Dominic Roque promises to support brother Mark's Kapamilya bid

IMAGE @dominicroque on Instagram

Kapamilya actor Dominic Roque admitted that he was the one who encouraged his elder brother Mark to join ABS-CBN: "Actually, ako ang nag-propose sa kanya na pumasok para magsimula na rin siya sa ABS. I will support him, yun ang gagawin ko."


Sa pagpasok ni Mark Roque sa showbiz last 2015, inamin ng baguhang aktor na sumama ang loob niya sa nakababatang kapatid niyang si Dominic Roque dahil sa kawalan nito ng suporta umano sa kanyang showbiz career.

Ayon kay Mark, di siya nakatanggap ng anumang pagbati o pagku-congratulate man lang mula kay Dominic sa pagkakaroon niya ng magkasunod na proyekto sa TV5.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Dominic sa nakaraang Uratex Premium Mattress event na ginanap sa Ronac Lifestyle Center sa Magallanes last November 29, agad naming kinumusta ang Kapamilya aktor kung nakapag-usap na ba sila ni Mark, at kung naayos na ba ang anumang di nila pagkakaunawaan.

Lahad niya, “Nag-usap kami about it.

“Aware? Oo, nagkaroon talaga kami ng samaan ng loob, misunderstandng, pero okay na kami.

“Siyempre magkapatid kami, kahit na ano ang mangyari, pagkatapos ng araw e magkapatid kami, magkaibigan kami at close kami.

“Close kami kahit di na kami magkasama sa bahay.

“Nag-uusap pa rin kami regularly.

“Siyempre mararamdaman mo yun, kapatid mo yun, e.

“Alam mong may something, kahit sa text lang or usap lang, pag may gathering sa family.

NETWORK PROTOCOL. Ipinaliwanag naman sa amin ni Dominic kung bakit di niya nagawang i-promote o tulungan noon ang kanyang kuya sa mga shows nito sa Kapatid network.

Paliwanag niya, “Kasi siyempre magkaiba kami ng network, so siyempre I support ABS-CBN kasi network ko ito.

“Di mo masasabing di ko siya sinupport.

“Sinupport ko siya in another way pero I’m not supporting him in his own shows.

“Siyempre kalaban yun, ayoko namang i-support ang kalaban.”

FULL SUPPORT AS KAPAMILYA. Ngayong papasok na rin sa ABS-CBN si Mark, siniguro ni Dominic na buung-buo ang suporta na ibibigay niya sa kanyang kuya.

Paglinaw niya, “Actually, ako ang nag-propose sa kanya na pumasok para magsimula na rin siya sa ABS.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I will support him, yun ang gagawin ko.”

Dahil kasabay niya ang ilan sa mga leading men sa ABS-CBN tulad nila Daniel Padilla at Enrique Gil, hindi kaya nakakaramdam ng pagka-inip o disappointment si Dominic na bukod sa dami ng mga bagong artista na pinu-push ng ABS ay parang napag-iwanan na siya ng kanyang mga kapanabayan?

Saad niya, “Maraming nagtatanong niyan, 'Kumusta ang work mo sa ABS?'

“Thankful naman ako sa ABS kasi di ako nawawalan ng trabaho.

“Di naman ako natatakot na dahil ang dami nang pumapasok na mga bagong artista.

“Totoo yun kasi every week, every month, maraming bagong artista na pumapasok nga.

“Para sa akin, every time na may binibigay na bagong trabaho ang ABS, mga teleseryes, ginagawa kong maganda ang performance ko para di ako mapahiya or something.”

CROSSING FINGERS FOR NEW SHOW. Pagkukuwento nga sa amin ng aktor ay papasok siya sa isang on going show na sa Kapamilya network.

Kuwento niya, “Papasok ako sa isang show sa ABS, hopefully mapasok na ako this December.

“Di ko pa siya puwedeng sabihin. Kung hindi this December, sa January.

“Matagal na akong excited kasi nag-guest ako sa Probinsyano.

“So namatay ako dun, dapat papasok na ako sa isang show, kaso nagkaroon ng problem sa story, so medyo na-delay.”

READY TO BARE? Isa si Dominic sa mga celebrities na rumampa sa katatapos lang na 30th anniversary show ng Bench, ang Under The Stars.

Dahil dito, marami ang nag-aabang kung tuluy-tuloy na nga ana pagpapa-sexy niya.

Ani Dominic, “Parang dun tayo papunta, e.

“May mga offers, may projects na siguro kailangang mag-step up.

“Siguro gagawin ko pero di naman yung malaswa.

“Kung may tiwala ka dun sa gagawin mo, magiging okay ang lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN