Ruru gets teased by Alden after taking over his show: "'Uy, dapat sa akin 'yan!'"

Ruru Madrid (in photo) replaced Alden Richards in the upcoming GMA-7 show Sherlock Jr.


May kinalaman sa kanyang career ang birthday wish ng GMA-7 actor na si Ruru Madrid.

“Sana maging successful yung Sherlock Jr.,” sabi ng aktor.

Nakausap ng PEP.ph ang birthday boy noong December 4 na mismong araw ng kanyang kaarawan. Nagdaos ng birthday dinner si Ruru sa Dad’s World Buffet sa West Avenue, Quezon City, kasama ang kanyang pamilya, malalapit na kaibigan, at mga members ng media.

Ang Sherlock Jr. ay ang tine-taping ni Ruru ngayon na show para sa GMA kung saan siya ang bida. 

First solo-starrer ito ni Ruru.

“At saka title role talaga," patuloy niya.

“Sobrang nagulat ako! Actually hindi ko po in-expect na Sherlock Jr. ang magiging title nun.

“Parang sobrang laki pa ng mga binago.

“Ang pangalan ko dapat talaga sa show is Jack Calubaquib lang, and then parang wala silang maisip na title, may pumapasok, canine, dahil may dog, sabi nila parang ang labo pag canine, ganyan-ganyan.”

May co-star na aso si Ruru sa show.

“So sabi nila, 'Bakit hindi natin gawing Sherlock kasi nakilala siya like as an investigator, detective, parang private detective.

“Nagtatrabaho ako sa isang newspaper and parang ang sino-solve ko na mga crimes, like, for example, yung mga pinapatay, gusto ko malaman kung sino yung nasa likod nun.

“So ang nangyari, yun nga John Calubaquib dapat ang pangalan  ko, wala silang maisip na title. So sabi, ‘Bakit hindi na lang natin gawing Sherlock Jr.? Ang magiging pangalan na dito ni Ruru is Sherlock Calubaquib Jackson Jr.’

“So yung palayaw ko na Jack dun na lang kinuha sa Jackson, at saka ayokong marinig yung Sherlock dahil nga pangalan yun ng tatay ko yun na British.”

ALL IS WELL WITH ALDEN. Kay Alden Richards supposedly ang naturang role, at nagpahayag na si Alden ng katuwaan na kay Ruru napunta ng dapat sana ay show niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Ruru, “Siyempre sobrang happy din ako na kumbaga naibigay sa akin, dahil siyempre para ibigay kay Alden yung isang project ibig sabihin malaking proyekto yun, dahil siyempre Alden yun.

“Kami naman po ni Alden kumbaga every time naman nag-uusap kami, lagi niyang kinukumusta, ‘O, Ru, kumusta yung istorya nung show?’

“Ganyan-ganyan, ‘Okay ba?’

“Sabi ko, ‘Oo, okay naman.’

“Tapos sabi niya, ‘Good luck!’

“Sobrang ano naman siya, e, like pagka may tinatanong ako sa kanya about dito sa showbiz or ano, lagi naman siya yung unang tumutulong sa akin.

"Siyempre mas nauna pa rin naman siya sa akin [na maging artista]."

Generous naman daw si Alden sa pagbibigay sa kanya ng tulong.

Kwento ni Ruru, “Siya yung nagturo sa akin paano pumiR [PR], yung mga ganung bagay.

“So kami ni Alden para kaming magkuya na talaga dahil siya yung nag-a-advise sa akin para siguro para mas tumagal din sa industriya.”

Wala raw anumang tampuhan na namamagitan sa kanila ng dahil sa Sherlock Jr.

“Wala! Kumbaga paminsan nga asaran pa, e, ‘Uy, dapat sa akin 'yan, ah!’

“Mga ganun-ganun, pero wala. Siya pa yung unang nagbigay ng gift.

"Lahat naman binigyan niya, nagbigay siya ng Christmas gift sa lahat ng cast ng SPS.”

"Ang tinutukoy ni Ruru na SPS ay ang Sunday PinaSaya, kung saan magkasama sila ni Alden. 

"Hindi pa raw niya nabubuksan ang regalo sa kanya ng Pambansang Bae.

“Hindi ko pa po tsinek, e, pero ang laki! Hindi ko pa po binubuksan, kahapon lang niya po binigay [sa mismong Sunday PinaSaya show, araw ng Linggo].”

May magandang role rin si Ruru sa pelikulang Meant To Beh na official entry ng OctoArts Films, APT Entertainment, at M-Zet Films sa 2017 Metro Manila Film Festival na magsisimula ng December 25.

Pinagbibidahan ang Meant To Beh nina Vic Sotto at Dawn Zulueta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa direksyon ni Chris Martinez, kasama rin sa pelikula sina Andrea Torres, JC Santos, Daniel Matsunaga, Sue Ramirez, Baeby Baste, at ang ka-loveteam ni Ruru na si Gabbi Garcia.

May special participation sa MMFF 2017 entry sina Alden at Maine Mendoza, at sina Pauleen Luna, Kristine Hermosa-Sotto,  Oyo Sotto at ang JoWaPao na sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN