaya isa ito sa mga unang in-introduce ni Alexander kay Andy.

Nagpalipat pa nga ng hotel room si Andy para magkatabi na sila ng kuwarto ni Alexander.

“We spend time together a lot.”

Madalas daw silang mag-read ng lines mula sa script nila sa My Korean Jagiya kahit walang taping.

Siyam na taon ng artista sa Korea si Andy at ang iba pang mga naging proyekto niya sa Korea ay ang Welcome Rain to My Life; Take Care of Us, Captain; Legend of the Patriots; Seeking Love; I Love You, Don't Cry; ang TV/Movie na Run Toward Tomorrow at ang pelikulang Hello My Love.

“I am very lucky dahil baguhan pa lang ako ng mai-offer ang Queen Seondeok sa akin and very fortunate ako na makuha yung project na yun.

"Because because of that drama tuloy-tuloy na yung mga projects ko as an actor.”

Hindi pa sigurado si Andy kung gaano siya katagal mamamalagi sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maybe a month or a month and a half.

“But definitely kailangan ko munang bumalik sa Korea after a month a and a half dahil merong naka-line up sa akin na project sa Korea pero after ko dun, babalik ako ulit dito for My Korean Jagiya.”

Willing si Andy na gumawa pa ng mas maraming proyekto dito sa Pilipinas pero nanghihinayang siya na dahil sa language barrier, alam niyang sa ngayon ay may limitasyon ang maaari niyang gawin bilang artista sa Pilipinas.

Korean actor ang papel niya sa My Korean Jagiya kaya lahat ng linya niya ay sa wikang Koreano at kaunting English lines lamang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN