Mark Neumann does not mind being "extra" in KathNiel prime-time teleserye

IMAGE Screen grab from ABS-CBN

Mark Neumann on his supporting role in La Luna Sangre: "For me, it doesn't really matter as long as I can expand my craft. Any role is a role. Work is work."


Masaya si Mark Neumann na katrabaho sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa ABS-CBN primetime series na La Luna Sangre.

“Napakabait sila. And really chill lang sila sa set.

“Napaka-down to earth sila. Super-masayang kausap.

“Tapos, nagtatawanan lang minsan between the takes, di ba? So...” nakangiting sambit ni Mark sa premiere ng pelikulang Kamandag ng Droga na ginanap sa SM Megamall kagabi, December 4.

Noong July pa nagsimulang mag-taping si Mark sa La Luna Sangre. Close na ba siya sa KathNiel?

“Well, I wouldn’t say close,” matamang pakli ng binata.

“But we went through a lot of things actually, sa init ng araw pag may fight scenes, ganun.”


LIMITED EXPOSURE. Bidang-bida noon si Mark sa TV5. Nang pumasok siya sa La Luna Sangre ng ABS-CBN, puro reaction shots lang siya.

“Yeah, first na walang lines!” natatawang sabi ng former Kapatid star.

“And then, dumadami naman ang lines ko. Nakaeksena ko ang KathNiel...

“Minsan, there was one time na pinasa sa akin ang script. Mas bagay raw sa character ko.

“Si Daniel mismo ang nagdesisyon. Mahaba ang lines. Sobrang mahaba po.

“I wasn’t ready. I think three pages siya and kailangan ko siyang i-memorize in 20 minutes.

“Nagawa ko naman. Tuluy-tuloy naman.”

Bakit kaya ipinasa ni Daniel sa kanya ang script?

Paliwanag ni Mark, “Kasi, very passionate si Daniel sa kanyang character. Importante na alam ng isang aktor ang kanyang character.

“And explaining about medical terms, parang wala sa character niya. Mas bagay sa character ko na may police background.

“It’s really good if an actor knows his character. Nako-control din niya ang performance niya nang maayos.”

Okay lang daw kay Mark kung nagmumukha siyang "extra" sa fantaserye ng KathNiel.

Aniya, “I don’t mind. Before, di ba, in England, I was a factory worker, newspaper boy. I was a warehouse cleaner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“For me, it doesn’t really matter as long as I can expand my craft. Any role is a role. Work is work.”

STILL SINGLE. Mabilis naman ang tugon ni Mark nang usisain namin kung single pa siya, “Yeah!”

Mas masuwerte ba siya sa career, mas nakakapag-focus sa work pag single?

“Single or not single, if you’re focused sa work, it doesn’t matter.”

Maraming magagandang Kapamilya girls. May natitipuhan na ba siya sa mga ito?

“At the moment, wala po. I’m more focused sa work ko.

“In love ako sa work ko,” sagot ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN