What if Heart Evangelista gets pregnant while shooting My Korean Jagiya?

Heart Evangelista describes incident when her husband Senator Chiz Escudero got jealous of her My Korean Jagiya co-star.



Masaya ang GMA-7 actress na si Heart Evangelista sa bago nilang co-star sa My Korean Jagiya, ang actor na si Andy Ryu.

Ginagampanan niya ang bagong karakter sa show na si Lee Gong Woo.

"Medyo nahihirapan siya because of the language," pahayag ni Heart.

"But then okay naman, he’s hardworking. First day nga haggard na haggard siya, sabi niya, ‘I’m tired.'"

May bagong kinasisiyahan din ang mga avid viewers ng MKJ dahil napapanood na nila si Heart na nagsasalita ng Korean sa show.

“But it’s also a challenge for me because I’m starting to speak Korean in the script," paliwanang ng aktres. 

“Minsan Tagalog lahat biglang my Korean na ita-translate! So minsan it’s like 1 AM or midnight, mag-aaral ako ng Korean, ‘Whoa!’

“But I like it, it’s a challenge, I love language kasi.”

Paano niya pagkukumparahin sina Andy at Alexander Lee na leading man niya bilang si Kim Jun Ho?

“Both of them are very hardworking, mabilis sila kumilos, wala silang arte or anything so iyon yung mga similarities nila.”

Malamang ma-extend ang My Korean Jagiya. Paano kapag biglang nabuntis si Heart,pl?

“Hindi naman ako nagfi-fitted [clothes], e, so you won’t see, di ba,” at tumawa ang Kapuso actress.

“So even if umabot pa ako ng six months pregnant kung hindi niyo nakikita, deadma!”

Napaka-espesyal daw ng My Korean Jagiya para kay Heart.

Bulalas niya, “It’s official, it’s my favorite soap!

"Out of everything I’ve done. I think I’ve never been given a chance to be a certain way and totally express myself, enjoy ako!”

Dati raw kasi ay ang fashion sense niya (clothes and accessories) ang napupuri sa kanya ng mga fans, pero ngayon, bilang si Gia sa My Korean Jagiya ay ang acting niya ang napapansin, lalo na pagdating sa comedy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo! So minsan pag nagmo-mall show kami, pag tinaas ko ang kamay ko, then they will scream, I was like, 'Are they screaming at me or kay Xander?’"

Hindi raw sanay si Heart na pinagkakaguluhan nang bongga sa mga malls shows.

“Kasi I mean it’s been what, twenty years next year, sa buong buhay ko, ngayon lang ako tinilian nang ganito kagrabe!

“Oo! I think so. I mean, nung bata ako siguro but I don’t remember much about my mall shows before, parang ngayon ko lang siya naranasan.”

Hindi raw kasi masyadong uso noon ang mall shows.

“Hindi masyado, oo! So parang nagulat lang ako!”

CHRISTMAS PLANS. Malapit na ang Pasko kaya kinumusta namin si Heart kung ano ang plano nilang selebrasyon ng mister niyang si Senator Chiz Escudero.

“Here lang kasi may taping ako ng My Korean Jagiya, so here lang. Pero okay lang.”

Baka raw sa New Year sila mag-out-of-town o mangibang-bansa.

Ang mga Korean co-stars raw niya ay nasa Pilipinas sa Pasko kaya malamang anyayahan niya ang mga ito sa bahay nilang mag-asawa magdiwang ng Kapaskuhan.

“Kung gusto nila. Para ma-experience nila yung Filipino [Christmas] tradition, iyon din ang pinaplano ko.”

Naikuwento naman ni Heart ang isang insidente na tila nagselos ang mister niya kay Alexander.

“Nung isang araw nag-message si Xander sa akin, yung picture ko na tumatawa ako tapos nasa back siya [Xander]. Sabi niya [Senator Chiz], ‘So why is your smile so huge here?!’

“And I said, ‘Are you jealous?’

"Tapos hindi na nag-reply, nasa Tatler Ball ako nun," at tumawa si Heart.

"So inisip ko, nagalit ba siya sa akin? 'Tapos sabi niya, 'I’m not jealous, I’m not jealous.'"

Unang beses iyon na tila nagselos ang Senador sa Korean co-star ni Heart.

Hindi ba iyon naman ang gusto ni Heart, na minsan ay magselos naman si Senator Chiz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo nga, e, so parang nagwo-work naman,” at muling tumawa si Heart.

"Na, 'Nagseselos ka?'"

Patuloy na dumarami ang nagkakagusto sa karakter niya bilang si Gia.

“In real life, may mga nai-intimidate sa akin, with the way I dress, but with this soap they get to see snippets of who I am in real life so nakakatuwa.”

Samantala, kung magkakabakante sila, nais ipasyal ni Heart si Andy sa Balesin or saan mang beach.

“Gusto ko sa Bagac, sina Xander nakapunta na sa Bataan. Saan pa ba? Maganda rin sa Ilocos, sa Vigan.”

Bago raw kinuha si Andy para sa show ay ipinakita muna ng GMA kay Heart ang litrato nito.

“Yeah I mean, ako, total trust naman ako [sa GMA management],” pag-amin ng aktres.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN