Pinay contestant joins new modeling reality TV show

Former supermodel and Real Housewives of Beverly Hills star Yolanda Hadid, together with her supermodel daughters Gigi and Bella Hadid, will soon launch her very own TV reality show Making A Model with Yolanda Hadid, targeted towards moms aspiring to nurture their daughters' dreams of becoming supermodels. One of the contestants is Breanna Bunevacz (second from right), daughter of former model and decathlete David Bunevacz and wife Jessica Rodriguez.


Ang former supermodel at ex-wife ng musician na si David Foster ay may bagong reality show na pinamagatang Making A Model with Yolanda Hadid.

Ang eight-episode TV series na ito ay magsisimula sa January 11, 2018, at mapapanood sa Lifetime Channel.

Si Yolanda ay isa rin sa mga stars ng reality show na Real Housewives of Beverly Hills, at isa siyang proud mom ng kanyang mga supermodel na anak na sina Gigi at Bella Hadid.

Tutulungan si Yolanda ng kanyang mga anak sa pagtuturo sa aspiring young models na contestants ng programa.

Kasama ng mga aspiring young models ang kanilang mga ina na tinawag ni Yolanda na “Momagers.”

Kabilang sa mga premyo sa show ang weekly US$5,000 prize, management contract kay Yolanda at ang pagkakataong i-represent ng IMG models sa New York.

PINAY CONTESTANT. Kabilang sa mga contestants ng reality show ni Yolanda si Breanna Bunevacz, ang 14-year old daughter ni David Buenvacz at ng former actress at talent manager na si Jessica Rodriguez.


Mapapanood din si Jessica sa Making a Model with Yolanda Hadid bilang “momager” ng kanyang anak na isang promising model sa USA.

Sa tunay na buhay, momager si Yolanda dahil tinulungan niya sina Gigi at Bella para magkaroon ng successful modeling careers.

“Now, I’ve started to manage new models to help young girls realize their modeling dreams.

“Out of thousands of submissions, I’ve chosen five lucky girls.

“They will work closely with me as I give them the tools to become a supermodel.

“Joining them in this journey will be their moms.

“Let’s be honest, a model’s mom will always be her biggest fan.

“Together, moms and daughters will have eight weeks to prove they got what it takes,” paliwanag ni Yolanda tungkol sa bagong television show niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN